Kung wala lang talagang contract ay mananatili ako sa Pilipinas ay hindi na uli babalik sa Singapore. Wala naman akong magagawa kundi ang bumalik ng Singapore para magtrabaho. Konting tiis na lang ay magkakasama na kami ng mga ito. Kailangan ko talagang taposin ang kontrata total isang linggo na lang iyon at matatapos na. Alam ko maraming madidisappoint at manghihinayang kapag hindi ako pumirma uli ng konrata. Hindi na rin ako bata at matagal ko nang pangarap na mabuo ang aming pamilya. Masaya kung pinagmasdan si Aziel at Akiel na naglalaro sa swimming pool. Sa kabilang sun lounger naman ay nakatingin din si mommy Iggy sa mga ito. Sa ilang araw na pananatili namin dito ay naikwento ko na yata sa mga ito ang buhay namin ni Akiel sa Singapore. Hindi pa rin completely na maayos ang mag-

