Kabanata 1: Impostor! Ang Pagpapanggap ni Nathalia
First Person's POV
Blanko ang isip ko.
Ngayon ay nakikita ko ang sarili kong pangalan sa lapida, sa ibabaw ng puntod kung saan hindi naman ako ang nakahimlay. Ilang araw na akong umiiyak para sa aking kakambal. Samantalang sila naman ay ako ang iniiyakan.
Walang sinoman ang nakaka alam na hindi ako ang pumanaw sa aksidente kung hindi ang aking kakambal na si Natasha. Identical twins kami. Iisa ang aming mukha at pangangatawan. At kahit pa nga ang boses namin ay iisa rin.
Ngunit bakit nga ba pinili ko na magpanggap? Bakit ko pinili na akuin ang pagkatao na hindi naman sa akin?
Isipin ko pa lang na wala na ang aking kakambal ay tila sinasakal na ako nang paulit-ulit. Buong buhay ko siya lang ang tangi kong naging kakampi pagkatapos namin maulilang dalawa sa aming mga magulang.
Siya ang naging tagapagtanggol ko at karamay sa lahat ng hamon sa buhay.
Ngayon na wala na siya..... paano ko nga ba haharapin ang buhay na mag-isa?
Matapang ang aking kapatid. Palaban siya mula nang kami ay isilang! Noon pa man ay likas na sa kaniyang pagkatao ang tapang at kumpyansa na wala ako. Dahil ako si... Maria Nathalia Saavedra ay walang ibang alam gawin kung hindi ang magkubli sa likod ng aking kakambal.
Hindi ko kayang mag-isa.
Hindi ko kaya na wala siya!
Naramdaman ko ang pagyakap ni Jan Vic mula sa aking likuran. Mainit ang kaniyang mga labi nang lumapat iyon sa aking balikat. Dama ko ang bawat paghinga niya sa aking balat dahil sa soot kong tube blouse.
Wala sa personalidad ko ang magsoot ng ganitong kasootan ngunit dahil sa kailangan kong magpanggap na Natasha ay wala akong choice kung hindi gayahin ang paraan ng pagkilos at pananamit ng sarili kong kapatid.
Puno ng confidence ang kambal ko. Kayang-kaya niyang dalahin ang kaniyang sarili saan man siya makarating. Hindi ko gaya... tahimik at mahiyain.
Simple lang rin ako manamit... hindi gaya niya na mahilig sa mga sexy na kasootan.
Totoong mahirap ang maging hindi naman ikaw.... ngunit may mas malalim pa akong dahilan kung bakit pinili ko ang maging isang dakilang impostor!
Nararamdaman ko na hindi basta lang aksidente ang nangyari sa aming magkapatid! Nararamdaman ko sa puso ko na may tao sa likod ng lahat! Kung bakit nawalan ng preno ang kotse namin at nahulog kami sa isang matarik na bahagi ng makipot na daanan habang naglalakbay kaming magkapatid pabalik sa mansiyon.
At dahil dito wala akong magagawa pa kung hindi ang magpanggap na ako ay si Natasha at ang taong namatay sa aksidente ay ako. Kailangan ko na gawin ito dahil alam ko na higit na mas magiging nasa panganib ang buhay ko kung malalaman nila na ang kapatid ko ang nawala at hindi ako.
Hindi ko man nais ngunit kasama sa lahat ng pagpapanggap kong ito ang isang tao na noon pa man ay malapit na sa aking puso.
Si Juan Victor Riego de Dios.
Tama ang lalaking nakatakdang pakasalan ng aking kapatid ay siya ring lalaki na lihim kong iniibig!
Noon pa man ay patago kong minamahal ang lalaking mahal rin ni Natasha.
Kasalanan man maituturing ngunit totoo yata ang kasabihan na ang puso ng kambal ay iisa. Dahil iisa lang lalaki ang parehas namin gusto.
Noon..... dumistansiya akong pilit dahil alam kong si Natasha ang tunay na mahal ni Jan Vic at hindi ako. Ngunit ngayon na wala na ang aking kapatid kasalanan ba na maituturing kung gustuhin ko naman na ako naman ang mahalin niya?
Isa pa.... alam kong madudurog ang puso ni Jan Vic sa oras na malaman niya na ang kapatid ko ang totoong pumanaw sa car accident na kinasangkutan namin dalawa at hindi ako.
Naisip ko na akuin ang katauhan ni Natasha at hayaan na kusang makipagkalas sa akin si Jan Vic sa sandaling hanap-hanapin pa rin niya sa katauhan ko ang aking kakambal.
Alam ko naman na maari pa rin makilala ng puso ang totoong iniibig nito kahit pa iisa ang mukha naming dalawa.
Ngunit sa pagkakataon na ito.... magiging makasarili na muna ako. Hahayaan ko na maramdaman ko muna ang pagmamahal ng lalaki kahit na alam ko na hindi naman talaga ito para sa akin... kung hindi sa kapatid ko.
Hahayaan ko muna ang aking sarili na umiyak sa kaniyang balikat habang ipinagluluksa ko ang pagkawala ni Natasha!
At saka ko na iisipin ang mga posibleng kahantungan ng lahat!
Marahan akong iniharap ni Jan Vic sa kaniya at tinitigan niya ako sa aking mga mata. Nakikita ko ang senseridad niya mula roon at pakiramdam ko tumatagos hanggang sa aking kaluluwa patungo sa aking puso ang paraan ng pagtitig niyang iyon sa akin.
Bahagya akong nakaramdam ng simpatya. Kailanman ay hindi ako nagawang tingnan ng ganito ni Jan Vic. Alam ko noon pa man na kapatid lang ang turing niya sa akin.
" Love, you need to rest. Masyado ka nang napagod lately sa lamay ni Nathalia baka ikaw naman ang magkasakit niyan."
"Hmmm... Okay lang naman ako Jan Vic. You don't have to worry.", ang sabi ko na iniwas ng bahagya ang paningin.
Hindi ko pa rin magawang makipag sukatan ng tingin kay Jan Vic pakiramdam ko anomang sandali ay matutuklasan niya ang aking pagpapanggap.
" Paano ba na okay ka? Ayun o... nangingitim na ang gilid ng mga mata mo sa puyat. Kung nandito lang si Talya alam ko na hindi niya magugustuhan na napapabayaan mo ang sarili mo.", may himig pangongonsensiya pa na wika ng lalaki.
Unti-unti nitong tinawid ang distansiya naming dalawa. Nararamdaman ng puso ko ang maaring mangyari. Halos mawalan ako ng hininga. Napapikit ako nang mariin habang ang aking mga palad ay namamawis.
Marahan lamang ang halik na ibinigay ni Jan Vic ngunit pakiramdam ko nanganagatal ang dalawa kong tuhod sa sobrang kaba. Sa edad kong dalawamput-lima ngayon lang ako nakatanggap ng halik ng isang lalaki.... at sa labi pa!
Nag-init ang magkabila kong tenga at pakiramdam ko ay pulang-pula rin ang aking dalawang pisngi. Mabilis rin ang pagtibok ng aking puso... halos naririnig ko ang bawat pintig nito.
Hinawi ni Jan Vic ang ilang hibla ng alon-alon kong buhok na dinala ng malamig na hangin sa aking pisngi. Puno ng pagsuyo ang bawat titig niya sa aking mukha.
"Love... parang may kakaiba sa'yo. You are acting strange lately. But don't you worry nauunawaan ko na may pinagdadaanan ka. Alam ko na mahirap at masakit para sa'yo ang biglaang pagkawala ng kambal mo."
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kalungkutan at pangamba.Hanggang ngayon pakiramdam ko wala akong kakayahan na makapag-isip nang maayos.
Ewan ko ba— pakiramdam ko may bahagi ng aking puso na kasama nang nalibing ni Natasha.
"Hey— halika nga dito Love. Nauunawaan ko ang bigat na nararamdaman mo ngayon pero hindi mo naman kailangan na solohin ang lahat. Nandito ako Tasha."
"Yeah... of course I knew that. Nagpapasalamat ako sa'yo Jan Vic dahil sa lahat ng kabutihan mo sa akin. I can't imagine kung paano ako kung wala ka sa tabi ko.", totoo sa loob na ani Nathalia.
Sinikap niyang h'wag mabasag ang sariling tinig dahil gusto niyang ipakita sa lalaki na matapang siya gaya ng kaniyang kapatid ngunit hindi niya napigilan ang sariling lumuha.
Kinakain siya ng kaniyang konsensiya dahil alam niya sa kaniyang sarili na maling-mali ang pagpapanggap na ginawa niya. Ngunit sa isang bahagi ng kaniyang puso alam niyang kailangan niya sa mga sandaling ito ang presensiya ni Juan Victor sa kaniyang buhay.
" Patawad kakambal ko.... alam ko na mali ang ginagawa kong pagpapanggap. Alam ko na sa tamang panahon ay matutuklasan rin ni Juan Victor ang lahat. Alam ko na sa bandang huli ikaw at ikaw pa rin ang hahanap-hanapin niya. Ngunit sa ngayon... magiging makasarili muna ako. Hahayaan ko muna na maramdaman ko ang pagmamahal niya na nakalaan para sa'yo. Mahal ko rin ang lalaking mahal mo.... "