Tumirik ang sasakyan ng magkakaibigan sa kanilang dinadaanan.
Lumabas si Cassy na Isang magandang babae at kasabay nya ang kanyang boyfriend na si Mick.
Kasunod naman si Sandy Isang tahimik at nagbabasa ng libro kasunod naman nya si Alex Isang bakla.
"Saan na tayo Mick?" Pagtatanong ni Cassy sa kanyang nobyo habang naka pamaywang at tinatanaw ang malapad na kakahuyan at walang mga bahay.
"Di ko rin alam babe!" Ang sagot ng kanyang nobyo.
Nilabas naman ni Alex ang kanyang cellphone at inilibot.
"Walang signal naman dito!" Sabi ni Alex.
"Bakit pa kasi iyan pa ang nadala mong sasakyan. Eh!, Ang dami naman saksakyan sa bahay mo!" Pagtataray ni Cassy sa kanyang nobyo.
"Iyan lang kasi ang available sa bahay lahat kasi ng sasakyan ay gamit ng mga kapatid ko!"sagot ni Mick.
At bumalik si Cassy sa loob ng bus at sumonod naman si Mick sa kanya.
Naiwan si Sandy na tahimik nagbabasa ng libro at kinalabit sya ni Alex at nagulat si Sandy sa ginawa ng kaibigan nya kaya sa napasigaw.
Habang tumatawa si Alex ay may nakita syang bahay sa malayo.
At tinawag nya ang kanyang mga Kasama.
"Guys, look!" May bahay sa malayo. Tara puntahan natin baka pwede natin mahingan ng tulong." Sabi ni Alex habang itinuturo ang bahay.
Kaya lumabas ang dalawang magkasingtahan at tinitingnan ang itinuturo ni Alex hanggang sila ay nagtawan dahil sa saya.
May bahay na pwede nilang mahingan ng tulong. Kaya agad silang bumalik sa saksakyan at kinuha ang mga important things na kanilang dadalhin.
Habang Sila ay naglakad nagku-kulitan ang mag barkada. Hanggang sa malapit na sila sa bahay, malayo-layo Rin ang kanilang nilakad kahit na kung titignan ay parang malapit lang pero kung iyun lalakarin ay malayo-layo rin.
Ng malapit na sila sa gate ng bahay ay tinitigan nila ang desinyo nito. Nakakatakot ang bahay parang lumang -luma.
Iyun ang nasa isip ni Cassy at humawak sa kamay ng kanyang boyfriend.
At hinalikan din ito ni Mick at pinisil ang kanyang mga kamay.
Na parang pagbibigay ng protection sa kanya. At nawala ang kanyang takot.
At nagsimula na silang magsisigaw!.
"May tao po ba dito?" Sigaw nilang lahat.
Wala parin lumalabas na tao sa bahay kaya naisipan nilang baka malayo ang kinaroroonan nila kaya napag desisyunan nilang pumasok sa gate ng bahay.
Madali nilang buksan ang gate dahil Wala itong lock kaya nakapasok sila at papunta na sa pinto ng Bahay.
Kumatok sila sa pinto hanggang binuksan ng Isang matandang lalaki at naka salamin.
Ngumingiti ito at hinarap sila.
Kaya nagsalita si Cassy na humihingi ng tulong dahil nasiraan sila ng sasakyan.
Kaya pinapasok sila ng matanda sa loob ng bahay.
At pina-upo sa sofa ngunit parang ayaw nilang umupo dahil sa nakakadiri nitong hitsura.
Para kasi itong nilagyang ng mga bulok na Iwan. Di nila ito mawari kung anong klase mantsa ang kanilang nakita at mabaho parang amoy patay.
Kaya lang ay nahiya sila sa matanda kaya pilit nila itong sinunod dahil nga humihingi sila ng tulong sa kanya.
Maya-maya ay may bumababa na isa din matandang babae at may benda sa kanyang Ulo.
Kaya sila ay tumayo at nagmagandang araw sa kanya.
Kaya tumango lang ang matanda habang papunta sa kusina ng bahay at pagbalik nito ay may hawak na ito ng tray at may dala syang tubig na maiinom nila.
At nilapag sa harap nila at umupo katabi ang matandang lalaki.
"Anong kailangang nyo?"pagtatanong ng matandang babae sa kanila.
Sa susunod...