"Nasiraan po kami ng sasakyan Lola!" Ang panimula ni Cassy sa matanda.
"Wala ho!" Kaming dalang extrang gulong!" Sunod-sunod na sabi ni Cassy sa matanda.
"Ah, ganoong ba ang nanyari" sabi ng matandang babae sa kanila habang nakatitig sa matandang lalaki.
Kaya nagtinginan ang magkakaibigan at tumango sa kanila.
"Meron po ba kayong telephone na pwede namin gamitin sa pagtawag sa amin?"
Tanong ni Sandy sa dalawang matanda.
"Wala kaming kuryenti dito sa lugar nato at napakalayo ng bahay namin!" Sabi naman ng matandang babae sa kanila.
Kaya mas lalong naging mahirap na ang kanilang sitwasyon dahil wala palang kuryenti sa bahay na ito o telephone na maari sanang makatulong sa kanila. At ng pakilala ang dalawang matanda na Sina Lola Corazon at Lolo bunoy.
Maya-maya ay sinabihan sila ni Lola Corazon na malapit na ang gabi at dito na sila magpalipa at bukas nalang maghanap ng paraan kung paano maka- alis sa lugar na ito.
"Malayo ang lugar na ito at bihira lang ang dumadaan sa amin lugar kaya baka mahirapan kayo maka- alis agad." Sabi sa kanila ni Lola Corazon.
Kaya tumango na lamang ang mag ba- barkada at tumayo na ang matandang babae na at sinabihan ang mga babae na samahan sya sa pagluluto ng pagkain.
Kaya sumama ang mga babae sa matanda at nagluto sila ng mga pagkain na kanilang pinagtataka dahil mainit- init pa ang mga karne na parang bagong katay ang kanilang hinihiwa at tinanong na baka ito ay masira dahil walang ref.
Tumawa lamang ang matanda at sinabi na hindi sila mawawalang ng karne. Dahil araw- araw ay may dumadating na mga hayop sa kanilang bakuran at iyun ang kanilang kinakatay.
Naging abala sila sa pagluluto ng mga pagkain at ng matapos na ay dinala na nila sa mesa at nagsimula ng kumain.
Sarap na sarap ang magbabarkada sa kanilang kinakain dahil napa ka lambot ng Karne at masarap talaga nakailang ulit na nga silang sumandok sa pagkain.
Kaya tawang -tawa ang dalawang matanda sa kanila.
"Sige kumain lang kayo, marami pa iyan." Sabi ng matandang babae at tinuturo ang pagkain.
Ng matapos na silang kumain ay sila na ang lumigpit ng mga pinggan pinagkainan. Nag kukwentuhan sila habang naghuhugas ng pinggan.
"Ang sarap talaga ng luto mo babe!" Pagpupuri ni Mick sa kanyang girlfriend habang ito ay kasama nyang naghuhugas ng pinggan ang iba naman ay naka stambay sa kusina habang nagkukwentuhan din.
Dahil lampara lang ang gamit nila ay nasa kusina lang sila naka stambay at doon nag kukwentuhan.
Ng matapos na silang maghugas ng pinggan ay lumapit si Lola corazon sa kanila.
"Tapos na ba kayo maghugas ng pinggan sumama muna kayo sa akin at ng dadalhin kayo dahil meron kaming extra na kwarto sa ibaba.
Kaya sinundan nila ang matanda at pinakita ang magkabilaang kwarto.
"Ito ay para sa mga babae at ito naman ay para sa lalaki!" Sabi ng matanda sa kanila.
Kaya napangiti si Alex dahil makakasama nya si Mick, kaya kinurot ni Cassy si Alex.
Ng umalis na ang matanda ay pumasok narin ang magbabarkada sa kani- kanilang mga kwarto.
Ng pumasok si Cassy sa Kwarto ay napaka sangsang ang amoy at napaka alikabok.
Ni hindi nga nya gustong pumunta sa kama dahil napaka baho nito at madumi.
Kaya lang ay saan naman sila matutulog.
Kung alam lang nya na ganito ang loob ng kwarto ay pupunta na lamang sya sa kanilang sasakyan at doon matulog.
Kaya no choice sya kundi matulog sa sahig. Pero bago sila matulog sa sahig ay kumuha sya ng tela na nakalagay sa mesa at pinahid iyun sa sahig dahil nga gawa iyun sa kahoy.
Ng matutulog na silang dalawa ay mas kumportable ang kanyang pakiramdam kesya sa kama.
Habang papatulog na si Cassy may naririnig syang kaluskos sa ilalim ng sahig at mga ingay na umiiyak kaya hindi sya makatulog sa ingay.
"Cassy alam kung di Kapa tulog," naririnig mo na iyun? Tanong ni Cassandra sa kanya.
"Naririnig mo din" ang pagtatanong ni Cassy kay Cassandra.
"Oo, yun nga ang di nag papaantok sa akin kanina ko pa naririnig iyun." Sabi ni Cassandra.
At buong gabi silang di makatulog ng maayos.