Chapter 4

634 Words
Ng mag -uumaga na ay bumaba na sina Cassy at Cassandra at sumunod naman si Alex at Mick na nagtutulakan pa sa pagbaba ng hagdang at pumunta sa salas kung nasaan ang dalawang babae ay naghihintay na sa kanila. Ng biglang pumasok sa pinto si Lolo bunoy at may kargang mga karne at pinagpapawisan habang nilalatag ang mga Karne sa mesa at umalis . Magandang umaga po lo!" Sabi ng apat sa matanda. Tumango lang ang matanda at naglakad pabalik sa likod ng kusina. Nang wala na ang matandang lalaki ay hinawakan ni Alex ang karne at pinaglalaruan. Pinagkakagat nya kunwari ang mga karne na parang Isang aswang at tumatawa pa nagdumating si Lola corazon ay ngumiti sa kanila at sinabihan sila na tulungan syang magluto ng mga pagkain. Tumango sila at tinulungan nila si Lola corazon na magluto ng pagkain at nang hinawakan na ni Cassy ang karne ay mainit-init pa ito. Lumabas sa pinto si Lolo bunoy at nilagay ang panghuling karneng na kanyang kinarga at nilagay sa mesa. Kaya tumulong sila sa pagluluto ng pagkain at ng matapos na ay nagsimula na silang kumain at napa kasarap karning kanilang niluto. Marami ang kanilang nakain dahil malinamnam ang karning kanilang kinakain kaya naintriga sila at tinanong ang dalawang matanda kung anong klase ng karne ang kanilang kinakain at napakasarap. "Karneng kambing lang iyan na napupunta sa amin bitag." Sabi ng matandang lalaki sa kanila. Habang ngumiti na tumitingin sa kanila. Ng matapos na silang kumain ay napagdisisyunan nilang bumalik muna sa kanilang sasakyan at baka may mahanap pa sila na pwedeng gamitin. Kaya bumalik ang apat sa sasakyan iniloghog kung anong pwedeng magamit sa pag-aayos ng kanilang sasakyan. May nakitang pocket knife si Mick sa likod ng sasakyan at nilagay nya sa kanyang bulsa habang patuloy parin sila sa paghanap ng mga bagay sa kanilang sasakyan. May napansin sila na mga matutulis na bagay ang nakakalat sa daan kaya siguro ay nasira ang kanilang gulong. Ng bumalik sila sa bahay ng dalawang matanda ay nakita nilang wala ang mga ito at tinignan sa likod wala din. Pero may nakita silang Isang pinto sa likod at naglakad sila para hanapin ang dalawang matanda hanggang nakarating sila sa kakahuyan at may nakitang ilog. Natuwa sila dahil may ilog dito kaya nagsimula silang maghubad ng mga damit at nagsiligo. Ilang oras din silang lumangoy ng matapos na ang kanilang pag swimming sa ilog ay bumalik din sila sa bahay ng dalawang matanda. Naabutan nilang may sinusunog ang matandang lalaki at ang baho ng amoy kaya pumasok sila sa loob ng bahay at nakita nilang may hawak ng tubig ang matandang babae at ibinigay sa kanila. Kaya ininom nila ito dahil napagod sila sa kakalangoy sa ilog. Ng nainom na nila ang tubig ay bigla na lang nahilo si Cassy at nahimatay ganoon din sina Alex, Mick at si Cassandra. Dahil may nailagay na pangpatulog ang matandang babae sa kanilang inumin tubig. Naunang nagising si Cassy dahil sa narinig nyan ungol at nangagaling iyun kay Alex at nakita nyang nakagapos ang dalawang kamay at paa nito. Nang maramdaman nyang masakit ang kanyang mga kamay ay nalaman nyang nakagapos ang kanyang mga kamay at nakita rin nyang nakagapos rin ang kanyang mga kaibigan habang sila ay nakaupo sa upuan. At maraming mga dugo ang nakakalat sa sahig at dingding ng kwarto. Kaya sya ay napasigaw sa takot at nagising naman ang iba pa nyang mga kaibigan. Umiiyak si Alex na nakagapos nang pumasok ang matandang lalaki at may dalang chainsaw. Ng makita nila ito, nagwawala si Alex kahit nakagapos ang dalawang paa nya dahil sa matandang lalaking lumalapit sa kanya. Nagsisigaw din ang tatlo habang nakikita nilang papunta na ang matandang lalaki kay Alex. "Maawa po kayo sa amin!" Maawa po kayo!" Pagmamakaawa ni Cassy sa matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD