Nang matumba si Mick ay nagsimula na silang gumalaw na parang uod. Kahit masakit nasa balat ang kanilang ginagawa dahil naiipit ang kanilang balat sa sahig ay patuloy parin sila hanggang sa magkalapit na ang kanilang katawan.
At kinapkap ni Cassy ang short na suot ni Mick nahihirapan si Cassy sa pagkuha ng pocket knife dahil sa kanilang pagkagapos na mga kamay.
Hanggang sa nahawakan na nya ang pocket knife at unti-unti na nya nilalabas sa bulsa ng kanyang nobyo.
Nang makuha na nya ang pocket knife ay pilit nyang hinihiwa ang gapos ng kanyang nobyo at kahit na nahihirapan na sya ay pa unti-unti nyang natanggal ang lubid na nakagapos sa kanyang nobyo.
Mga ilang oras din na ganyang ang kanilang posisyon at hanggang sa natanggal na nyang tuluyan ang lubid sa mga kamay ng kanyang nobyo.
Nang matapos na nya natanggal ay parang naliligo na sya sa kanyang pawis .
Nang walang silang narinig na ingay sa itaas ng bahay ay binilisan na nila ang kanilang ginawang pagtanggal ng lubid na nakagapos sa paa ni Mick.
Nang makatayo na ng tuwid si Mick ay kinalas na rin nya ang gapos ni Cassy at hanggang ngayon ay tulog parin si Cassandra.
Kaya ng makuha na nila ang mga gapos sa kanilang mga kamay at paa ay lumapit sila kay Cassandra.
At nilagay na ni Cassy ang kamay sa bibig ni Cassandra at niyugyug ni Cassy si Cassandra kaya ng magising si Cassandra ay bigla itong sumigaw kaya lang ay mahinang sigaw lang ang lumabas sa bibig nya dahil tinakpan na ito ng Isang kamay ni Cassy.
At nagbalik ang ulirat ni Cassandra at nagtanong.
"Cassy ikaw ba yan?" Tanong ni Cassandra habang bumabalik naman ang kanyang
Katinuan.
"Oo, Ako nga Cassandra, lalabas tayo dito" Sabi ni Cassy kay Cassandra.
"Cassy ayaw ko na!, Gusto ko ng umuwi!" Ang pagsasamo ng dalaga sa kanyang kaibigan.
"Shhhh!" Uuwi tayo Cass." Ang pagsisigurado ni Cassy sa kanyang kaibigan.
At hinubad na nga ni Mick ang lubid na naka gapos kay Cassandra.
At tumayo sila at naghanap ng mga bagay na kanilang magagamit para sa dalawang matanda.
Hindi bumaba ang dalawa at nagkaroon pa sila ng oras makapagpahinga.
At ng may naramdaman silang may bumukas sa pinto ay handa sila dahil may mga gamit silang pang panglaban sa dalawang matanda.