Biglang umilaw ang buong kwarto at nakatago silang tatlo dahil may papasok kaya sila ay naghanda para salubungin kung sino man ang papasok sa kwartong ito.
Ng nakapasok na si Lolo bunoy ay bigla nila itong inambahan ng hampas at sipa ang matandang lalaki.
Hindi maka bawi ang matandang lalaki dahil tatlo ang naka paligid sa kanya kaya natumba sya ng walang kalaban-laban at patuloy parin ang kanilang pagsisipa at paghahampas ng kahoy na nakita nila sa loob ng kwartong ito.
Hanggang sya ay hindi na gumagalaw at iniwan sya ng tatlo at dahil nga ilang oras silang nakapagpahinga ay nalaman nilang Isa pala itong warehouse at may malaking garahe.
Nakita rin nila na may ibat-ibang sasakyan ang nandoon at parehong sira ang mga gulong ng bawat sa saksakyan.
Parang sinadya ang pag kasira ng mga gulong nito. Dahil ang iba pa ay mga bagong model na sasakyan at ang iba naman ay matagal naka tinga.
At ang kanilang hinala ay sinasadya ng mag-asawa ang mga ito. Para pumunta sa kanila at humingi ng tulong.
At papatayin dahil ito ay kanilang paniniwala.
Kaya naghanap sila ng mga gamit na pwede nilang gamitin sa kanilang sasakyan at nakahanap nga sila ng kapareho at di masyado nasira ang gulong nito.
Dahil dalawa lang ang nasira at sa kanila ay Isa lang kaya ang kailangang nila ay Isang gulong lamang para mapalitan ang gulong ng kanilang sasakyan.
At nakahanap din sila ng mga gamit na pwedeng makatulong sa pag-aayos ng kanilang gulong dahil ang ibang mga sasakyan ay may mga dalang gamit na pang - ayos. Kaya lang walang mga gulong napamalit kaya siguro napunta sila dito.
At ng nakatulog na ang matanda ay lumabas na sila na dala ang mga gamit na kanilang na kolekta para gamitin sa pag-aayos ng kanilang sasakyan.
Hindi sila pumasok sa bahay kundi dumaan sila sa labas at tumakbo ng mabilis pero hindi pa sila nakalalayo ay may narinig silang putok ng baril at kaya sila napadapa at tumalikod para tignan kung saan galing ang putok ng baril.
Nakita nilang may hawak na ripple ang matandang babae.
"Wag tayong titigil sa pagtakbo pumunta tayo sa kakahuyan!' ang diin na sabi ni Cassy.
Kaya tumayo sila at tumakbo kaya lang ay patuloy parin ang pagpapaputok ng matandang babae sa kanila.
At natamaan si Cassandra sa Binti kaya sya natumba.
"Ahh!!," Ang sigaw ni Cassandra dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.
Kaya tinulungan ni Cassy si Cassandra na akayin at dahil tumatakbo sila ay nabitawan na nila ang mga kagamitan para sana ayusin ang kanilang nasirang gulong.
Ng natanaw na nila ang daan at ang kanilang sasakyan pero hindi iyun ang kanilang pupuntahan kundi sa kakahuyan sa kabilang daan.
Lumagpas na sila sa kanilang sasakyan at tinungo ang kakahuyan at duon nagsitago.
Humihingal na sila dahil sa pagod at buhat pa nila si Cassandra dahil may Tama ito sa kanyang paa.
Namumutla ito at hinihingal ng malalim kaya napa-upo ito sa lupa at hinawakan ni Cassy ang kamay ni Cassandra.
"Lumaban ka Cassandra, aalis tayo dito diba at uuwi sa atin. Wag kang bibitiw Cassandra"
Habang umiiyak ito.
"Cassy Hindi ko na kaya Iwan nyo na ako!" Ang pagsasamo ng kaibigan.
"Hindi aalis tayo dito, pinangako ko yan sayo diba!" Habang umiiyak si Cassy habang hawak nito ang kamay ni Cassandra.
Ng nagmarinig na nila ang putok na malapit sa kanila ay pilit ba pinaalis ni Cassandra si Cassy pero ayaw umalis ni Cassy.
Kaya tumingin si Cassandra kay Mick at nagsenyas na umalis na sila at Iwan na nila ito.
Kaya hinili ni Mick si Cassy habang umiiyak ito at ayaw bitawan ang kamay ng kaibigan.
Ng makalayo na sina Cassy at Mick ay may narinig silang putok ng ripple at sigaw ng kanilang kaibigan kung saan naiwan si Cassandra.
Naiiyak si Cassy habang sila ay tumatakbo ni Mick dahil naiwan nya ang kanyang matalik na kaibigan at sigurado syang pa-tay na ito sa kamay ni Lola Corazon