Final Chapter

782 Words
Lola Corazon pov. Nasisiyahan sya sa kanyang ginagawa dahil libangan na nila ito ng kanyang asawa ang pagpatay at matagal na nila itong ginagawa sa mga taong naliligaw o nasisiraan ng gulong dahil din sa kanilang kagagawang na masira ang kanilang sasakyan at humingi ng tulong sa kanila. Dalawa na ang kanilang napatay at ngayong ay naglalaro sila ng tagu-taguan at iyun ang kanyang pinakagusto. Marami syang mga bitag na nilagay sa kakahuyan dahil nga marami silang mga taong tinutugis na kapag Sila ay nakawala sa kanilang panggagapos. Kaya subra syang na e-excited kung ano ang kanilang gagawin kapag pumunta na sila sa mga ka-kahuyan na may mga bitag. Kumakanta pa ito habang naglalakad at nilalagyan ng mga bala ang kanyang ripple. ********* Cassy pov Habang tumatakbo kami papunta sa kakahuyan ay naririnig ko ang mga putok na galing sa ripple ni Lola Corazon. Para bang pinapaalam sa amin na malapit na sya. Maraming mga puno ang amin nadadaanan nagkakasugat na ako sa kakatakbo. Malayo- layo na rin ang amin tinakbuhan ni Mick. Nauna lang sa akin si Mick sa pagtakbo kaya lang ay tumitigil ako sa pagtakbo dahil sa pagod at hinihingal. Kaya binabalikan ako ni Mick at hinahawakan ang aking kamay para tumakbo muli. " Huwag kang titigil sa pagtakbo Cassy" iyan ang sabi ni Mick sa akin. "Ayoko ko na, Hindi ko na kaya " ang hinihingal kung sabi sa kanya. Hanggang sa may naapakan ako at naipit ang aking paa. Sumigaw ako ng malakas dahil sa masakit ang aking pakiramdam kaya tumigil si Mick sa pagtakbo para tignan ang aking paa. "Ahhh!! ang sakit.." sigaw ko! Para akong mahihimatay sa sakit. Naipit ang aking paa sa Isang bagay na may matutulis. Para itong pang bitag sa hayop at iyun ang nakaipit sa akin. Kaya tinulungan ako ni Mick na Alisin ang bagay sa akin paa at maraming mga dugo na ang dumadaloy mula sa sugat. Kaya napapahiyaw ako sa sakit na nararamdaman ko habang tinulungan ako ni Mick na tumayo at hinawakan nya ang aking baywang at paiika-ika akong lumakad dahil sa aking sugat. Naririnig ko ang mga putok ng ripple galing Kay Lola Corazon at malapit na ito sa amin. May nadaanan kaming Isang napakalaking Puno at napa-upo kami ni Mick. Habang tinitignan ni Mick ang Puno sinabihan nya ako na umakyat kaming dalawa. Kaya lang ay hindi ko kaya ang umakyat at masakit ang aking sugat kaya may ibinulong sya sa aking na Isang Plano. Kaya lang ay natatakot ako sa aming gagawin. Nakita ako ni Lola Corazon sa ilalim ng Puno at nakatayo. Habang sya ay lumalapit sa aking ay nagpapaputok sya ng kanyang ripple at natamaan ang puno at para na akong mahihimatay sa kanya. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking buhok at hinila kaya napadapa ako at lumuhod sa kanya nag mamakaawa. "Walang makakatakas dito lahat kayo ay mamatay!" Nababaliw na sabi ni Lola Corazon sa akin. Kaya napapikit ako at nanginginig dahil papatayin na nya ako. Ng biglang lumundag si Mick mula sa itaas ng puno at nilundagan nya si Lola Corazon kaya silang dalawa ay napahiga sa lupa. Napalaliman si Lola Corazon dahil hindi nya alam na kanina pa naghihintay ng pagkakataon si Mick para masaksak ang matandang babae. At sinaksak nya si Lola Corazon sa kanyang dibdib at nabitawan nya ang kanyang ripple kaya kinuha ko ito habang paika-ika papunta sa kanyang ripple. At hanggang sa hindi na ito gumalaw si Lola Corazon at hindi na ito huminhinga pa. Kaya niyakap ako ni Mick at umiiyak kaming dalawa. Ng pabalik na kami sa kung saan naiwan ang mga gulong dahil sa ka-katakbo at dinala sa aming sasakyan. Tinulungan ko si Mick sa pag-aayos ng gulong sa amin sasakyan ng matapos na nya itong ayusin ay niyakap ako ni Mick at hinalikan dahil sa wakas makakauwi na kami. Naunang pumasok si Mick at sumunod naman ako kaso hindi pa ako nakasakay ay may naramdaman akong sakit sa aking likod at noon lumingon ako nakita ko si Lolo bunoy at buhay pa ito. Ngumiti syang nakakatakot at sinaksak nya ako ulit. Napahiga ako sa subrang sakit na nararamdaman at hinihingal sa sakit ng saksak. Ang aking huling nakita at bago ako nawalang ng malay ay nag-aagawan sina Mick at si Lolo bunoy ng kutsilyo. Nang magkamalay ako ay nakita ko na nakasakay ako sa sasakyan at hinahalikan ni Mick ang aking kamay habang umiiyak at nagsasalita. "Malapit na tayo sa hospital Cassy kunting tiis nalang babe!" Habang ng nagmamaneho ng sasakyan. Ngunit para na akong bingi at hindi ko na maintindihan ang kanyang sinasabi nya hanggang sa dumidilim na ang aking paningin at tuluyang ng nawalang ng hininga. The end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD