Third Person's Pov "Fisher's Village?" Pabulong na basa ni Saymetri sa arkong dinaanan nila bago n'ya nakita ang pila ng mga simpleng kabahayang hawa sa mga kawayan at pawid lamang. Tanaw n'ya na rin ang asul na kulay ng malinis na dagat. That's new, akala n'ya kasi'y madumi na lahat ng mga dagat na nasa Pilipinas, mukhang may iilan pa naman pala na maayos pa ring napapangalagaan. "D-dito tayo titira?" Naalarmang tanong n'ya nang inihinto ni Barrette ang sasakyan n'ya sa tapat ng isang bakod na gawa sa kawayan. Hindi gano'n kataas ang pagkakagawa sa mga ito kung kaya't natanaw n'ya na kaagad ang bahay na nasa loob non. Wala 'yon halos kinaibahan mula sa mga bahay na nadaanan nila kanina. It was also made of bamboos and nipa hut. Inalis ni Barette ang seatbelt n

