Saymetri's Pov "Meri! Meri! Meri!" Dire-diretso lamang ako nang lakad palabas mula sa bahay para sana bumili ng kape sa tindahan na ilang hakbang lang naman ang layo mula sa bahay, sasabihan ko na si Barrette mamaya na pumunta na sa palengke at halos paubos na 'yong stock ng grocery namin, maging ang bigas ay paubos na rin. "Uy Meri." Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang maramdaman ko ang paghawak sa 'kin ng isang babaeng sa tantya ko'y kasing edad ko lamang o kung hindi man ay mas matanda ng isang taon sa 'kin. Her shoulder-length jetblack hair complimented her tanned skin, she got a kinky eyes, a pointed nose and a plump pinkish lips. I pointed myself, a little bit confused. "Ako ba?" Medyo naguguluhan ko pa ring tanong, sa pagkakataong 'to ay ang mga kilay n'ya n

