bc

My Destiny

book_age18+
154
FOLLOW
1.5K
READ
friends to lovers
friendship
like
intro-logo
Blurb

Paano mo malalaman kung siya na talaga ang para sa iyo. Ang pinagtagpo ng kapalaran kahit gaano kalayo, makikita at magkakakilala sa tamang panahon.

chap-preview
Free preview
Chapter one
Nakapila si Jarren sa pagkuha ng NBI dahil kinukumpleto niya muna ang lahat ng kailangan bago siya maghanap ng trabaho. Habang nakapila ito may lumapit sa kanya na isang babae at … “ iho, pahingi naman ako ang barya bibili lang ako ng pagkain “ Dumukot agad siya ng pera sa bulsa at binigyan niya ito. “ maraming salamat iho, bilang kabayaran huhulaan na lang kita “ “ po? Huwag na po ate, okay lang po “ sagot ni Jarren sa babae “ sige na bilang kabayaran ko sa kabutihang loob mo “ Pumayag na din si Jarren sa sinabi ng babae. “ maswerte ka sa lahat ng bagay, makukuha mo ang lahat ng nanaisin mo. Busilak ang puso mo iho, at malapit mo na makita ang babae na tinadhana para sa iyo “ “ totoo po? “ “ oo iho, matuto ka lang mag antay dahil may tamang panahon ang lahat. Salamat ulit “ “ wala po iyon, salamat din po. Mag-iingat pa kayo “ At umalis na ang babae kaya nag antay lang si Jarren na tawagin ang pangalan niya. Mga ilang oras pa ay tumawag ang nanay niya. “ anak, nasaan ka na? “ “ mommy, nandito pa po ako sa NBI pero uuwi na din po ako pag tapos “ “ sige, mag-ingat ka “ Medyo naiinip na si Jarren kaya plano niya agahan na lang bukas para mauna siya sa pila pero biglang tinawag ang pangalan niya. “ Jarren Reyes “ “ sir ako po “ “ pumirma ka dito, tapos kunin mo sa releasing yung NBI mo “ “ sige po, salamat “ Ganun nga ginawa ni Jarren hanggang sa nakuha na niya iyon. Habang naglalakad, may nakita siyang isang Chinese Restaurant kaya pumunta siya duon at umorder ng take out. Saka siya umuwi sa kanila. Mga isang oras pa ay nakarating na ito sa bahay nila. “ mommy, may dala po akong pagkain. Paborito nyo po “ Natuwa naman ang nanay niya kaya kinuha agad yung pasalubong saka nilagay sa plato. “ anak may sasabihin pala ako sa iyo “ “ ano po iyo mi? “ “ wala kasing matitirhan ang tita at tito mo, baka pwede naman na dito na lang muna sila habang naghahanap ng malilipatan. Pinaalis kasi sila sa inuupahan nila “ “ ah ganun po ba? sige po, dito na lang sila para makatipid sila at saka may kasama kayo ni daddy “ “ salamat Jarren, sasabihan ko na ang tita mo para makapunta na sila dito “ “ sige po, walang problema “ At kumain na sila ng nanay niya. “ mi, nasaan po pala si daddy? Bakit hindi natin kasabay kumain? “ “ maagang natulog “ Kaya nagpatuloy na sila ng nanay niya sa pagkain. At ng matapos na sila, si Jaren na ang naglinis at naghugas ng pinagkainan nila. “ Jarren malapit na daw sila tita mo dito? “ “ sige po, antayin ko na lang din sila “ Mga sampung minute may kumakatok na sa gate nila kaya binuksan na ng nanay ni Jarren ang gate. “ Jarren “ sabi ng tita niya “ tita, pasok po kayo “ “ iho, salamat ha? pag nakahanap na kami ng malilipatan, lilipat na agad kami “ sabi ng tito niya “ naku, ayos lang yun tita. Dito na lang kayo kung gusto nyo? Hindi man kalakihan ang bahay natin pero kasya naman tayo “ sagot ni Jarren “ Jarren, pinsan mo pala si Tommy “ “ bro, musta? “ sabi ni Jarren sa pinsan niya “ ayos lang, salamat ha? “ sagot ni Tommy “ ayos lang yun, kaso tiyaga tiyaga lang tayo dito “ “ oo iho, dito na lang kami sa baba matutulog “ sabi ng tito niya “ sa taas na lang po, si Tommy naman sa kwarto ko na lang po “ “ oo, duon na lang tayo sa taas. Si Jarren na bahala sa pinsan niya. Malaki naman ang kwarto niya “ sabi ng nanay ni Jarren “ kumain na po ba kayo? May dala akong pagkain “ yaya ni Jarren “ okay lang iho, bukas na lang “ Ngunit bakas sa mga mukha nila na hindi pa sila kumakain. “ sige na tita, kumain na kayo bago matulog. Bukas na lang natin ayusin lahat tutal wala pa naman akong trabaho “ Pumunta na sila sa lamesa at saka kumain. “ Jarren, naghahanap ka ng trabaho? “ tanong ni Tommy “ oo, tinapos ko muna lahat ng requirements bago ako mag apply “ “ tamang tama, naghahanap din ako. Sabay na tayo “ “ sige para may kasama ako “ “ magkakasundo kayo niyan Jarren, halos magka edad lang kayo ng pinsan mo “ sabi ni tita “ oo nga anak, at least may kasa-kasama ka na sa pag aapply “ “ oo nga po “ naka ngiting sagot ni Jarren “ itong si Jarren ba, ei walang pang girl friend? “ tanong ng tito “ sa ngayon wala, pero baka bukas meron na “ naka tawang sagot ng nanay ni Jarren “ magkakasundo nga sila ni Tommy, mga babaero “ sabi ni tita “ wala pa sa isip naman ang mga babae “ sagot ni Tommy “ ikaw na lintik ka, huwag mong paglalaruan ang mga babae “ sagot ng tatay niya “ daddy naman “ naka simangot na sagot ni Tommy “ tito, baka hindi pa kasi ready si Tommy sa seryosohang relasyon. Tulad ko “ “ mga damuhong ito, seryosohin ninyo ang babae baka mauwi kayo sa hindi nyo gusto “ Nagtingin sila Jarren at Tommy saka tumawa. Nang matapos silang kumain, kinuha na ni Jarren ang mga plato para hugasan. “ kami na iho, si Tommy na pag hugasin mo “ “ okay lang tita, pagod kayo. Ako na lang po, iakyat nyo na ang gamit nyo para makapagpahinga na din kayo “ “ ang bait talaga ng anak mo “ “ ay oo, mabait talaga yan “ Ngumiti lang si Jarren sa nanay niya saka nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan. Nang matapos na siya sa lahat ng ginagawa niya sa baba saka siya umakyat at pumunta na sa kwarto. Nakita niya na naka upo lang sa upuan ang pinsan niyang si Tommy. “ bakit naka upo ka lang diyan? Mag ayos ka na para makatulog na tayo, ito pala ang isang cabinet. Walang laman yan, diyan mo na lang ilagay mga gamit mo “ “ sige bukas ko na lang aayusin “ sagot ni Tommy “ sige tulungan kita bukas kung gusto mo? “ “ salamat insan ha? huwag kang mag alala, tutulong kami dito sa gastusin sa bahay “ “ naku, huwag mo na isipin yun. Welcome kayo dito at kahit dito na kayo tumira, ayos lang para hindi naman nalulungkot si mommy “ Natulog na sila pag tapos nilang magpalit ng damit. Mga ilang oras nagising si Tommy, mukhang namamahay pa yata. Nag-ayos na lang siya ng gamit niya hanggang tuluyan na siyang makatulog. Mga ala sais na umaga. Nagkwe-kwentuhan na nanay ni Jarren at yung kapatid niya. Nagising na din si Jarren kaya bumaba na ito. “ ate, maaga pala nagigising si Jarren ” “ ay oo, maaga talaga yan magising kaya nagluluto agad ako para pag gising niyang pamangkin mo ei makakain na siya “ Nagtimpla na ng kape tita ni Jarren. “ Jarren, gusto mo ba ng kape? “ tanong ng tita niya “ hindi po, magtutubig lang po ako. Salamat “ Sumunod naman bumaba si Tommy. “ iho, halika na sabayan mo na kami “ sabi ni nanay ni Jarren “ sige po, tita “ Tumabi siya sa kina uupuan ni Jarren. “ kanina ka pa gising? “ tanong ni Tommy “ nauna lang ako sa iyo ng sampung minuto “ Tumayo ulit si Tommy at kumuha ng kape. Insan kape? “ “ salamat, hindi ako mahilig sa kape “ Bumaba na ang tatay ni Jarren. “ anak, sasabay ka ba sa akin? “ tanong ng tatay ni Jarren “ hindi po, tutulong po muna ako sa pag aayos ng gamit nila tita Tumango lang ang tatay niya. Kumuha ang tatay ni Jarren ng tinapay at nagpaalam na din dahil papasok pa siya sa trabaho. “ kayo na muna ang bahala diyan ah? “ sabi ng tatay ni Jarren “ opo tito “ sagot ni Tommy Umalis na ang tatay ni Jarren. At nang matapos silang kumain, nag ayos na sila ng mga gamit. Mga isang oras na nakalipas. Lumapit si Tommy kay Jarren. “ insan, hiring dun sa kaibigan ko. Gusto mo ba sumama sa akin bukas? “ “ sige, anong trabaho? “ tanong ni Jarren “ hindi ko alam pero sabi sa akin, marami silang kailangan na tao. Try natin “ “ sige sama ako sa iyo bukas “ Nagkwe-kwentuhan sila habang nag aayos ng ibang gamit. “ mommy may tanong po ako? “ sabi ni Jarren “ ano yun? “ sagot ng nanay “ naniniwala ba kayo sa hula? “ Tumawa si Tommy “ insan, hindi totoo yan. Tao ang gumagawa ng kapalaran “ sabi ni Tommy “ pwedeng totoo, pwede din naman hindi. Bakit mo natanong anak? “ “ kasi po kahapon nung nakapila ako sa NBI, may babaeng pinilit akong hulaan kaya pumayag na din ako “ “ ano naman sabi sa iyo iho? “ tanong ng tita niya “ na lahat ng nanaisin ko, makukuha ko. Saka makikilala ko na daw ang tamang babae para sa akin “ “ iho, makukuha mo ang gusto mo kapag pinag sumikapan mo “ sagot ng tita niya “ oo nga anak, tama ang tita mo. Makikilala mo din ang babaeng para sa iyo sa tamang panahon “ “ oo nga insan, kaya nga ako hinahanap ko kaso hindi ko mahanap “ sagot ni Tommy “ ah kaya pala kada buwan, iba iba ang girl friend mo? “ sabi ng tatay ni Tommy Nagtawanan sila sa sinabi ng tatay ni Tommy. Naisip ni Jarren na paano niya kaya makikilala ang tamang babae para sa kanya. Parang mahirap yata yun sa dami ng babae. “ huwag mo na isipin yun Jaren, darating din yun sa iyo “ sabi ng nanay niya “ opo mi “ Nagpatuloy na sila sa pag aayos ng gamit ng tita niya. Umabot sila ng dalawang oras natapos na din nila ang dapat ayusin. Kaya nagpahinga muna sila sa sofa. Nagluto ang tita niya ng tanghalian nila at umakyat naman sila Jarren at Tommy sa kwarto nila. “ insan, matanong nga kita “ tanong ni Tommy “ sige ano yun insan? “ “ nagka girl friend ka na ba? “ Matagal bago naka sagot ni Jarren sa tanong ng pinsan niya. “ uy, insan. Nagka girl friend ka na ba? tanong ulit ni Tommy “ oo naman kaso hindi ko sure kung seryoso ba yun kasi bata pa kami nuon “ “ kelan pa ba yun? Para sabihin mong bata pa kayo? “ “ high school insan “ Napatawa ng malakas si Tommy sa sinabi ni Jarren “ bakit ka natawa? “ tanong ni Jarren “ simula nuon hanggang ngayon, yun pa lang naging gf mo? “ “ hindi kasi ako marunong manligaw. Kahit gusto ko, sinasarili ko na lang kaysa naman mabasted ako “ “ insan, gwapo ka naman, saan ka matatakot? Lakasan mo lang ng loob ang panliligaw “ sabi ni Tommy “ ewan ko ba insan, masyado akong torpe “ Tinuran ni Tommy si Jarren kung paano manligaw para kung sakali na may magustuhan na siya alam na niya ang gagawin. Habang tinuruan si Jarren, naisip niya kung paano niya makikilala ang babaeng para sa kanya. Hindi pa kasi niya naranasan yung totoong pagmamahal. “ insan, may papakilala ako sa iyo sa isang araw “ sabi ni Tommy “ sino naman? “ tanong naman ni Jarren “ pinsan ng nililigawan ko, isasama kita pag pumunta ako dun “ “ sige Tommy basta maghanap muna tayo ng trabaho para may pang date naman tayo “ “ oo naman insan, bukas tayo maghanap ng trabaho. Puntahan natin yung sinabi ng kaibigan ko “ Nagpaalam si Jarren na iidlip muna dahil napagod sa kaninang ginawa. Si Tommy naman ay nagpatulong sa pag aayos ng  ibang gamit niya saka umidlip pag ka tapos. Hindi nila namalayan na mag gagabi na pala kaya kinatok na sila ng nanay ni Jarren. “  anak, Tommy hindi pa ba kayo kakain? “ Nagising si Jarren sa tawag ng nanay niya kaya tumayo ito at binuksan ang pinto. “ mi, nakatulog po kami ni Tommy. Sige po gigisingin ko siya para makakain “ “ kumain muna kayo saka ulit matulog “ sabi ng nanay niya “ opo mi “ Kaya ginising niya si Tommy para makakain na sila. “ insan, tamad na akong kumain. Antok pa ako “ sabi ni Tommy “ kumain ka muna saka ka ulit matulog “ “ mauna ka na insan, mamaya na lang ako kakain “ Kaya bumaba na si Jarren at saka kumain. “ iho, yung pinsan mo? “ tanong ng tita niya “ tita, mamaya na lang daw po siya kakain “ “ ugali talaga ng pinsan mo yan, pero pag nagising naman yun saka yun kakain. Sige Jarren kumain ka na “ “ opo tita, si tito po at si daddy naka uwi na po ba? “ tanong ni Jarren “ hindi pa, baka na traffic. Baka mamaya nandito na din sila “ Nagpatuloy na si Jarren sa pagkain hanggang natapos ito. Dumiretso din siya sa sala para manuod ng t.v kasama nanay at tita niya. Mahilig kasi manuod ng t.v nanay at tita ni Jarren kaya nakikipanuod na din siya, yun na din kasi ang bonding nila ng pamilya niya kahit may sariling t.v naman si Jarren sa kwarto niya. “ iho, gisingin mo na kaya yung pinsan mo? Anong oras na “ “ sige po tita “ Kaya umakyat siya upang gisingin ang pinsan na. Masama ang loob ni Tommy dahil inaantok pa siya pero pinilit siyang gisingin ni Jarren. Pag baba nilang dalawa, dumiretso na si Tommy sa lamesa para kumain at si Jarren naman bumalik sa sala para ituloy ang pinanunuod nila ng nanay niya. “ ate si Jarren talaga, sinasamahan ka para manuod ng t.v ano? “ tanong ng tita niya “ oo, kahit pwede naman yan manuod sa taas. Dito pa din siya nanunuod kasama ko “ “ si Tommy kasi may sariling mundo, mahilig lang siyang magsounds “ “ ganun din naman si Jarren mahilig sa music, kaso mahilig din sa teleserye “ “ iho, baka naman maging teleserye na lovelife mo niyan? “ “ tita gusto ko po maging fairytale ang love life ko, lalo na yung ending na “ and they live happily ever after “ “ sabi ni Jarren “ naku insan, wala ng fairy tale ngayon, wala ng forever “ sabay ngiti ni Tommy “ ikaw nga, huwag mo nga ganyanin si Jarren baka lalong mahirapan yan manligaw “ sagot ng nanay ni Tommy Tumawa lang si Jarren sa sinabi ng tita niya. “ totoo naman na wala ng forever “ sabi ni Jarren “ see, mommy si Jarren na mismo nagsabi niyan ha? “ “ kumain ka ng kumain saka kayo matulog ulit, diba mag aapply kayo bukas? “ tanong ng nanay ni Tommy “ opo tita, sana matanggap na kami. Kahit anong trabaho basta meron “ sagot ni Jarren “ matatangap kayo niyan dahil matatalino kaya kayo “ sabi ng tita niya Nang matapos kumain ni Tommy ay umakyat na din agad kaya sumunod na din si Jarren para matulog.          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.4K
bc

Matchmaker to the Ruthless Billionaire (TAGALOG)

read
577.8K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.2K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.5K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook