Graduation na ng pamangkin ni Jake, tumawag ang pinsan niya.
Hanggang sa binaba na ni Jake ang fone.
“ brod, ngayon ang graduation ng pamangkin ko “
“ ha? bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Hindi ko sure kung pwede si Joey ngayon “
“ kung hindi siya pwede, tayo na lang tutal saglit lang naman tayo duon basta makita lang ako ng pamangkin ko “
“ si Tommy ba? hindi makakasama sa atin kasi magkikita sila ng girl friend niya “
“ sige teka, sasabihan ko si Joey na kahit tayo na lang “
Saka kinuha ang fone niya at tinawagan si Joey.
Ring… ring… ring …
“ hon “ sabi ni Joey
“ hon, sorry ngayon pala ang graduation ng pamangkin ni Jake. Kung hindi ka pwede, kami na lang ang pupunta “
“ ha? teka subukan kong mag half day, message kita mamaya “
“ huwag ka na maghalf day hon, saglit lang naman kami tapos uuwi na din kami “
“ basta antay mo message ko, gusto naman kita makasama kahit saglit lang “
“ sige po, maliligo muna ako habang nag aantay “
“ okay hon “
Saka binaba ang fone. Agad na naligo si Jarren at nagbihis agad.
“ brod, halika na “ yaya ni Jake
“ sige brod, message ko na lang si Joey kung saan tayo magkikita kung sakali na sasama siya “
“ salamat brod ha? “
“ sus…ayos lang yun “
Habang nasa bus sila nag message na si Joey sa kanya.
“ hon, saan tayo magkikita? “
“ hon nasa bus na kami papunta dun, kita na lang tayo sa terminal ng bus “
“ sige hon, uuwi muna ako para makapag bihis. See you later, ingat kayo “
“ opo hon, ingat ka din. I love you “
“ I love you too hon “
Habang nasa byahe sila, nakatulog si Jarren. Nagising na lang siya nasa terminal na sila.
“ brod, gising bababa na tayo “
“ ha? bakit hindi mo ako ginising? Teka, message ko si Joey na nandito na tayo “
Pababa pa lang sila nakita niya si Joey.
“ hon… hon “ sabi ni Joey
“ hon, buti nandito ka na. akala ko wala ka pa, nakatulog kasi ako sa byahe “
“ tinantya ko dating nyo dito, saan na tayo ngayon? “ tanong ni Joey
“ sasakay daw tayo sa jeep tapos sa tricycle “ sabi ni Jake
Sumakay agad sila sa jeep, inalalayan ni Jarren si Joey na makasakay.
At nung naka upo na sila, hinawakan niya ang baywang ni Joey.
Umabot sila ng isang oras sa byahe, inip na inip na si Jarren.
“ brod, matagal pa ba tayo? Nauuhaw na ako “
“ mga fifteen minutes pa brod “
Hinawakan ni Joey si Jarren dahil ramdan niya na medyo naiinis na siya sa tagal ng byahe.
“ ma para po “ sabi ni Jake
Kaya huminto ito at saka sila bumaba, unang bumaba si Jarren para maalalayan niya si Joey sa pagbaba.
“ brod, punta muna tayo sa 711, bili tayo ng inumin “ yaya ni Jarren
“ sige brod “ at pumasok sila sa 711.
“ anong gusto mo hon? “
“ water lang hon “
Kaya kumuha siya ng tatlong mineral water saka pumunta sa cashier para bayaran.
Binigay niya kay Joey at Jake ang tubig para makainom sila.
Kumuha si Joey ng towel at pununasan niya si Jarren dahil pawis na pawis sa sobrang init sa labas.
“ talikod ka muna hon, ilagay ko towel sa likod. Baka magkasakit ka “
Tumalikod naman si Jarren para malagyan siya ng towel.
“ tama na kayo, baka langgamin kayo niyan “
“ inggit ka lang brod “ sabay tawa ni Jarren
“ halika na nga “ yaya ni Jake
Kaya lumabas sila sa 711 at tumawid papunta sa sakayan ng tricycle.
“ manong magkano po hanggang sa school? “ tanong ni Jake
“ bente po isa pero kung aalis na tayo, isang daan po sir “ sagot ng driver
“ Jake, halika na para makapunta na tayo dun. Ako na magbabayad “ sabi ni Joey
“ sige po manong, special na po kami “
Sumakay na si Jarren at Joey sa loob ng tricycle at sa labas naman si Jake umupo.
Habang nasa loob ng tricycle yung dalawa, naghaharutan sila ramdam mo ang saya nila tuwing magkasama.
Umabot ng isang oras din ang byahe nila hanggang sa makarating sila sa lugar.
Binayaran ni Joey ang tricycle at tinawagan naman ni Jake ang pinsan niya.
Inantay nilang matapos ang graduation, kahit nakakainip sa labas masaya sila Jarren at Joey.
Inggit na inggit naman si Jake dahil sa kulitan at yakapan nila Jarren.
Gabi na natapos ang graduation at lumabas na ang pinsan ni Jake, niyaya niya sila Jake para makakain sa bahay.
Nung gabing yun, ramdam ni Jarren na asawa na niya si Joey. Kahit napaka selosa ni Joey, gusto pa din ni Jarren na siya ang mapangasawa.
Nagtatanungin sila ng kung ano pa ang kailangan ng bawat isa. Laging tinitingnan ang likod ni Jarren dahil pawisin siya.
“ insan, dito na kayo matulog. Mag inuman tayo? “
“ naku insan, next time na lang “ sabi ni Jake
“ malayo ang byahe, at baka mahirapan pa kayong umuwi dahil gabi na “
“ kaya nga uuwi na kami insan “
Nagpaalam na din sila, hinatid nila si Joey sa kanila saka sila umuwi sa Manila.
“ hon, nasaan na kayo? “ tanong ni Joey
“ nasa byahe pa hon, pwede ka bang tawagan? Inaantok kase ako, kahit sa line ka lang sana hanggang makauwi kami ni Jake “ lambing ni Jarren
“ oo naman hon, tawagan mo na lang ako “
Tumawag agad ni Jarren.
“ hon, kwentuhan mo ako para makasleep ako? “
“ sige hon, kwentuhan saka bantayan kita hanggang makarating kayo sa bahay “
Nagsimula ng magkwento si Joey at narinig niya na naghihilik na ito sa sobrang pagod.
Naisip niya, kawawa naman ang hon niya dahil sa layo ng byahe napagod ng sobra.
Umabot ng tatlong oras nasa byahe pa din sila Jake.
“ brod, kausap mo ba si Joey? “ tanong ni Jake
“ oo brod, bakit? “ antok na sagot
“ sabihin mo na gisingin ka niya pag nagsabi ang konduktor baka makarating ulit tayo sa Laguna “
“ hon, narinig mo ba sinabi ni Jake? “ tanong ni Jarren
“ opo hon, sige na matulog na kayo. Gigisingin ko na lang kayo “
Kaya natulog na ulit si Jarren hanggang narinig ni Joey ang sinabi ng kundoktor na nandun na sila.
“ hon, gising na. nasa terminal na kayo “
Gumising naman si Jarren saka ginising si Jake.
“ saglit lang hon, baba lang kami. Brod, mag taxi na lang tayo pauwi “
“ sige brod, antok na antok na ako. Hindi ko na kaya “
Humanap na ng taxi si Jarren saka nagpahatid sa bahay nila.
At nung makarating sila sa bahay, sarado na ang gate kaya tinawagan nila si Tommy.
“ insan, nasa baba kami. Naka lock ang gate “
“ sige baba na ako? “ bumaba agad si Tommy at binuksan ang gate
“ hay salamat, naka uwi na din “ sabi ni Jake
“ bakit kasi ngayon lang kayo? “
“ pano insan, tinapos pa ni Jake ang graduation ng pamangkin niya “
“ nag enjoy naman kayo ni Joey ah? Panay ang yakapan, lambingan “
“ inggit ka lang kasi “
“ oo na, inggit na ako kaya matutulog na ako “
Tumawa lang si Jarren.
“ hon, nandito na kami sa loob ng bahay “
“ sige pahinga ka na, magpalit ka ng damit tapos matulog ka na agad “
“ sige hon, salamat. I love you “ sabi ni Jarren
“ I love you too “
At binaba na nila ang telepono.
Umakyat na silang tatlo.
Nung nakita ni Jarren ang kama, dumiretso na siya agad dun at natulog na.
Ganun din si Jake.
“ brod, insan magpalit na muna kayo ng damit “
“ bukas na brod, grabe ang pagod namin “
Naawa si Tommy sa dalawa dahil latang lata sila sa byahe.
Tumabi na si Tommy sa dalawa at natulog na din.
Sa sobrang pagod nila Jarren, alas dose na tulog pa din sila.
Ang dami ng message ni Joey kaya tumawag na ito kay Tommy.
“ hello Tommy, si Jarren? “ tanong ni Joey
“ hay naku, tulog pa din yung dalawa. Parang pagod na pagod “
“ oo kasi grabe ang layo ng bahay ng pinsan ni Jake “
“ buti hindi ako sumama “
“ oo nga, tindi ng byahe. Ang sakit sa katawan “
“ buti na lang talaga, gusto mo bang gisingin ko? “ sabi ni Tommy
“ huwag na, hayaan mo lang matulog muna siya. Sabihin mo na lang pagkagising na tumawag ako sa iyo “
“ sige Joey “
Bumababa si Tommy at hinanap naman ng nanay ni Jarren yung dalawa.
“ tita, tulog pa po. Gabi na kasi nakauwi “ sagot ni Tommy
“ sige sumabay ka na sa amin kumain “
“ opo tita “
Nang matapos sila kumain saka naman bumaba si Jake at Jarren.
“ insan, pagod ba sa byahe? “
“ naku ang sakit ng katawan ko sa layo ng byahe. Hindi ko na sasamahan si brod “ naka ngiting sagot ni Jarren
“ ay grabe naman ito sa akin “
“ ikaw naman, hindi ka na mabiro “ sabi ni Jarren
“ sige na, kumain na kayo ni Jake baka mamaya magkapikunan kayo “ sabi ng nanay ni Jarren
Pumunta na nanay at tita ni Jarren sa sala para kumain, sinamahan naman ni Tommy yung dalawa habang kumakain sila.
“ insan, luluwas si Joey at magkikita kami sa bahay ng tita niya. May plano sana ako “
“ ano yun insan? “ tanong ni Tommy
“ oo nga brod, tutulungan ka namin “ sabi ni Jake
“ ang kailangan ko lang makuha ang sukat ng daliri ni Joey “
“ bakit mo kailangan malaman insan? “
“ parang mahirap yata yun brod, mag iisip tayo pano natin makukuha sukat niya “
“ nag iisip nga din ako brod, kaso alangan naman ako magtanong sa kanya? “
Nag isip silang tatlo hanggang sa may naisip si Jake.
“ diba may close kayo sa group natin, yun kaya ang kausapin mo “
“ oo nga brod, sige private message ko ngayon “
Kinuha agad ni Jarren ang fone niya at minessage niya yung close nila sa group “
“ hi! May Marie favor sana ako sa iyo? “ chat ni Jarren
“ hello Jarren, ano yun? “
“ kailangan ko kasi makuha ang sukat ng daliri ni Joey, tulungan mo naman ako? “
“ ha? paano? “
“ sabihin mo lang na kasukat niya ng daliri ng anak mo para makuha mo sukat ni Joey “
“ sige subukan ko, message kita mamaya “
At ganun na nga ang ginawa ng kaibigan nila.
Bigla naman nagmessage si Joey kay Jarren.
“ hon, pano ko susukatin ang daliri ko kasi kailangan ni Marie, reregaluhan niya kasi yung anak daw niya “
“ ganun ba? kumuha ka ng sinulid tapos iikot mo sa daliri mo “ sagot naman ni Jarren
“ sige, papatulong muna ako sa kapatid ko. Pasaway naman si Marie “
Natatawa si Jarren sa reaksyon ni Joey.
“ sige na hon, unahin mo na yan at importante naman yun “
“ sige hon, tawagan kita mamaya pag nabigay ko na ang sukat ng daliri ko “
“ okay hon take your time “
Nagmessage naman si Jarren kay Marie para sabihin na sinusukat na ni Joey ang daliri niya.
Mga ilang minuto pa, nagmessage na si Marie.
“ Jarren, ito ang sukat ng daliri niya “
“ salamat “
“ bakit nga ba kailangan mo ng sukat ng daliri niya? “
“ reregaluhan ko sana siya “ sagot ni Jarren
“ sige, goodluck. Balitaan mo na lang ako “
“ sige “
Nagpasama agad si Jarren sa dalawa para tumingin ng maganda singsing na ireregalo niya.
Kaya agad na nagbihis yung tatlo saka sila pumunta sa mall.
“ insan, ano klase ba ang ibibigay mo? “ tanong ni Tommy
“ yung maganda at magugustuhan niya “ sagot ni Jarren
Punta sila sa bilihan ng mga singsing, at nagsimula ng maghanap.
Halos lahat maganda pero may nakita siya isang white gold at may isang stone.
Tiningnan niya ito at tinanong kung magkano.
“ brod ang ganda, bagay kay Joey yan “ sabi ni Jake
“ oo nga, kaso medyo mahal naman yata “ sabi naman ni Tommy
“ kahit gaano ka mahal yan bibilhin ko para kay Joey, kasi mahal ko siya at gusto ko magustuhan niya yung ibibigay ko “
Kaso nung tinanong na ng saleslady yung size, nagulat sila.
“ sir, yung size po na binigay ninyo pang malaking babae “
“ ha? bakit? “ tanong ni Tommy
“ oo nga miss, yan ang binigay sa amin na sukat “ sagot naman ni Jake
“ oo nga po, size po yan ng daliri sa paa “
Nagtawanan ang tatlo sa narinig.
“ insan, maga yata daliri ni Joey “ nanlolokong sabi ni Tommy
“ teka, ako na lang tatanya ng sukat. Patingin nga miss ng mga size? “
Pinakita agad ng babae hanggang sinabi ni Jarren na yung size na lang na yun.
Kaya binayaran na agad ni Jarren, saka sila lumabas sa bilihan ng mga alahas.
“ brod, kain muna tayo? “ yaya ni Jake
“ oo nga insan, o kaya mag take out na lang tayo para hindi na sila magluto ng pagkain “
“ oo nga brod, para lahat tayo makakain “
“ sige pero pupunta muna tayo sa bilihan ng cake, papagawa ako para pag nagkita kami ni Joey. Bibigyan ko sa kanya “
“ okay sige “
Pumunta na sila sa bilihan at kinausap yung isang gumagawa ng cake, at binayaran na din agad ni Jarren para sure na walang maging problem pag kailangan na niya.
“ insan, bakit ang liit naman ng cake na kinuha mo? Diba pupunta ka sa bahay ni tita? “
“ oo pero gusto ko special ang cake ko kaya maliit lang “
Hindi na nagtanong yung dalawa, kaya dumiretso na sila sa bilihan naman ng pagkain na iuuwi naman nila sa bahay.
Mga isang oras nakarating na sila sa bahay, inabot ni Jake ang dala nilang pagkain.
Saka inayos naman ng nanay ni Jarren.
Habang kumakain sila.
“ insan, kailan nga pala kayo magkikita ni Joey? “
“ baka sa sabado kasi wala siyang pasok nun, bakit? “
“ pupunta kasi kami ng Laguna, hindi ka pala makakasama sa amin. Gusto mo sumunod ka na lang duon? “
“ oo nga brod, pag tapos nyo magdate. Punta na lang kayo dun? “
“ tingnan ko, hindi ko din alam kung saan kami pag tapos nun “
“ sino naman si Joey anak? “ tanong ng nanay ni Jarren
“ girl friend ko po mi “ sagot ni Jarren
“ kailan mo naman papakilala sa amin yun? “
“ oo nga iho, gusto naman makilala ang girl friend mo “ sabi ng tita ni Jarren
“ soon po tita “
“ brod magpa inom ka naman diyan kahit tig dalawa lang tayo para naman masarap ang tulog natin “ biro ni Jake
“ sige pag tapos mong kumain, bumili ka habang nagliligpit kami ng kinainan natin “
“ hindi talaga mahirap kausapin ang inlove “ sabi ni Tommy
Agad na tinapos ni Jake ang pagkain niya at saka bumili ng beer sa tindahan.
Yung dalawa naman, nagligpit na ng pinagkainan saka sila umakyat sa kwarto.
“ insan sure ka ba na hindi ka sasama sa amin? “
“ pass muna ako, date namin ni Joey yun “
“ brod, ito na yung tatlong beer yung tatlo nilagay ko muna sa ref para lumamig “
“ sige brod “ sabi ni Jarren
Nagkwentuhan na sila habang umiinom at bigla na lang sila nagtawanan nung naalala nila nung bumili sila ng singsing kanina.
“ laki ng daliri ni Joey “ sabi ni Tommy
“ maga yata nung sinukatan brod “
“ mga loko loko kayo, pinag tritripan nyo yung tao “ sabay tawa
Mga ilang oras na kwentuhan, naubos na nila yung anim na bote at nakatulog na din sila.
Sabado ng umaga.
Tulog pa si Jarren nung tumawag si Joey.
“ hon, on the way na ako kina tita “
“ bakit ang aga mo naman yata lumuwas? “
“ ayoko kasi matraffic “
“ sige maliligo lang ako, pupunta na din ako dun “
“ message mo lang ako kung malapit ka na duon para papasundo na lang kita sa pamangkin ko “
“ sige hon, I love you “
“ I love you too “
Habang nag aayos si Jarren, nagising na din yun dalawa at sasabay na din kay Jarren para maaga silang makarating sa Laguna.
Mga isang oras na nakalipas.
Naaksidente ang sinasakyang bus ni Joey kaya agad ito nagmessage kay Jarren.
“ anong nangyari sa iyo hon? Okay ka lang ba? sunduin ba kita? “
“ okay lang ako, natakot lang ako. Kita na lang tayo duon kina tita “
“ sige, on the way na ako. Pero may dadaanan lang ako saglit bago ako dumiretso kina tita “
“ antay na lang kita, message ka lang hon “
“ pahinga ka na lang muna kina tita “
“ sige po “
Umabot ang alas diyes ng umaga.
“ nasaan ka na hon? “ tanong ni Joey
“ pababa na ako, nasa may Jollibee ako malapit sa stoplight “
“ sige, papasundo na lang kita “
“ sige, may dala akong cake na mabigat hon “
“ bakit may dala ka pang cake? “
“ para may dessert ka hon? “
“ antay mo sila hon ha? susunduin ka na daw nila “
“ okay “
Limang minute dumating na pamangkin ni Joey.
“ hi po “
“ hello “
Tinuro ang sasakayan nila kaya sumakay na sila dun.
Umabot ng sampung minuto bago sila makarating sa bahay ng tita ni Joey.
“ good morning po “ bati ni Jarren
“ good morning din, pasok ka “ imbita ng tita ni Joey
Kaya pumasok si Jarren sa loob, nakita niya si Joey dun.
Nilapitan saka hinalikan.
“ kumusta ka hon? “ nag aalalang tanong ni Jarren
“ okay lang ako “
Inabot ni Jarren ang cake kay Joey.
“ hon akala ko naman kung gaano kalaki dala mong cake “ natatawang sabi ni Joey
Natawa lang din si Jarren sa sinabi ni Joey.
“ kainin mo na hon, baka matunaw pa yan “
Kaya kumuha si Joey ng tinidor saka bunuksan ang cake.
“ tita, lika kainin natin yung dala ni Jarren “ sabi ni Joey
“ sige na Joey, kainin mo na yan. Bigay sa iyo ni Jarren “
Kaya sinimulan na ni Joey kainin yung cake.
nung pangalawang kuha nya ng cake, napansin niya na may parang kumikinang sa loob ng cake, kaya kinuha niya ito. Laking gulat niya nung nakita niyang may singsing.
Kinuha ni Jarren ang kamay ni Joey at sinabi niya,
“ hon, I love you! Will you marry me? “
Nagulat si Joey sa sinabi ni Jarren, naluha ito sa sobrang kaligayahan.
“ yes hon, I love you so much “ sagot ni Joey
Kaya kinuha muna si Jarren ang singsing at hinugasan bago sinuot kay Joey.
“ sabi ko na nga ba may laman yang cake na yan “ sabi ng tita ni Joey
“ pano mo nalaman ni ta? “
“ ramdam ko, dahil sabi ni Jarren na ito ang pinakamahal na cake “
Yumakap si Joey kay Jarren.
“ akin ka na talaga “ sabi ni Jarren
“ kahit naman kailan, sa iyo lang ako hon. Mahal na mahal kita at thank you sa surprise mo “
Hindi maka get over si Joey sa nangyari, gusto niya halikan, yakapin lang si Jarren dahil soon magiging mister na nya ito.
Sa sobrang kaligahan ni Joey, nagvideo call siya kay Marie.
“ ate, engaged na ako “
Saka pinakita kay Marie yung daliri niya na suot suot yung singsing na bigay ni Jarren.
“ congrats Joey at Jarren, I’m happy for you “ sabi ni Marie
“ thank you ate, sobra ako napasaya ni Jarren “
“ sige na, enjoy nyo na ang araw na ito “
At tinapos na nila yung video call.
“ hon, thank you sa mga surprises mo lagi. Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko, mahal na mahal kita “
“ mahal na mahal din kita hon, at kahit araw araw pa kitang ligawan. Gagawin ko mapatunayan ko lang sa iyo kung gaano kita kamahal “ sagot ni Jarren