Maagang gumising si Joey para magluto ng agahan.
Kumuha muna siya ng damit na isusuot ni Jarren saka siya bumaba.
“ good morning mi, tita “
“ good morning anak, naka pagluto na tita mo ng agahan nyo. Mauna ka na kumain “
“ antayin ko lang po si Jarren “
“ halika, manuod muna tayo ng news “
“ sige po mi “
Mga ilang sandali pa ay bumaba na si Jarren.
“ good morning mi, tita “
“ good morning anak “
Lumapit si Jarren kay Joey.
“ good morning hon “ sabay halik
“ good morning hon, teka ayusin ko lang lamesa para makakain ka na “
“ ikaw? “
“ mamaya na ako, sabay na lang kami nila mommy “
“ sabay na tayo hon, please “
Habang kumakain sila, may tumawag kay Joey kaya sinagot niya ito.
“ hello, sino to? “ tanong ni Joey
“ hello Joey, need mong pumasok kasi marami tayong hinahabol “ sabi ng manager niya
“ sir, nasa Manila po ako ngayon “
“ sige, mag half day ka na lang “
“ sige po, prepare lang ako sir “
Pagbaba ng fone, saka niya sinabi kay Jarren na kailangan niyang bumalik sa Laguna dahil pinapapasok siya.
Medyo nalungkot si Jarren pero kailangan din ni Joey na pumasok at baka mawalan na naman siya ng trabaho.
“ sige hon, sabay na tayo. Papalate na lang ako sa office, hatid kita hanggang sakayan “
“ huwag na hon, second day mo pa lang ngayon. Memessage na lang kita “
“ sure ka ba? “
“ opo, sige na kumain na tayo “
Kaya nagmadali na silang kumain at naligo agad si Joey.
Mga isang oras nakalipas.
“ hon, ingat ka. tawagan mo ako pag nasa Laguna ka na? “
“ opo, I love you “
Sumakay na si Joey ng jeep papuntang terminal, si Jarren naman dumiretso na sa opisina.
Nung nasa opisina na si Jarren, daming pinagawa sa kanya ng boss niya kaya hindi niya namalayan ang tawag ni Joey.
Nagmessage na lang si Joey kay Jarren.
“ hon, nandito na ako. Message mo na lang ako “ message ni Joey
Dumating ang lunch, nag aantay si Joey ng message ni Jarren pero kahit isang tawag or message wala pa din.
Hinayaan na lang niya dahil baka busy lang dahil kakapasok lang ni Jarren sa trabaho.
Nakasagot na si Jarren mga bandang alas tres na.
“ hon, sorry ngayon lang ako nagkapag reply sa iyo. Ang dami kong ginagawa ngayon “
“ okay lang hon “
Umuwi na si Jarren ng gabi, dumiretso na sa kwarto at natulog na agad.
Habang si Joey naman ay nag aantay ng tawag ni Jarren.
“ hon, nasa bahay ka na ba? “ message ni Joey
Mga ilang oras nag antay si Joey hanggang sa nakatulog na din siya.
halos araw araw busy si Jarren sa trabaho kaya malimit lang ang message niya kay Joey.
Hanggang sa may nakilala si Joey at lagi niyang nakakasama.
Dumating pa ang time na, pinag hinalaan na niya si Jarren na may ginagawang kung ano.
Tumawag si Jarren ng gabi kay Joey.
“ hon “ sabi ni Jarren
“ sino ang nagcomment sa wall mo? Babae mo? “ sabi naman ni Joey
Nagulat si Jarren sa sinabi ni Joey.
“ sinong babae hon? “
Saka sinabi ni Joey kung sino yung babae na nakita niya sa wall ni Jarren.
Kaya tiningnan niya ito at saka niya sinabi kay Joey na dati niyang classmate nung highschool sila.
Nag away yung dalawa hanggang sa naghiwalay.
Kinausap ni Jarren yung mga kaibigan ni Joey at dun niya nalaman na may pumupunta palang lalaki sa tinitirhan nila.
Sinasamahan si Joey sa mga lakad niya.
“ sino yung lalaki na yun? “ tanong ni Jarren
“ kasama namin sa ibang group “ sagot nung isang kasama nila Joey sa bahay
“ ano pa? sabihin mo naman sa akin kung ano ang totoo? Sila ba? parang awa mo na “
Naawa naman yung kasama ni Joey sa kanya kaya na ikwento na lahat ng alam niya.
“ tuwing off ni Joey, nandito yun at umiinom sila. Yung isang kasama nga namin tinanong kung sila, yung isa naman sabi na paano yun dun na siya titira kasi sila na. ang sagot lang ni Joey hindi daw siya titira duon “
“ tapos? “ sabi ni Jarren
“ yung isa naman, nakita si Joey na nagbihis sa kwarto pero nakita ang katawan niya dahil bukas ang pinto “
Nanlalamig sa inis at galit si Jarren dahil ramdam niya na kaya nagalit sa kanya si Joey dahil binabaliktad lang siya para lumabas na si Jarren ang unang nanloko.
“ ano pa? sabihin mo na sa akin lahat “
“ Jarren, tama na. naaawa lang kami sa iyo kasi wala kang alam sa nangyayari. Hindi mo deserve na lokohin ka “ sagot nung isang kasama ni Joey
“ kaya nga sabihin nyo na sa akin lahat “
“ nag inuman silang dalawa dito “
“ may nangyari? “ tanong ni Jarren
“ ewan ko Jarren, basta message lang ng message sa akin that time si Joey kung anong oras ako uuwi “
“ ganun ba? sige salamat “
“ okay ka lang ba? “
“ hindi kasi wala naman akong ginagawa para lokohin ako ng ganito, nagtra-trabaho akong maigi para sa amin. Para maibigay ko lahat at marangyang buhay pag nagpakasal at nagsama na kami. Hindi ko alam bakit ganito? Porket naging busy lang ako sa trabaho, naghanap na agad siya ng iba “
“ tama na Jarren, mag usap kayo ni Joey. Baka naman may reason siya “
“ sige, salamat “
Inantay niya si Joey na magmessage sa kanya.
“ musta ka? “ sabi ni Joey
“ okay naman, ikaw? “
Hindi ma explain ni Jarren ang nararamdaman niya sa sobrang sakit ng nalaman niya pero gusto niya na si Joey ang unang magsabi sa kanya tungkol dun sa lalaki.
“ okay naman din “ sagot ni Joey
“ wala ka bang ikwe-kwento sa akin? Pag off mo, saan ka pumupunta at sino kasama mo? “ tanong ni Jarren
“ pag off ko? Sa flat lang ako or minsan sa dentist “
“ ah okay “
Naramdaman ni Joey na may something kaya nagtanong ito.
“ tampo or galit ka pa din ba sa akin? “ tanong ni Joey
“ bakit mo natanong kung galit or tampo pa din ako sa iyo? Dahil pinagdudahan mo ako ng may babae ako? “
“ sorry na hon, bati na tayo. Hindi ko kayang mawala ka, mahal na mahal kita “ sabi ni Joey
“ wala ka bang sasabihin sa akin? “ tanong ni Jarren
“ sorry hon, mahal kasi kita kaya nagseselos ako “
“ bukod pa dun sa pagdududa mo, wala ka ng sasabihin pa sa akin? “
“ wala naman hon, bakit? “
“ wala naman, natanong ko lang “
Tuwing nag uusap sila o nagcha-chat, inaantay lang ni Jarren na magkwento si Joey.
Tatlong araw na masama ang loob niya, hindi niya pinahahalata kay Joey dahil ang gusto ni Jarren si Joey ang magsasabi sa kanya ng lahat ng iyon.
“ hon, kapag off ka. sino kasama mo? “
“ ako lang hon, bakit? “ tanong ni Joey
“ please hon, kung ano man tinatago mo sa akin. Sabihin mo na, kaysa naman ako pa magsabi or magkwento sa iyo “
“ anong sasabihin ko sa iyo? “ kinakabahang sagot ni Joey
“ sino ang pumupunta dyan at lagi mong kasama sa dentist? “
“ ah yung kababayan ng isang kasama ko dito hon, si Vic “
“ sino yun? Akala ko ba bawal ang lalaki diyan? “ tanong ni Jarren
“ nasira kasi yung lock ng pinto namin, kaya pinapunta nila “
“ tapos? “
“ pumunta ulit kasi nagdala naman ng gamot dun sa kasama ko tapos nagkayayaan uminom “
“ tapos? Tuloy tuloy mo ang kwento mo “ naiinis na sabi ni Jarren
“ sumama siya sa akin sa dentist dahil magpapatingin din daw siya “
“ at tapos? “
“ yun lang hon “ sabi ni Joey
“ tapos nag bihis ka na bukas ang pinto, kaya nakikita nung lalaki na yun? “
“ hon hindi, nakasara ang pinto “
“ may nagsabi na sa akin hon, kaya sabihin mo na sa akin lahat kaysa ako pa ang magkwento sa iyo “
“ sige sabihin mo lahat ng alam mo, sasabihin ko kung totoo o hindi “ sabi ni Joey
“ diba dapat ikaw ang magkwe-kwento sa akin, hindi ako? “
“ kasi yun lang naman ei “
“ kayo na ba nung lalaki? “
“ hon hindi “
“ porket naging busy lang ako sa trabaho kaya ka naghanap “
“ hon naman “
Umiiyak na si Joey.
“ sorry dahil hindi ko sinabi sa iyo, kasi alam kong magagalit ka “
“ sa palagay mo, ngayon na nalaman ko sa iba. Dapat ba hindi ako magalit? Kaya kong tanggapin kung ikaw ang makwe-kwento sa akin. Pipilitin kong intindihin kasi mahal kita pero huwag mo naman akong gawing tanga sa harap ng iba. Maawa ka naman sa akin, hindi ko deserve na masaktan ng ganito “ umiiyak habang sinasabi niya mga sama ng loob niya
“ sige hon, kwe-kwento ko na “
At nagsimula ng magkwento si Joey pero hindi pa lahat ng alam ni Jarren.
“ ano pa? “ tanong ni Jarren
“ hon yun lang “
“ may nangyari sa inyo? “ tanong ni Jarren
“ wala hon, pero nung nag inuman kami tapos umalis yung isang kasama ko. Bigla niyang hinawakan ang dede ko at pinilit niyang buksan ang zipper ng short ko pero sumigaw ako hon “
“ umamin ka na please, parang awa mo na hon “
“ totoo hon, maniwala ka sa akin. Wala talagang nangyari dahil sumigaw ako. Minessage ko nga yung kasama ko para sabihin na umuwi na siya agad ei “
“ hon, ayoko na “ sabi ni Jarren
“ anong ayoko na hon “
“ hiwalay na tayo, kaya mo ba ako pinagbibintangan na may babae ako dahil ikaw meron? “
“ hindi hon, nagseselos lang ako. Please hon, huwag mo naman akong iwan. Mahal na mahal kita “
“ mahal? Porket naging busy lang ako sa trabaho para sa future natin, eto pa igaganti mo sa akin? “
“ sorry na please, hindi ko na uulitin. Mapapakabait na ako, hindi na ako lalabas ng hindi mo alam “
“ sorry, pero gusto ko munang magsolo ngayon “
“ please hon, maawa ka naman sa akin. Bigyan mo ako ng last chance na iprove syo na nagbago na ako “
“ may pasok pa ako bukas. Magpahinga muna tayo, sige na “
At binaba na ni Jarren ang fone.
Kumuha ng beer sa ref, at nagyosi buong magdamag.
Kusang tumutulo ang luha sa mata ni Jarren sa sobrang sakit na ginawa sa kanya ni Joey pero hindi niya kayang saktan, murahin o sigawan dahil nandun pa din ang respeto niya kahit niloko na siya nito.
“ anong kasalanan ko para gawin mo akong tanga Joey? Minahal kita, at wala akong ninais kundi magtrabaho ng ayos para sa atin “ habang nagyoyosi, umiinom at umiiyak
Kina umagahan pumasok pa din siya sa office kahit walang tulog, natutulala kapag mag-isa at kusang tumutulo ang luha ni Jarren sa sakit ng naramdaman niya.
“ brod, may problem? “ tanong nung isang kasama niya
“ wala brod, lika yosi tayo sa labas “
‘ sige “
Habang nagyoyosi sila, nilapitan sila ng isang kasama nila.
“ may meeting daw tayo “
“ sige susunod kami, tatapusin lang namin to “ sagot ni Jarren
After five minutes pumasok na sila sa office ng v.p at nagsimula na ang meeting.
Nasa kalagitnaan na sila ng meeting ng may nagmessage kay Jarren.
“ hi Jarren, ninang ito ni Joey. Pwede ba tayong mag-usap? “
“ hello, nasa meeting lang po ako ngayon. Tungkol saan po? “
“ sa inaanak ko, mahal ka niya baka naman pwede nyo pa ayusin ang relasyon ninyo? “
“ teka lang po, lalabas lang ako “
“ sige, antayin ko tawag mo. Salamat “
Kaya lumabas si Jarren saka tumawag sa ninang ni Joey.
“ hello “
“ hello Jarren, mahal ka ng inaanak ko. Kanina pa siya iyak ng iyak at halos hindi na kumakain. Pag usapan nyo naman ang problema nyo, bigyan mo pa siya ng isang pagkakataon “
“ nasaktan po ako sa ginawa niya pero wala siyang narinig sa akin ng kahit na ano dahil ayoko siyang masaktan kahit na sinaktan niya ako ng sobra sobra “
“ alam ko, na kwento na niya sa akin lahat, at nagsisisi na siya sa lahat ng ginawa niya sa iyo. Bigyan mo naman siya ng chance na iprove sa iyo na nagsisisi na siya “
“ sige po, pag tapos ng meeting ko. Tatawagan ko siya “
“ talaga? Aasahan ko yan ah? “
“ sige po “
At binaba na nila ang fone at bumalik na agad si Jarren sa meeting niya.
Nag iisip si Jarren kung tama ba na kausapin pa niya si Joey kahit niloko at ginawa na siyang tanga sa harap ng mga kasama niya.
Pero nanaig pa din ang pagmamahal niya kaya tinawagan niya ito.
“ hello, tumawag ang ninang mo sa akin at sinabi niya na mag-usap daw tayo “
“ hon, please… maawa ka naman sa akin, hindi ko kayang mawala ka. mahal na mahal kita, bigyan mo pa ako ng isang chance. Na realized ko na hindi ko kayang mawala ka “
Naaawa siya kay Joey at ayaw niya itong nakikitang umiiyak at nahihirapan pero ang sakit sakit ng nararamdaman ni Jarren sa ginawa sa kanya.
“ hon please, magbabago na ako. Bumalik ka lang sa akin, lahat gagawin ko. Hindi na ako lalabas ng hindi mo alam, magpapakabait na ako “
“ sige “
“ anong sige hon? “ tanong ni Joey
“ sige, bibigyan kita ng last chance. Pipilitin kong kalimutan lahat ng nangyari pero last na ito “
“ opo hon, last na ito “
“ tahan na, huwag ka ng umiyak at kumain ka na “
“ opo, kakain na ako basta bati na tayo ha? tayo na ulit? “
“ sige hon “
“ I love you hon, thank you “
“ I love you too, sige uuwi na ako “ paalam ni Jarren
“ usap tayo pag uwi mo hon “
“ sige “
At binaba na ni Jarren ang fone.
Pag uwi niya sa bahay, dumiretso siya sa refrigerator nila para uminom ng malaming na tubig at kumuha ng beer.
Pag akyat niya, kumuha lang siya ng damit at naligo.
Nang matapos siyang maligo, nagyosi at uminom na siya.
Nakita niya na may message si Joey pero hindi niya ito tiningnan agad dahil nandun pa din ang sakit na ginawa sa kanya.
Hindi lang talaga niya kayang tiisin at makitang umiiyak si Joey kaya niya pinagbigyan.
Mga bandang alas diyes saka nagmessage si Jarren kay Joey.
“ hon, matutulog na ako “ sabi ni Jarren
“ ngaun ka lang dumating? “
“ kanina pa kaso nakatulog ako, nagising lang ako dahil umuhi ako “
“ sige tulog ka na hon, good night. I love you “
Hindi na ulit nagmessage si Jarren kahit gustong gusto niya, tuwing nakikita niya kasi message ni Joey naiiyak siya sa sakit pero kailangan niyang makalimutan at magmove on dahil mahal niya ito.
Mga ilang linggo nakalipas, naaalala pa din niya yung mga ginawa sa kanya pero sinasarili na lang niya ito.
Hindi niya pinararamdam kay Joey na nasasaktan pa din siya para maging maayos ang relasyon nila.
“ hon happy anniversary “ bati ni Joey
“ happy anniversary din hon “
“ next week ba nandyan sila Tommy at Jake? “ tanong ni Joey
“ wala hon, sa Laguna naman kasi sila nagtra-trabaho kaya once a month lang sila nauwi dito “
“ uwi ako diyan sa Friday night, sa Sunday night na lang ako uuwi sa Laguna “
“ huwag na hon, delikado kung Friday night ka uuwi tpos Sunday night din. Kung gusto mo Saturday morning tapos Sunday morning “
“ saglit lang naman ang byahe hon “
“ huwag na, delikado “
“ sige na nga, sabado ng umaga na lang ako uuwi dyan. Magdadala na din ako ng ibang gamit “
“ sige hon “
Biyernes na gabi, lumuwas si Joey para surpresahin si Jarren.
“ mi, tita “ tawag ni Joey
“ anak, gabi na ah? “ sabi ng nanay ni Jarren
“ mabilis lang naman ang byahe po mi, si Jarren? “
“ nasa taas anak, puntahan mo na lang “
Kaya umakyat ito at nung buksan niya ang pinto.
Nakita niya na lasing si Jarren at umiiyak.
“ hon? “ sabi ni Joey
Lumapit agad ito kay Jarren at niyakap niya.
“ hon gabi na ah? Sabi ko naman sa iyo bukas ka na umuwi dito at delikado “
“ gusto ko kasing i-surprise ka, bakit ka umiinom? Saka umiiyak? May problem ba? “ naaawang tanong ni Joey
“ wala hon, pagod lang ako sa trabaho “
“ tama na inom, halika masahe kita para marelax ka “ sabi ni Joey
“ ubusin ko lang ito tapos matulog na tayo “ sagot ni Jarren
“ sige, masahe na lang kita hon “
Nilagay muna ni Joey ang bag niya sa upuan saka niya minasahe si Jarren.
Nagtanggal si Joey ng pantaas niya at dinikit sa likod ni Jarren, hinalikan din niya ang leeg ni Jarren.
Nang biglang umiwas si Jarren.
“ hon, okay na. saglit lang yosi lang ako sa may bintana “ sabay tayo at lumayo kay Joey
“ hon, shower muna ako ha? gusto mong sumabay sa akin? “ yaya ni Joey
“ sige hon, kakatapos ko lang magshower. Ikaw na lang “
Kaya pumasok na ng c.r at nagshower na si Joey.
Naisip ni Joey na akitin niya si Jarren dahil masarap makipagsex kay Jarren kapag lasing siya.
Nagmadali naman si Jarren na ubusin ang iniinom niya at agad ng humiga at natulog.
Pag labas ni Joey, nakita niya na tulog na si Jarren.
Lumapit ito ng naka hubad.
“ hon, s*x tayo “ yaya ni Joey
“ hon, antok na ako. Bukas na lang, good night “
Hindi na kumibo si Joey kaya nagbihis na siya at tumabi na kay Jarren.
Hinalikan na lang niya si Jarren saka tumalikod.
Nang maramdaman ni Jarren na tulog na si Joey, unti unti siyang tumayo at nagyosi sa may bintana.
Nagising si Joey pero hindi niya pinahalata kay Jarren.
Nakita niya na umiiyak si Jarren habang nagyoyosi. Naka tatlong yosi si Jarren bago bumalik sa kama.
Hinalikan niya si Joey sa buhok.
“ sorry kung ganito ako sa iyo, nasasaktan pa kasi ako sa nangyari pero magiging okay din ang lahat. Promise yan hon, babalik ang dating Jarren na nakilala mo na mas mamahalin ka pa at kakalimutan ang lahat ng nangyari. Mag antay ka lang hon, mahal na mahal kita “
Saka tumalikod si Jarren at natulog na.
Narinig ni Joey lahat ng sinabi ni Jarren kaya naiyak siya habang sinasabi sa kanya yun.
“ aantayin kong bumalik ang dating Jarren na minahal ko, sorry hon kung nahihirapan ka sa ginawa ko. Mahal na mahal din kita “