Chapter 21
Nakipagtitigan muna si Regiena kay Alex. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Kinakabahan siya sa mga susunod nitong sasabihin.
"Doon muna tayo sa pangalawang bagay. Anong ginagawa sayo ni Damian?" Nabitin na naman siya. Pero wala naman siyang magagawa. Ang banta ni Damian ang matinding tinik sa kanyang dibdib sa kasalukuyan.
"Noong isang araw pumunta siya sa amin. Muntik na niya akong pagsamantalahan. Dumating si Aling Mildred, yung kasambahay namin at yaya ng anak ko. Pinatay niya si Aling Mildred. Nilaglag niya sa veranda." Paglalahad niya sa mga nangyari.
"Nakapatay ng mortal si Damian? Hindi pwede 'yun. Kasalanan yun kahit sa mga demonyong katulad niya. Hindi pwedeng kantiin ng sinumang elemental na nilalang ang mga tao. Pwede nilang tustusan ang isang mortal na pumatay at magpakamatay pero hindi pwedeng sila mismo ang pumatay." Tugon ni Alex.
"Pinapanakot niya ngayon sa akin ang pagkamatay ni Aling Mildred. Nasa kanya raw ang katawan nito. Isusuplong niya raw ako bukas sa mga pulis kung hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kanya. At dapat daw ay alisin ko sa katawan ko ang puting kristal na hawak ko." Dugtong niya.
Kinuha ni Alex ang kanyang mga kamay. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya iyon binawi pa. Hinayaan niyang tanganin nito ang kanyang mga kamay.
"Tutulungan kita Regiena. Mali na nakapatay ng mortal si Damian. Lalong mali na tinatakot ka niya. Sa ngayon ay kailangan na muna nating mahanap ang katawan ng kasambahay ninyo. Hindi iyon maaring gamitin laban sayo ni Damian." Saka siya nito niyakap. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Ang pinagtatakhan niya ay tila wala siyang naramdaman sa dibdib nito. Tila wala itong pusong tumitibok. "Yumakap ka lang sa akin. May pupuntahan tayo."
Napapikit nalang si Regiena. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa ibang lugar na sila. Para silang nag- teleport ni Alex. Nakakatakot ang lugar. Para itong...
"Sementeryo? Nasa sementeryo tayo?" Tanong niya.
"Oo. Dito ang tunay na tahanan ni Damian. Ngunit hindi ko nararamdaman ang presensya niya rito. Kailangang mahanap natin ang katawan ng kasambahay mo nang hindi tayo nahuhuli ni Damian."
"P- pero paano natin mahahanap ang katawan ni Aling Mildred nang hindi tayo nararamdaman ni Damian?" Tanong niya.
Saka nito dali- daling binuksan ang isang nitso na tila bago palang. Hinatak ni Alex ang binti ng bagong bangkay sa loob hanggang sa iyon ay naputol.
"Aaaah!" Impit siyang napatili sa nakita.
"Narinig na tayo ni Damian. Nararamdaman kong papalapit na siya." Saka nagpalinga- linga sa paligid ang lalaki. Kiniskis nito sa sarili ang buto mula sa binti ng bangkay.
"A- anong ginagawa mo?" Nandidiring tanong niya rito.
"Heto oh. Ikaw naman." Akmang iaabot nito sa kanya ang binti. "Ipunas mo sa sarili mo ang buto ng bagong patay na yan. Hindi ka maaamoy at makikita ni Damian kapag ginawa mo yan. Malaya tayong makakakilos sa teritoryo niya."
"I- ipupunas ko sa sarili ko ang buto? Eh sobrang fresh pa nga ng patay na yan eh." Hindi lubos maisip ni Regiena na kakailanganin niyang gawin ang bagay na iyon.
"Dalian mo. Nararamdaman ko si Damian! Papalapit na siya sa atin!"
Hanggang sa...
"Sino ang mga nariyan?! May ibang nilalang ba sa aking tahanan?" Narinig niya ang boses ng demonyo.
Ngunit tila hindi nga sila nito nakikita't naririnig. Labag man sa kanyang kalooban ay naipahid na niya sa sarili ang buto ng bangkay bago pa dumating si Damian.
"Tara na. Hindi niya tayo mararamdaman na kumikilos sa loob ng teritoryo niya. Isang oras lang ang epekto ng buto. Kailangan nating mahanap sa panahong 'yon ang bangkay ng kasambahay niyo." Saka kinuha ni Alex ang kanyang kamay. Magkahawak silang naglakad sa kahabaan ng sementeryo.
Imbes na makadama ng takot dahil sa lugar at sa amoy ng bangkay sa kanyang katawan ay mas nangibabaw ang pagbayo ng kanyang puso sa kanyang dibdib na dulot ni Alex. Pinagmamasdan niya lang ito habang palinga- linga sa paligid. She couldn't help but saw him as Jelor.
"Handa ka na ba? Pupunta tayo sa pinaka kwarto ni Damian dito sa sementeryo." Hindi niya napansing may sinasabi na pala ito. Hanggang sa huminto ito at tinitigan siya. "Regiena?"
"A- ano 'yon?"
"Sabi ko papunta tayo sa kwarto ni Damian dito sa sementeryo. Handa ka na ba? Hindi ka ba natatakot?"
"O- okay lang ako. Okay na okay. Wait lang? Anong sabi mo? Sa kwarto niya? May kwarto si Damian dito sa sementeryo?"
"Oo meron. Iyon ang puntod ng pinakamasamang taong nakalibing dito sa sementeryong ito. Daan din iyon papunta sa kunyaring bahay niya rito sa lupa at mayroon din iyong portal papunta sa inpyerno." Saad nito.
Napalunok nalang si Regiena sa narinig. "Impyerno? As in impyerno? Kay satanas?"
"Oo. Higpitan mo lang ang pagkakahawak sa kamay ko. Sabihan mo ako kung kailangan kong tumigil."
Napabuntong- hininga siya. "Kaya ko 'to. Nandyan ka naman eh."
Binigyan siya nito ng matamis na ngiti. Kahit ang ngiti nito ay si Jelor ang katulad. Muli silang nagpatuloy sa paglakad. Hanggang narating nila ang isang puntod na gawa sa ginto.
Binasa ni Regiena ang pangalang nakasulat sa puntod. "Mayor Flaviano Romulo. Siya ang pinakamasamang nilalang na nakalibing dito?"
"Siya nga. Siya ang dating mayor nang lugar na ito. Marami siyang pinapatay at ibinenta niya ang kaluluwa niya kay Satanas noong nabubuhay pa siya upang manatili sa pwesto at kapangyarihan. Iyon din ang dahilan kung bakit naging portal ng impyerno ang kanyang puntod nang mamatay na siya."
"May mga tao pala talagang binebenta ang kaluluwa nila sa kadiliman para lang matupad ang mga personal nilang kagustuhan." Napailing nalang siya. "Paano tayo papasok dyan?"
"Kumapit ka nang mabuti." Saad nito. Mas hinigpitan nga niya ang pagkakatangan sa kamay nito. Saka nito tinulak ang lapida ng puntod.
Para silang sumakay sa isang mabilis na elevator. Doon niya natanaw ang kumukulo at nag- aapoy na tubig ng impyerno. Narinig niya ang mga taong lumalangoy at humihingi ng tulong habang nakababad sa apoy ng impyerno. Nakakatakot. Nakakapanindig- balahibo ang tunog. Iniluwa sila sa isang napakalaking mansion. Magara. Maganda. Labas palang pangmamahalin na.
"Ito ang bahay ni Damian dito sa mundo? Bakit hindi nalang tayo nagpunta rito? Hindi na san tayo dumaan sa sementeryo."
"Kapag kasi pinuntahan lang natin ito sa normal na paraan o sa paraan ng mga mortal, hindi natin makikita ang mga itinatago ng lugar. Hindi lalabas ang lihim ng kanyang tahanan." Paliwanag nito.
Napatingin siya sa suot niyang relo. "Forty minutes na tayong naglalakbay. Twenty minutes nalang. May idea ka kaya kung saan itinatago ng demonyong tulad ni Damian ang mga bangkay na hawak nila?"
"Meron. Mapanganib ang gagawin natin Regiena. Kailangan nating pumasok sa loob."
Laking gulat niya sa narinig. "Huh? Papasok tayo sa loob? Mapanganib nga yun. Baka mahuli na tayo."
"Hindi pa rin tayo maririnig at makikita ni Damian hanggang hindi sumasapit ang isang oras. Pero baka ma- trap tayo sa loob at abutin ng takdang oras. Doon tayo malalagot." Muli siya nitong hinarap at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Ako na ang bahala Regiena. Maiwan ka na rito sa labas. Kahit na anong mangyari ay wag mong isusuko ang puting kristal kay Damian. Yan ang iyong proteksyon."
Akmang aalis na ito nang bigla niyang niyakap mula sa likuran ang lalaki. "Mag- iingat ka Alex. Please mag- ingat ka. Narinig ko sa usapan niyo nila Angela at sa kambal na hindi kayo pwedeng gumawa ng mga bagay dito sa lupa na magpapasama sa inyo. Kapag nahuli ka ni Damian ay baka mapahamak ka. Kaya please Alex mag- ingat ka at bumalik ka para sa akin."
"Maraming salamat Regiena. Pangako. Babalik ako." Saka na ito umalis at tuluyang pumasok sa loob ng bahay ni Damian.
"Bumalik ka Jelor. May iba akong nararamdaman sayo. Alam kong may kinalaman ka kay Jelor, Alex." Bulong niya sa sarili nang makapasok na ito.
Nagpaikot- ikot si Regiena habang naghihintay sa labas. Nakita niyang dumating ang sasakyan ni Damian at pumasok na ito sa loob ng mansion. Limang minuto nalang noon ang nalalabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Alex.
"Diyos ko po. Gabayan niyo po si Alex. Sana po'y makalabas siya at wag naman sana siyang mahuli ni Damian. Parang awa Niyo na po." Walang tigil siya sa pagdarasal.
Isang minuto nalang.
"Alex. Alex nasan ka na ba? Lumabas ka na kaya? Bumalik nalang tayo sa susunod."
Saktong isang oras nang lumabas ito karga ang bangkay ni Aling Mildred.
"Alex!" Sigaw niya rito.
"Waaaaaaaaah! May nakapasok sa mansion ko!!!!!" Dinig niyang sigaw ni Damian.
"Alex dalian mo! Umalis na tayo!" Bulalas niya.
Ngunit hindi binilisan ni Alex. Kalmado lang itong naglakad.
"Alex ano ba?!"
Sa isang iglap ay nasa likod na niya si Damian. "Helloooo. Regine at Alex. Good evening. Anong kampon ng kadiliman ang nagdala sa inyo rito? Bakit niyo dala ang bangkay ng babaeng yan?" Saka nito nilagay ang mga kamay sa kanyang leeg. "Tumigil ka sa paglakad Alex. Kung hindi kahit ikamatay ko dahil sa puting kristal ay papatayin ko si Regine. Tatawag din ako ngayon din sa mga guardiya ng lupa upang ikaw ay maparusahan. Pumasok kayo sa aking teritoryo ng walang paalam at kumuha kayo ng pag- aari ko ng walang pasabi. Mapaparusahan ka. Mawawala ka sa mundong ibabaw. Kahit sa purgatoryo ay hindi ka tatanggapin. Makakalimutan ka." Pagbabanta nito kay Alex.
"Alex. Patawarin mo ako." Napaluha nalang siya.
..........
I'm holding on your rope
Got me ten feet off the ground
And I'm hearing what you say
But I just can't make a sound
You tell me that you need me
Then you go and cut me down, but wait
You tell me that you're sorry
Didn't think I'd turn around and say
That it's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, it's too late
Too late, oh
I'd take another chance, take a fall
Take a shot for you
And I need you like a heart needs a beat
But it's nothing new, yeah yeah
I loved you with a fire red, now it's turning blue
And you say sorry like the angel
Heaven let me think it was you
But I'm afraid
It's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, it's too late, whoa
It's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, yeah, too late
I said it's too late to apologize, yeah, too late
I'm holding on your rope
Got me ten feet off the ground
..........
Hello, it's me
I was wondering if after all these years you'd like to meet
To go over everything
They say that time's supposed to heal ya
But I ain't done much healing
Hello, can you hear me?
I'm in California dreaming about who we used to be
When we were younger and free
I've forgotten how it felt before the world fell at our feet
There's such a difference between us
And a million miles
Hello from the other side
I must've called a thousand times
To tell you I'm sorry for everything that I've done
But when I call, you never seem to be home
Hello from the outside
At least I can say that I've tried
To tell you I'm sorry for breaking your heart
But it don't matter, it clearly doesn't tear you apart anymore
Hello, how are you?
It's so typical of me to talk about myself, I'm sorry
I hope that you're well
Did you ever make it out of that town where nothing ever happened?
It's no secret that the both of us are running out of time
So hello from the other side (Other side)
I must've called a thousand times (Thousand times)
To tell you I'm sorry for everything that I've done
But when I call, you never seem to be home
Hello from the outside (Outside)
At least I can say that I've tried (I've tried)
To tell you I'm sorry for breaking your heart
But it don't matter, it clearly doesn't tear you apart anymore
Ooh-ooh, anymore
Ooh-ooh-ooh, anymore
Ooh-ooh, anymore
Anymore
Hello from the other side (Other side)
I must've called a thousand times (Thousand times)
To tell you I'm sorry for everything that I've done
But when I call, you never seem to be home
Hello from the outside (Outside)
At least I can say that I've tried (I've tried)
To tell you I'm sorry for breaking your heart
But it don't matter, it clearly doesn't tear you apart anymore