Chapter 20

2127 Words
Chapter 20 Imbes na ang leeg ni Brenda ay maikot ni Damian, ang leeg ni Damian ang pinilipit ni Alex. Kitang- kita iyon ni Regiena. Unti- unting namula ang mukha nito. Ngunit may kakaiba sa pamumula na iyon. Tila nagiging... "Diyos ko po. Demonyo ka nga Damian!" Bulalas ni Regiena. Namula rin ang mga mata nito. Unti- unting lumabas ang dalawang sungay sa ulo nito. Hanggang sa tuluyan itong nagbagong anyo. "H- hindi mo ako pwedeng patayin Alex! Alalahanin mo ligaw na kaluluwa ka lang. Wala pang desisyon sayo ang langit. Hindi ka anghel at hindi ka rin tao! Sa oras na gumawa ka ng pagkakamali ay siguradong sa purgatoryo ka mapupunta!" Saad ni Damian nang halos 360 degrees na ang naikot ni Alex sa leeg nito. "L- ligaw na kaluluwa si Alex? Hindi kaya siya nga si Jelor?" Naibulong ni Regiena sa kanyang sarili saka binaling ang tingin sa lalaking kamukhang- kamukha ng kanyang yumaong katipan. "Wag kang mag- alala hindi kita papatayin Damian!" Tugon ni Alex. Saka biglang lumitaw sina Angela, Santi at Santo. Kagyat na lumapit sa kanya si Angela. "Regiena heto pa ang limang puting kristal. Ibigay mo ang isa sa kaibigan mo tapos sayo ang isa. Itabi mo naman ang tatlong maiiwan kung sakaling may mangailangan pa nito. Sa susunod na sugurin ka muli ni Damian o ng sinumang kampon ng kadiliman, idikit mo lang sa balat nila ang puting kristal. Lubha silang masasaktan dyan o kaya ay ikamamatay pa nila." At kinuha na nga niya ang mga puting kristal. "Aaaaaaah! Bakit niyo sinabi sa kanya ang gamit ng puting kristal!" Galit na saad ni Damian. "Para tigilan mo na si Regiena!" At tuluyang naikot ni Alex ng 360 degrees ang ulo nito. Ngunit buhay pa rin ito. "Sisiguraduhin kong mapapasaakin si Regiena bago pa magkaroon ng pasya ang langit sa kaluluwa mo Alex! Babalik ako! Tandaan niyo yaaaaaaan!" Sa isang iglap ay naglahong parang bula ang demonyo. "Kailangan na rin nating umalis Alex. Baka dumating ang mga guardiya ni San Pedro at maparusahan pa tayo." Anyaya ni Angela. "Mauna na kayo. Susunod ako." Naglaho ring parang bula sina Angela, Santi at Santo. Naiwan doon si Alex at Brenda. Si Brenda ay mahimbing na natutulog. Lumapit sa kanya ang lalaki at saka siya mahigpit na niyakap. "Tulad ng sinabi ko kanina Regiena, noong dumampi ang palad mo sa pisngi ko ay nakaramdam ako ng kakaiba. Espesyal ka. Lahat gagawin ko para iligtas ka at alagaan ka. Walang mananakit sayo hanggang nandito ako." Si Jelor ang naramdaman niya sa yakap na iyon. Tagos sa kanyang puso at kaluluwa ang bawat salitang binitawan nito. She felt comfort. She felt safety. Parang nawala ang lahat ng masasamang nangyari sa araw na iyon. "S- sino ka ba talaga? Ano ba talaga kayo?" Tanong ni Regiena. Ngunit pagtingin niya sa paligid ay naglaho na ito. "Reg! Nandyan ka na pala. Sorry nakatulog yata ako. Wala akong matandaan. Ewan ko ba. Para akonv namaligno." At nagising na nga si Brenda. "Naku Brenda salamat sa pag- aalaga sa Junior ko ah. Sorry kung ginabi ako. Ipagluluto kita ng hapunan. Dito ka na kumain." Akmang tatalikod na siya ng meron siyang maalala. "May regalo nga pala ako sayo." Inabot niya ang isang puting kristal dito. "A- ano 'to? Ang ganda naman ng batong 'to." "Lucky charm stone yan Brenda. May nagbigay sa akin. Sayo na yang isa. Dapat ay wag mong iwawaglit sa katawan mo yan huh. Sobrang suswertihin ka kapag dala mo yan. Okay ba?" Gumawa siya ng kwento upang hindi alisin ni Brenda sa katawan nito ang puting kristal. "Wow! I love it Reg! Salamat dito! Naku ilalagay ko 'to sa pouch ko at lagi kong dadalhin!" Pagkakain ni Brenda ay umuwi na ito. Nakipagtsismisan lang ito sa kanya habang kumakain. Tinanong kung ano ang nangyari sa pagkikita nila ni Alex. Ang sinabi nalang niya ay wala itong kinalaman kay Jelor at ang gusto nito ay makipag- date sa kanya. Bagay na pumayag naman siya. Kilig na kilig naman ang kanyang kaibigan. "Junior, nagbalik na kaya ang daddy mo? Si Alex nga kaya si Jelor? Aalagaan niya tayo. Nararamdaman kong tapat siya sa mga sinabi niya." Saad niya habang pinapatulog ang anak. Kinabukasan ay hindi siya nakapunta sa photoshoot niya dahil walang magbabantay sa kanyang anak. Pumunta na muna siya sa agency kung saan niya na- hire si Aling Mildred. Kumuha siya ng bagong babysitter. Si Aling Lily ang kanyang nakuha. Tila kasing edad ito ni Aling Mildred. Tahimik lang ito at hindi pala- imik. Maganda ang record nito kaya ito ang kanyang kinuha. Pagsapit ng isa na namang araw ay saka lang nakabalik ng trabaho si Regiena. Photoshoot para sa isang local brand ng bag ang pinuntahan nila ni Brenda. Pagsapit ng lunch break ay laking gulat niya nang dumating si Damian. "May dumating na dimunyu Reg." Bulong ni Brenda. "Demonyo nga..." tugon niya. Tumayo siya upang salubungin ito. "Umalis ka na rito. Alam mong may proteksyon na ako sayo. Kaya kitang saktan Damian. Makikita ng lahat na isa kang demonyo." "Nakakatakot ka naman Regine. Afraid ako. Pero alam mo bang ikaw ang dapat matakot. Nasa akin ang bangkay ni Mildred, ng iyong yaya. Isusuplong kita sa mga pulis. Bukas na bukas ay dadalhin ko ang lahat ng ebidensya na magdidiin sayo. Ngunit hindi ko iyon gagawin kung isusuko mo ang katawan mo sa akin at kung itatapon mo ang puting kristal na hawak mo." Pagbabanta nito. "Hindi ako natatakot sayo. Umalis ka na." "Natatakot ka. Naririnig ko ng malakas ang puso mo. Mabilis itong tumitibok ngayon. Kahit na hindi kita maangkin ay kaya kong masira ang buhay mo Regine." Tugon nito saka siya binigyan ng nakakalokong ngiti. "Bakit ba ako ang ginugulo mo? Napakaraming babae na pwede mong guluhin. Bakit ako pa?" Diretsahan niyang tanong dito. "Napakaespesyal mo Regine. Kung alam mo lang. Hindi mo matatanong si Alex dahil wala siyang natatandaan. Pero kung natatandaan niya lang ang lahat, alam niya kung gaano ka kaespesyal. Hahaha! See you tomorrow Regine." Saka ito umalis. "Anong sinabi niya? Bakit nandito na naman ang dimunyunh yun?" Tanong ni Brenda. "Hayaan mo na yun. Baliw- baliwan na naman. Nakakainis na nga eh." Tugon niya. "Ang ganda mo kasi Reg! Iba ka eh oh! Dapat isumbong mo na sa pulis yun para di ka guluhin." Napaisip siya sa sinabing iyon ni Brenda. Baka siya pa ang isumbong ni Damian sa pulis dahil sa nangyari kay Aling Mildred. Isa lang ang naisip niyang solusyon na may kakayahang makapigil sa plano ni Damian. Si Alex. Matapos ang shoot ay agad siyang nagpunta sa bar. "Oh Regiena! Napasyal ka?" Sinalubong siya ng isa sa kambal. Hindi nga lang siya sigurado kung si Santi iyon o si Santo. "Santo? Santi?" "Si Santi 'to. May balat ako sa pwet." Tugon nito. "Santi nandyan na ba si Alex? Kailangan ko siyang makausap. Ginugulo na naman ako ni Damian eh." Saad niya. "Naku wala pa siya eh. Mga alas- sais pa darating 'yun. Thirty minutes na rin naman eh bago mag- six. Dito ka muna makipagkwentuhan sa akin." Saka siya nito pinaupo sa bench sa labas ng bar. Nakaisip siya ng itatanong kay Santi. Huminga siya ng malalim. "Ano ba talaga Santi? Anong ibig sabihin na ligaw na kaluluwa si Alex? Pati ba ikaw ligaw na kaluluwa? Kayo nila Angela at Santo?" "Oo ligaw na kaluluwa kami sa banda. Ngunit hindi kami ordinaryong ligaw na kaluluwa. Kami ay mga..." Ngunit hindi natapos ang sasabihin nito dahil sa pagdating ni Santo. "Hoy Santi! Wag kang kwento ng kwento dyan! Tao pa rin itong si Regiena. Baka mapahamak ka pa kung magsalita ka. Hindi niya pwedeng malaman ang mundo natin. Hayaan mo ng si Alex ang magsabi sa kanya. Si Alex naman ang may interes sa kanya di ba? Pumasok ka na sa loob. May kailangan ako sayo." Supladong saad ni Santo. Mas harsh si Santo kumpara kay Santi. Saka na ito pumasok sa loob. "Naku pasensya na ah Regiena. Mainitin lang talaga ang ulo ni Santo. Tsaka may point naman siya talaga. Hindi kami pwedeng magsabi sa mga mortal. Si Alex nalang ang kulitin mo. Pasensya na talaga. Hintayin mo nalang si Alex dito. Pasok lang ako ah." Napatango nalang siya. Dahil sa ikinilos ng mga ito ay mas lalo siyang napaisip sa pagkatao ng mga ito. Iyon ang kailangan niyang malaman. Isa pa, baka may kinalaman ang mga ito kay Jelor. Kung demonyo si Damian ay baka may alam din sila sa mga anghel at anghel dela guardia. Makalipas ang ilang minuto pang paghihintay ay biglang may mga palad na tumakip sa kanyang mga mata. "Hinihintay mo ba ako?" "Alex." Saka niya inalis ang mga kamay nito. Pagtingin niya rito ay tumambad sa kanya ang maamong mukha ni Alex. Ni Jelor. "Bakit ka narito Regiena?" Nakangiting tanong nito. "Dalawang bagay Alex. Una, kailangan ko nang malaman kung sino at ano ka. Pangalawa, kailangan ko ng tulong mo kay Damian." .......... We lead two different lives Just like two lines that never cross And here we are together Standing closer than we are But we're still standing here untouched Too scared to make a move We want so much to touch And we can't wait forever We know it's dangerous For us to be together How do we ever keep this secret How do we keep it in the dark And if we dare to taste our weakness How could we tear ourselves apart Why do we keep this love together Didn't we know right from the start That we would have to keep this secret Or forever stay apart I watch you coming to me Walking in the pouring rain I can't help looking at you Wishing I could stay away So many times I've tried in vain To close my eyes and pray it goes away But I can't stop myself from feeling To let you go would be too much For me to take How do we ever keep this secret How do we deep it in the dark And if we dare to taste our weakness How could we tear ourselves apart Why do we keep this love together Didn't we know right from the start That we would have to keep this secret Or forever stay apart I can't help thinking When I look into your eyes How much I need you It's so hard to hide How do we ever keep this secret How do we keep it in the dark And if we dare to taste our weakness How could we tear ourselves apart Why do we keep this love together Didn't we know right from the start That we would have to keep this secret Or be doomed to stay apart .......... I need another story Something to get off my chest My life gets kinda boring Need something that I can confess 'Til all my sleeves are stained red From all the truth that I've said Come by it honestly I swear Thought you saw me wink, no I've been on the brink So tell me what you want to hear Something that will light those ears I'm sick of all the insincere So I'm gonna give all my secrets away This time Don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secrets away My God, amazing how we got this far It's like we're chasing all those stars Who's driving shiny big black cars And every day I see the news All the problems that we could solve And when a situation rises Just write it into an album Send it straight to gold But I don't really like my flow, no So tell me what you want to hear Something that will light those ears I'm sick of all the insincere So I'm gonna give all my secrets away This time Don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secrets away Ooh Got no reason, got no shame Got no family I can blame Just don't let me disappear I'ma tell you everything So tell me what you want to hear Something that'll light those ears I'm sick of all the insincere So I'm gonna give all my secrets away This time Don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secrets away So tell me what you want to hear Something that'll light those ears I'm sick of all the insincere So I'm gonna give all my secrets away This time Don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secrets away All my secrets away All my secrets away
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD