Chapter 19

2031 Words
Chapter 19 "Oh ano pang hinihintay mo? Pumayag na akong makipag- date sayo ah? Sabihin mo na sa akin ang lahat." Pagpupumilit ni Regiena sa impormasyong kailangan niya kay Alex. "Gabi na. Minarkahan ka na ni Damian. Nasa panganib ka Regiena. Halika may pupuntahan tayo." Saka nito hinablot ang kanyang kananh braso at umalis sila sa Italian restaurant. Nang papasok na sila sa bar ay saka niya binawi ang kanyang braso. "Aano tayo sa bar? Pwede ba Alex! Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Pumayag akong makipag- date sayo pero dapat sabihin mo na muna sa akin ang lahat." "You need a protection. Nasa loob ang makakapagbigay sayo ng proteksyon." Tugon nito. Nairita na siya rito. "Alam mo ewan ko sayo!" Akmang tatalikuran na niya ito nang isang malamig na kamay ang humawak sa kanyang balikat. Dahan- dahan siyang napatingin dito. Isang babaeng puting- puti ang mga mata. Wala ang itim sa gitna ang tumambad sa kanya. "Aaaaaah!" Napasigaw siya. Unti- unting ring bumalik ang itim ng mata ng babae. Napakaganda nito. Mahaba ang tuwid nitong buhok. Nakasuot ito ng dark red lipstick na talaga namang agaw pansin. Nakasuot ito ng black leather jacket at maigsing itim na leather na palda. Tinernuhan din iyon ng itim na boots na abot sa tuhod nito. Gothic na parang emo ang pormahan nito. "Halika sa loob. Mapanganib dito sa labas. Kailangan mo ng proteksyon." Anyaya ng babae. Dahil sa pangingilabot na dulot nito sa kanya ay napilitan na siyang sumama sa dalawa sa loob. Pumasok sila sa isang kwarto sa likod ng stage. Naroon ang ibang band members ni Alex. Dalawang lalaki na parehong pormahan ng babae at magkamukhang- magkamukha rin ang mga ito marahil kambal ang dalawa. "Sila nga pala ang band members ko. Si Angela, ang aming pianist." Tinuro ni Alex ang babaeng kasama nila. "Yang kambal sina Santi at Santo. Si Santi, may balat sa pwet yan yung kaibahan nilang magkakambal. Siya yung guitarist namin. Si Santo naman ang drummer." "Gago ka Alex! Bakit mo pa sinabi 'yung balat ko sa pwet!" Saka binato ni Santi si Alex ng hawak nitong tumbler. "Siya si Regiena? Siya yung babae kagabi di ba na sinampal ka Alex?" Tanong naman ni Santo. "OMG! Siya nga! Hindi ko siya namukhaan. Grabe yung bad aura sa kanya ngayon eh." Komento naman ni Angela. "Oo nga. Nababalot siya ng marka ng demonyo. Si Damian ang naamoy ko sa marka." Saad ni Santi. Nangilabot si Regiena sa narinig. Alam ng mga ito na si Damian ang may marka sa kanya, kung anuman ang markang iyon. Isa lang ang sigurado niya ngayon, hindi talaga ordinaryong tao sina Alex pati na rin ang mga kabanda nito. "Dalian mo na Angela. Ibigay mo na kay Regiena ang puting kristal." Utos ni Alex. "Heto na dadasalan ko lang." Saka may kinuhang nagliliwanag na puting kristal ang babae sa make up kit nito. Pumikit din ito at binulungan ang puting kristal. Saka ito lumapit sa kanya. "Kunin mo ang puting kristal Regiena. Tapos ay manunuod ka ng isang kanta namin para maging mas mabisa ang basbas sa puting kristal. Ito ang magpoprotekta sayo sa marka ni Damian at sa mga kampon ng kadiliman. Tapos ay makakalimutan mo na ang mga nakita at narinig mo ngayon. Ang maaalala mo lang ay ang pagkikita niyo ni Alex at nanuod ka lang ng gig namin." Pagkakuha niya ng puting kristal ay agad niya iyong ibinulsa. Ngunit wala siyang nakalimutan. Tandang- tanda niya pa rin ang lahat. "Bakit kailangan kong makalimutan ang lahat? Sabihin niyo nga sa akin. Sino ba kayo? Ano kayo? Ano si Damian?" Tanong niya sa mga ito. "T- teka nga. Wala kang nakalimutan?" Tanong ni Angela. "W- wala. Tandang- tanda ko ang lahat." Tugon niya. "Mahabaging Diyos. May kakaiba sa babaeng ito Alex. Kakaibang nilalang siya Alex." - Angela. "Naramdaman ko nang kakaiba si Regiena. Kagabi nung hinipuan ko siya nalibugan lang talaga ako. Pero noong sinampal niya ako ay may kakaibang enerhiyang dumaloy sa aking katawan. Alam kong espesyal si Regiena." Saka lumapit sa kanya si Alex. Nakipagtitigan lang ito sa kanya. Habang tumatagal ay si Jelor na naman ang naalala niya rito. Umiwas siya ng tingin dito. "Uuwi na ako. Salamat sa binigay ninyong puting kristal. Saka nalang tayo ulit mag- usap Alex." "Ah ah ah! Hindi ka pa pwedeng umalis Regiena. Di ba wala kang nakalimutan? Kasama sa basbas ko sa puting kristal na kailangan mong manuod ng isang kanta namin. Magiging epektibo lang yan kung papanuorin mo kami lalo na si Alex." Pagpigil at pagpapaalala sa kanya ni Angela. Wala nang nagawa pa si Regiena. Umupo siya sa isang madilim na sulok ng bar upang panuorin ang unang kanta ng banda. Pag- akyat ng mga ito sa stage ay agad na iginala ni Alex ang mga mata nito. Kahit madilim na sa kanyang pwesto ay tila natagpuan pa rin siya nito. Kinindatan at nginitian pa siya nito. "Para ito sa espesyal na babae sa buhay ko ngayon. Enjoy listening. See you on our next date." Saad nito habang nakatitig sa kanya. ......... Late night Your eyes fell to the floor I'm trying to make sense But you're losing your patience Hands talk, won't stop We go to war In the heat of the moment You think that we're broken I could see my whole life with you baby Now you got me thinking that I'm crazy Cause you're... Out the door Just one mistake You say you're not in love no more But was it really love If you can leave me for Something so innocent Is this the end? Thought you'd be there through thick and thin Can't sleep, can't eat My mind's a mess What are you thinking? You were happy last weekend All the good times How'd you forget? I was your best friend, yeah Remember when you said You could see your whole life with me baby Now you got me thinking that I'm crazy Cause you're... Out the door Just one mistake You say you're not in love no more But was it really love If you can leave me for Something so innocent Is this the end? Thought you'd be there through thick and thin Thought you'd be there through thick and thin Thought you'd be there through thick and thin Thought you'd be there through thick and thin Said you'd be there for me through everything Said that you'd have my back with anything Said you'd be there for me through everything Said that you'd have my back with anything Now you're out the door Just one mistake You say you're not in love no more But was it really love If you can leave me for Something so innocent Is this the end? Thought you'd be there through thick and thin Out the door Just one mistake You say you're not in love no more But was it really love If you can leave me for Something so innocent Is this the end? Thought you'd be there through thick and thin Said you'd be there for me through everything Said that you'd have my back with anything Said you'd be there for me through everything Said that you'd have my back with anything ........... Ang pinagtatakhan lang ni Regiena ay hindi naman love song ang kinanta nito. Pang- brokenhearted ang kantang iyon ng Lany. Pero bakit parang ramdam niya ang sakit na naramdaman ni Alex habang kumakanta. Ang malala pa ay pareho silang napaluha sa kalagitnaan ng kanta. "Ano bang nangyayari sa akin?" Bulong niya sa sarili bago pinunasan ang luhang nagkalat sa kanyang pisngi. Bago matapos ang kanta ay nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang katawan na nagmumula sa puting kristal na nasa kanyang bulsa. Tila tumalab na ang basbas ni Angela. Aalis na sana siya nang simulan kaagad ni Alex ang ikalawa nilang kanta. "Para sayo pa rin ito." .......... Ain't never felt this way Can't get enough so stay with me It's not like we got big plans Let's drive around town holding hands And you need to know You're the only one, alright, alright And you need to know That you keep me up all night, all night Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad Mad cool in all my clothes Mad warm when you get close to me Slow dance these summer nights Our disco ball's my kitchen light Yeah and you need to know That nobody could take your place, your place And you need to know That I'm hella obsessed with your face, your face Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh And you need to know You're the only one, alright, alright And you need to know That you keep me up all night, all night Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad, oh So bad, oh Oh, my heart hurt Oh, my heart hurt Oh, my heart hurt So bad, oh .......... Pinatapos nalang niya ang kantang iyon saka siya tuluyang umalis ng bar. Habang nag- aabang ng taxi ay may iba siyang naramdaman sa paligid. Mabigat pero hindi makalapit sa kanya. Tila iyon ang epekto ng puting kristal. Pagdating ni Regiena sa kanyang apartment ay walang tao sa loob. Wala si Brenda at ang kanyang anak na si Jelor Junior. "Brenda? Brenda nasan kayo ni Junior?" Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Maliit lang ang kanyang unit kaya nalibot na niya ang bawat sulok nito ngunit wala talaga sina Brenda. Hindi rin ito sumagot sa kanyang mga tawag. "Sila ba ang hawak mo?" Saka niya narinig ang boses ni Damian. Paglingon niya sa kanyang likuran ay naroon na nga ito. Nakatayo ito sa likod ng isang upuan kung saan nakaupo si Brenda karga ang kanyang anak. Tila hindi siya nakikita ng mga ito. "Wag mong sasaktan ang anak ko at si Brenda! Hayup ka talaga!" Sigaw niya rito. Nakaramdam na naman siya ng labis na takot. Baka kung ano na naman ang gawin ni Damian. "Hindi kita malapitan. Hindi ka rin malapitan ng mga kampon ko dahil sa binigay na puting kristal nila Alex sayo. Isa lang sa anak at kaibigan mo ang pwede mong mailigtas Regine. Ibigay kung sino ang gusto mong mailigtas. Bwahahaha!" Saka ito tumawa na parang isang demonyo. Nakakapangilabot ang tawa nito. "Tigilan mo na ako Damian! Tama na! Wag mong idamay ang anak at kaibigan ko!" Sigaw niya habang lumuluha. "Isa akong demonyo Regine! Ganito ang gusto ko. Gusto kong may nahihirapan. Gusto kong may pumipili kung sino ang mapapahamak. Hahahahaha!" "Hayup ka! Bumalik ka na sa impyerno!" Bulalas niya. "Ayoko! Pagbilang ko ng sampu ay kailangan mo nang magpasya kung kanino mo ibibigay ang puting kristal." Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Anim... Pito... Walo... Siyam... "Sampu! Lapitan mo na Regine at ibigay ang puting kristal sa ililigtas mo! Hahahaha! Hahahaha!" Umiiyak siyang marahang naglakad. "Patawarin mo ako Brenda. Patawarin mo ako. Hindi ko kakayaning mapahamak ang anak ko sa demonyong ito. Patawarin mo ako." "Tulad ng inaasahan! Mangingibabaw sayo ang pagiging isang ina. Hahaha! Mamamatay na ang kaibigan mo! At mapapasaakin ka na! Hahaha!" Agad niyang nilagay sa bulsa ng suot na shorts ng anak ang puting kristal. Saka niya ito nilayo kay Damian. Ibinaba niya ang anak sa sofa. "Ako nalang ang saktan mo! Wag mong saktan ang kaibigan ko! Parang awa mo na!" "Hahahaha! Walang awa ang isang demonyo Regine! Hindi ko lang sasaktan ang kaibigan mo! Papatayin ko rin siya tulad ng ginawa ko sa katulong mo! Hahaha!" Saka nito nilagay ang mga kamay sa leeg ni Brenda. "Waaaaag! Angkinin mo nalang ako! Wag mong idamay ang kaibigan ko!" Humahangos niyang pakiusap dito. Nang iikot na nito ang leeg ni Brenda ay saka naman dumating si Alex. "A- alex?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD