Chapter Eleven

2418 Words
Chapter Eleven Dalawang araw bago ang Mr. Palengke. Nagpapahinga si Jelor sa labas ng bahay. Gabi na. Inabutan siya ni Roland na nakaupo sa isang silya. Tumabi ito sa kanya. "Kumusta ang practice kuya!" "Wag nating pag-usapan yan Roland." Saka sila sabay na tumawa. "Ikaw kumusta ka? Iba ka na ngayon. Kayo. Nakakatuwa." "Salamat kuya. Alam mo naniniwala ako sa mga anghel. Noon para may bumulong sa akin na ipaglaban ko ang pag-ibig ko kay Jecka. Pinakinggan ko yon. Mukhang tama naman ang ginawa ko. Ang ganda ng mga nangyayari ngayon. May mga anghel din na nasa katauhan ng mga tao. Tama si ate Rosa. Kayo yun ni ate Regiena." Lumaki ang kanyang puso sa narinig. Natatandaan niya pa na siya ang bumulong noon kay Roland na ipaglaban si Jecka at inahon ito sa kasalanan. Nag-thumbs pa siya ngunit hindi kay Roland kundi para sa anghel na nasa likod nito. Alam niyang naroon lang iyon kahit pa niya nakikita. Nag-thumbs up din naman si Roland sa pag-aakalang para sa kanya iyon. Inakbayan niya ang lalaki. "Magkwento ka pa. Ano pang mga balak mo sa buhay?" "Basta ako kuya masaya na akong makitang natutupad ang mga ni ate Rosa. Masaya na akong nagbabago na si Jecka. Pagkatapos niyang mag-aral, papakasalan ko na siya." May kung anong nadama siya sa kanyang puso ng marinig ang salitang kasal. "Kasal?" "Oo kuya! Ikaw ba kelan mo papakasalan si ate Regiena?" "Tama. Iyon nalang ang kulang sa amin! Gusto kong magkaroon ng basbas ang langit sa amin. Alam ko na ang pangarap ko Roland. Salamat sayo! Tara samahan mo ako at papakasalan ko na si Regiena!" Tumayo siya na ubod ng sigla at nabubuhayan. "Kuya naman. Magastos ang kasal. Para namang agad-agad yon. Isa pa wala pa yatang kasalang bayan ngayon. Kung may ipon ka na bakit hindi ka muna bumili ng singsing para sa kanya. Tanda na magpapakasal na nga kayo. Engagement ring ba." "Teka lang kukunin ko lang yung perang iniipon ko. Samahan mo ako bibili tayo!" "Matinde ka kuya! Boy scout!" ..... Ginanap na ang unang photoshoot nila Regiena at Jelor para sa una nilang billboard sa The G Modeling Agency na pag-aari ni Gary. Naging maganda naman ang kinalabasan ng pictorial. Labis silang nag-enjoy habang ginagawa ang bawat pose na hingin sa kanila ng photographer. Natagpuan niya ang sarili at ang isang pangarap na gustong maabot. Higit sa lahat kasama pa nya roon ang lalaking siya naman ang pangarap. Sa una nilang kinita sa trabaho ay binahagi nila iyon kaagad kina Rosa. Nagtabi rin sila para sa kanilang kasal. Hindi naman sila magiging mapili. Kung may kasalang bayan sa kanilang lugar ay dadaluhan na pa rin nila iyon kapag nagkataon. Ang importante ay ang basbas ng langit. Isang araw ay pinapunta sila ni Gary sa opisina nito upang papirmahin ng ekslusibong kontrata. Isa iyong malaking hakbang sa kanilang karera. Maraming prebelihiyo kapag ekslusibong modelo ng isang malaking modeling agency. Isang bakanteng conference room ang pinasok nila matapos ang pirmahan. Nagpaalam na rin sila kay Gary. Tanaw kasi doon ang isa nilang billboard na nakabalandra sa kakalsadahan. Nakasuot lamang silang ng mga signature underwears doon na sinunod sa angelic design ng isang lingerie company. "Papunta na tayo doon. Nagsisimula na tayo sa ating mga pangarap." Sambit niya habang nakatanaw sa malaking bintanang salamin ng gusali. Niyakap siya ni Jelor mula sa kanyang likod. "Masaya ako dahil masaya ka. Nandito ako para sayo Regiena." Sinserong ibinulong nito habang hinahalikan ang kanyang leeg. "Alam ko naman yon. Salamat ulit sa pagmamahal mo. Pero sana wag mo akong masyadong kilitiin dyan." Hindi naman ito nagpapigil. Mas naging mapusok pa ang mga hawak nito. Hinahaplos na siya nito sa kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan. Pinasok na rin nito ang mga kamay papasok sa suot niyang blouse. Buong-buo nitong dinakot ang kanyang dibdib na nakapaloob pa sa kanyang bra. "Masyado ba kasi tayong nagiging abala. Nakakalimutan na natin to. Nakakaakit ka pa naman din dun sa billboars natin." Mapanghalinang bulong nito na may kasama pang mainit na hangin mula sa bibig nito. "Hindi pwede rito baka may makakita sa atin." Pagtanggi niya kahit na nararamdaman na niya ang matigas nitong sandata na kumikilos sa kanyang likod. "Bakante naman tong kwarto. Baka walang gumamit. Isa pa sa palengke nga nagagawa natin to. Mabilis lang. Please..." saka nito mas senswal na hinalikan at inamoy-amoy ang kanyang leeg. Hinubadna rin nito ang kanyang bra sa loob ng kanyang blouse. "Mabilis lang ah." Humarap sita rito. Bumigay na rin siya sa tukso. "Oo." Saka nito nagmamadaling hinubad ang kanyang suot na blouse. Huhubarin pa sana nito ang suot niyang palda pero pinigilan niya ito. "Pwede na yan." Saka niya dinakma ang nagpupumiglas nitong p*********i sa pantalon nito. Binuksan niya ang zipper at butones ng pantalon upang ihayag na iyon ng tuluyan. Malagkit at mamasa-masa na iyon. Halatang sabik sa gagawin nila. Tulad na iyon kanyang p********e. "Hindi na ako makapaghintay pa." Saad nito na may halong panggigigil. Pinatuwad na siya nito. Humawak siya sa glass table sa gitna. Ulo palang ay napangiwi na siya. Parang antagal nilang hindi ginawa iyon. Para siyang birhen lalo na nang ipasok na nito ng buo. "Hmmmmmm...." mahina siyang nagpakawala ng ungol. May kasamang kaba ang kanyang nadarama. Marahil gayundin ito. Nakaharap pa man din sila sa pinto ng kwarto. Walang kawala kapag sila'y nahuli. Sinunod-sunod na nito ang pagbayo sa kanya. Muli niyang nadama ang sakit at sarap na tanging si Jelor lang ang makakapagbibigay sa kanya. "Ito ang gusto ko." Sambit nito saka siya inabot upang halikan. Pakiramdam niya ay may lumabas na nga sa loob niya dahil sa labis na pagkahayok ng lalaki. "Ako rin..." Kumapit ito sa kanyang mga balikat. Padiin iyon ng padiin hanggang sa siya mismo ang labasan ng katas. Agad din naman itong sumunod na sa katabing swivel chair at hindi sa kanyang likod naglabas. Kahit na hindi maalis sa kanya ang hinalang hindi na ito nakapagkontrol pa at nakapaglabas ng una sa kanyang loob. "Aaaaahhhhh..." gumawa pa ito ng tunog marahil sa labis na sarap at tagumpay ng muli nilang p********k. Tagumpay din na walang nakahuli sa kanila. Kinagabihan ay muling naulit ang isang matamis na romansa. Bawat halik at pagdampi ng balat ni Jelor sa kanya ay hindi lamang init para sa tawag ng laman ngunit punung-puno ng pagmamahal. Para siyang isang mamahaling bagay na iniingatan nito kahit sa pakikipagtalik. Habang nakahiga siya ng hubad at nakapatong ito sa kanya ay pinagmasdan muna siya nito ng nakangiti't kumikislap ang mga mata. "Mahal na mahal kita Regiena." Sambit nito na tila mula sa kaibuturan ng puso. Kitang-kita nya iyon sa mga mata nito. Parang wala ng iba pang babaeng tititigan nito ng ganon. Parang wala ng bukas pa dahil pare-pareho lang ang bawat bukas kapag ito ang kanyang kasama. Puno ng pag-ibig... "Mahal na mahal din kita Jelor." Saka nagsama ang kanilang mga labi. Marahan ang halik na iyon. Nilalasap nila ang bawat higop at kagat. Saka niya naramdaman ang metikulosong pagbuka nito sa kanyang mga hita upang bigyang daan ang ari nito. Halos magawa nila ang lahat ng posisyon sa gabing iyon. Tatlong beses silang sabay na nakadalaw sa pinto ng kaligayahan. Ang huli roon ay halos sa loob na niya inabutan ang lalaki. Masyadong maligaya ang dulot ng gabing iyon. ..... "Nakita ko ang billboard nila Regiena at Jelor ah! Infairness naman! Ang hot nyong dalawa!" Papuri ng isa sa mga bumibili sa kanila ni Rosa. Tila atraksyon na rin tuloy siya sa tindahan magmula noong lumabas ang kanilang unang proyekto. Kahit marami ng naitulong kina Rosa ay tumutulong pa rin siya rito kapag walang photoshoot. Si Jelor nga ay umeekstra naman sa palengke. Balak nilang bumili ng mas maayos na bahay para sa kanilang lahat kapag nakaipon. Isama pa ang kasal. "Salamat po ah." Nakangiti niyang tugon sa kanyang mga tagahanga. "Regiena hindi na pala natin napag-usapan yung tungkol sayo. Masyado tayong naging masaya nitong mga nakaraang panahon. Tapos ginago pa kita noong tumuloy ka sa akin. Ano nga ba ang kwento ng buhay mo?" Tanong ni Jecka. Ngayon nalang sila nakapagkwentuhan dahil sa masyado na siyang abala. Noong una naman sila rito ay nagkakapaan pa sina Rosa at Jecka. Mas malaya at komportable na ang lahat ngayon. Nag-uusap sila habang nagsasalita rin ang mga taong bumibili at dumadaan. Nakasindi rin ang radyo ni Rosa na regalo nila rito upang hindi ito mainip kapag nasa tindahan. "Naku Jecka! Masyadong pang teleserye ang buhay ng dalawang yan." Pagsabad ni Rosa. "Wait! Wait lang Reg! Naalala ko lang. Di ba pinaghahanap kayo ng mga magulang nyo ni Jelor? Hindi niyo ba naisip na dahil sa mga billboard niyo na nagkalat ay baka matunton nila kayo?!" Napaisip din siya sa hinuhang iyon ni Rosa. Nakadama ng kaba. "Nagtatago pala sila. Ang weird naman dahil hindi nyo man lang pala naisip yon." - Jecka. "B-baka inuna ni Jelor ang mga pangarap ko kaysa sa kaligtasan namin." Pagtatanggol niya sa kanilang sitwasyon. "Sabagay ako rin nawala na yan sa isipan ko. Ang saya-saya ng mga nangyayari. Inuna pa rin ni Jelor ang mga pangarap mo." Pagsuporta ni Rosa sa kanya. "Nandon na tayo pero sana inisip niya rin na ngayong anlalaki ng mga billboards niyo. Hindi man ang kaanak niyo ang makita, pwedeng yung mga nakakakilala sa inyo." Pagsalungat naman ni Jecka. "Mag-ingat nalang kayo. Kumusta na pala ang mga alaala mo Regiena? May bumabalik na ba?" "B-bumabalik?" "Oo. May chance pa rin naman na bumalik ang alaala kapag amnesia ah." Lalo pang bumilis ang t***k ng kanyang puso sa pahayag na iyon ni Jecka. "Pero sabi ni... ni Jelor di na raw babalik ang alaala mo di ba? Wala akong alam sa ganyan eh." Nag-aalangang sambit ni Rosa. Tila hindi maganda ang takbo ng usapan. May kung anong nabubuo sa isipan ng mga kausap niya. Nahahalata niya iyon. Bumalik na nga ang mga ito sa pag-aayos ng mga paninda. "Ibig niyo bang sabihin may nililihim sa akin si Jelor?" Lakas-loob nyang tanong. Natigilan ang mga ito. "Alam mo Regiena kitang-kita namin na mahal na mahal ka ni Jelor. Kalimutan mo nalang ang usapan nating ito. Wala rin alam sa sakit na amnesia. Base lang naman sa mga napapanuod ko ang mga sinabi ko kanina. Wala yun. Wala kaming intensyon na mapag-isip ka." Balisang pangungumbinse sa kanya ni Jecka. Halatang mas iniisip nito ang mga naitulong nila sa kanila kaya nagbabago ang isip nito. "Tsaka yun na nga. Mahal ka ni Jelor. Mahal mo rin siya. Yun ang mahalaga. Hindi namin sinasadyang mapunta sa ganito ang usapan Reg ah. Mga anghel kayo sa buhay namin ni Jelor. Kalimutan mo nalang to." Si Rosa naman. Doon na sumakit ang kanyang ulo sa kaiisip at pagtutugma sa mga bagay-bagay. Paano na kung makita sila ng kanilang pamilya? Talaga bang may pag-asa pang bumalik ang kanyang alaala? May tinatago ba sa kanya si Jelor? At... "Si Jecoba..." Naisip niyang baka totoo ang mga sinabi nito noon. Mga kaibigan isa pong takas sa kulungan ang pinaghahanap na ngayon. Jomel Siron po ang pangalan nito... "Diyos ko po. May isa pa pala kayong dapat taguan talaga." Hindi na niya pinasin pa sila Rosa. Nagtatakbo siya papunta sa kanilang bahay. Hindi na siya makakapaghintay pa. Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Wala roon si Jelor. Lalabas na sana siya ng bahay ng isang tinig ang tumawag sa kanya. "R-regiena..." "Jecoba?" Nang lingunin niya ito ay isa itong demonyo na duguan at tila hirap na hirap. Halos maubos na rin ang ganda na dati'y taglay nito. "Ako nga... alam kong nagdududa ka na. Sabi ko naman sayo hindi ba, paniwalaan mo ang nais mong paniwalaan ngunit babalik ako para ipakita sayo ang katotohanan. Nahirapan akong nahapin ang salamin ng nakaraan." Saka nito pinakita ang isang itim na salamin na halos mababasag na. "Kahit hindi mo nagawang magpakahayok kayo sa p********k ni Jelor at nahulog pa kayo ng tuluyan sa isa't-isa ay ipagkakaloob ko pa rin sayo ang katotohanan. Isa kang anghel na binaba sa lupa Regiena. Dahil pinaslang ka ng isa pang anghel! Sinabi ko sayo na bababa rin dito sa lupa ang anghel na pumaslang sa iyo upang ikaw ay sundan at muling lokohin! Masdan mo ang katotohanan!" Hinarap nito sa kanya ang salamin. Nanginig ang kanyang tuhod sa kanyang nakita. Napaluhod siya sabay sa walang tigil na pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Kitang-kita niya sa salamin na pabagsak siya sa langit habang nakatarak ang patalim sa kanya na hawak ni... "Si Jelor..." "Oo siya nga! Aaaaaahhhhh!" Sa isang iglap ay naglaho naman si Jecoba na parang isang abo. ..... Nagkakasiyahan sina Jelor sa palengke. Walang tigil sa pagbati sa kanya ang kanyang mga kasamahan. Pero sa isang banda ay kinakabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. Tila may bumubulong sa kanya na umuwi. "Alam mo Jelor hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa akin dito. Modelo ka na. Masaya na ako para sayo. Alagaan mo nalang ang bago mong trabaho at ang napakagandang si Regiena. Bagay na bagay talaga kayo." Bilin ni Aling Irish sa kanya. "Sigurado po ba kayo? Napamahal na po ako sa trabaho ko rito at sa inyong lahat eh." Matapat nyang tugon dito. Nagkantsawan naman ang lahat. Kinuha ng matanda ang kanyang mga kamay. "Napakabuti mong bata Jelor. Napakaswerte sayo ni Regiena. Tulad ng relasyon mo sa mga tao na pinapahalagahan mo ay gawin mo rin iyon sa iyong buhay pag-ibig. Alam ko naman na ginagawa mo na iyon. Pero sana magawa mo iyon hanggang sa huli. Walang lihim. Ang katapatan ay mahalagang sangkap ng pag-ibig. Hiling ko ang lahat best sa inyo." "Salamat po." Saka niya ito niyakap habang malalim na nag-isip. Katapatan. Lihim. Kung papakasalan niya si Regiena, tama bang ilihim pa niya rito ang nakaraan nito? Ngunit iyon ang kagustuhan ng langit. Alam niyang wala namang makakapagsabi sa nakaraan nito. Isa iyong nakaraan na tulutan nang binura. Tama ang naging desisyon niya. Wag lang sanang balikan sila ng kwento na kanyang kinatha. Pagkagaling sa palengke kinahapunan ay sa bahay na siya dumiretso. Nagulantang siya nang makita si Regiena na nakaluhod at umiiyak pagpasok ng bahay. "Regiena bakit?" Nilapitan niya ito at akmang hahawakan upang alalayan pero sinagi nito ang kanyang kamay. Galit na mga titig ang iginanti nito. "Ano'ng nangyari?" Isa pang tanong niya. "Anghel ako. Anghel ka. Pinatay mo ako. Manloloko ka." Diretso nitong sinabi sa kanyang mga mata ang lahat ng iyon. Nagtatagis ang mga bagang nito. Lalong dumilim ang emosyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD