Chapter Twelve

1263 Words
Chapter Twelve "H-hindi yan totoo." Nauutal na pasubali ni Jelor sa mga tinuran ni Regiena. "Magsisinungaling ka pa rin talaga? Ano ba ang totoo sa mga sinabi at pinakita mo sa akin Jelor huh?! Pati yung pag-ibig na pinakita at pinaramdam mo sa akin malamang huwad, tama ba?!" Galit at walang tigil sa pagluhang tugon  nito at litanya ang mga masasakit na katanungan. "Yan ang wag mong pagdududahan dahil mahal talaga kita Regiena. Mahal na mahal kita. Naandito ako para sayo. Ikaw ang dahilan ng buhay ko sa lupa. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging tao at sinamahan mo ako para maramdaman ang mga bagay na dapat kong maramdaman bilang isang taong umiibig. Noong una misyon lang kita. Hanggang sa inibig at pinangarap na kita na magkasama tayo habang buhay bilang mga tao." Tinatangka niyang hawakan ito pero patuloy lang ito sa paglayo. Pumatak na rin ang kanyang mga luha habang napapaliwanag dito. Mabigat sa kanyang loob na maparatangan ng babaeng minamahal na huwad ang pag-ibig niya rito. "Kaya mo ba ako minahal dahil nakonsensya kang pinatay mo ako noong mga anghel palang tayo? O kaya mo ako pinatay dahil upang mahalin at pagtakpan ang kasalanan mo?" Suminghap ito habang nagpapahid ng luha kahit na patuloy pa rin naman iyon sa pagtulo. "Hindi kita pinatay!" Bulalas niya! "Sinungaling ka! Nakita ko Jelor! Pinakita sa akin ni Jecoba! Lahat ng ito kasinungalingan lang ba?!" Muling nagbalik ang nagngangalit nitong itsura. "Si Jecoba? Si Jecoba ang dahilan kung bakit mo alam na anghel tayo dati?" Tumango ito. "Siya ag pinakahuling nilalang na dapat mong pagkatiwalaan. Isa syang demonyo at ang nais niya lang ay sirain ang mga anghel at ang langit!" Tinuro siya nito. "Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan. Pinagkatiwalaan kasi kita eh. Higit pa don, minahal kita Jelor. Ang sakit pala. Ganito pala ang sakit kapag niloko ka ng taong mahal mo." Nanlulumo nitong pahayag na labis na dumurog sa kanyang puso. Pareho silang nasasaktan sa nangyayari. "Ang anghel na pinatay ng kapwa anghel ay magiging isang tao o fallen angel. Kumpara sa ibang mga anghel na naging tao ay mawawalan lang ito ng alaala sa bago nitong buhay pero pareho pa rin ng edad niya bilang anghe ang edad niya bilang tao. Iyon ang utos ng langit. Tao ka na. Para saan pa't malaman mo ang buhay mo bilang anghel? Tinanggal na nga sayo ang alaala kasabay sa pagkawala ng iyong pakpak. Tao ka na at bubuo ng mga bagong alaala bilang tao." Pilit nya itong pinaliwanagan. "Doon nagsimula na kunyari nobyo kita. Doon nagsimula na kunyari mahal mo ako. Paano mo nagawang mahalin ang anghel na pinatay mo?" Isang pang subok na hawakan niya ito. "Hindi kita pinatay Regiena." "Iba ang nakita ko Jelor! Iba! Paano mo maipapaliwanag yung kutsilyo na hawak mo habang pabagsak tayo?!" "Nabibigla ka lang sa ipinakita sayo ni Jecoba. Kumalma ka." Pakiusap niya. "Kakalma ko ng malayo sayo!" Saka ito nagtatakbo palabas ng bahay. Sinalubong nito ang malamig na hangin palabas. Sinundan niya ito at dumampi pa sa kanyang pisngi ang luhang tinangay ng hangin mula rito. Saan ako nagkamali? Bakit pinahintulutan ng langit na mangyari ito? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili. Wala siya sa sariling lumabas ng bahay. Mas mabilis sa kanya si Regiena habang palayo ito ay nawawala sa kanyang paningin. Ang sumunod niyang nalaman ay nakasubsob na siya sa lupa dahil sa isang malakas na suntok. "Tarantado ka! Nakita ko rin kayo putang ina mo! Nasan ang magaling mong nobya ha?" Pagtingala niya ay isang pamilyar na lalaki na labis ang galit ang makikita sa mga mata na labis na ang itim ng ilalim ng mga iyon. Payat na rin ang katawan nito at halatang napabayaan na kumpara noong huli silang nagkita. "Jomel?" "Ako nga gagu!" Agad nitong hinigit ang kwelyo ng kanyang damit. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya habang nararamdaman niya ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ilong at labi. Nalalasahan na niya iyon. "Dahil sa inyo nakulong ako?! Nagsimulang tugisin pati ang tatay ko. Naimbistigahan na ang lahat ng kalokohan namin. Ngayon nakakulong na rin siya. Hindi ako pwedeng mabulok don na hindi man lang nakakaganti sa inyo. Tumakas ako para patayin kayo." Ngumisi pa ito na parang isang demonyo. "Una, marahil hindi lang dahil sa amin kaya kayo nakulong. Pangalawa, masama kang tao kaya dapat ka lang na maparusahan. Pangatlo, wag mong kakantiin si Regiena." Buong tapang niyang tugon dito na walang ibang nasa isip kundi ang babaeng pinakamamahal. "Ayan ka na naman sa una-una, pangalawa-pangalawa mo gagu ka!" Nagtatalsikan na ang laway nito sa kanyang mukha. "Noong gabi lang na yon ako nahuli ng parak! Protektado ako ng tatay ko gagu! Kayo ang dahilan ng kamalasan namin! Sisiguraduhin kong pagsasawaan ko munang iyutin ang syota mo bago ko siya dahan-dahang papatayin!" "Ikaw ang gago!" Hindi na nya gusto ang mga narinig. Gumanti na siya ng suntok dito. "Wag na wag mong gagawin yon kay Regiena dahil ako muna ang makakaharap mo! Dadaan ka muna sa malamig kong bangkay!" "Bangkay ba kamo? Wag kang mag-alala. Gagawin kitang malamig na bangkay!" Nagpalitan sila ng suntok. Hanggang sa nakaramdam siya ng bagay na pumasok sa kanyang tagiliran. Pagtingin niya ay may kutsilyo na pala itong itinarak sa kanyang tagiliran. Hinugot nito iyon at saka dalawang beses na inulit na ipasok sa bahagi naman ng kanyang dibdib. Unti-unting nagdilim ang lahat. Si Regiena lang at ang magandang imahe nito ang nasa kanyang isipan bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang liwanag. ..... Isang putok ng baril na tila nanggaling sa direksyon ng kanilang bahay ang nagpahinto kay Regiena sa pagtakbo. "Jelor?!" Tila nahimasmasan siya ngunit saglit lang iyon. Sapagkat ang kaninang galit ay napalitan na ng takot. Naguguluhan siya. Bumabalik sa kanyang gunita si Jecoba, ang pagtatalo nila ni Jelor hanggang sa pag-uusap nila nina Rosa at Jecka. Dahil sa mas nangingibabaw na takot at kakaibang pakiramdam kaya pinili niyang bumalik sa kanilang tahanan. May mga ambulansyang paparating at nagkalat ang mga pulis. Humahangos na lumapit sa kanya si Rosa. "Pag-alis mo sa tindahan. Pagkatapos ibalita sa radyo. Nakita namin na naandito na nga sa lugar si Jomel. Nahuli lang ang mga pulis. Pero nakita namin kung pano ka ipinagtanggol ni Jelor. Nabaril ng pulis si Jomel. Si J-jelor naman ay nasaksak niya." Sambit nito habang nanginginig. Dagli namang bumalik ang luha sa kanyang mga mata habang walang tigil sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso. Parang binagsakan siya ng langit. Napakabigat ng pakiramdam. Mas mabigat pa sa himutok niya kanina. "Jelor!" Sigaw niya. Wala na siya sa sariling pinuntahan ang unang ambulansya. "Wala na. Patay na siya." Sambit ng isang nars sa loob. Pinasok niya iyon at binuksan ang takip na kumot ng nakahiga sa loob. Si Jomel iyon. Patay na ito. Tuluyan na itong pinarusahan ng langit dahil sa labis na kasamaan. Bumaba siya upang lumipat sa kabilang ambulansya na nagsisimula nang umandar. "Sandali lang sandali lang!" Nakasiwang pa ang pinto at buong lakas siya sumabit doon. Huminto naman ang sasakyan at hinayaan siyang makasakay bago muling umandar. Doon na niya nilabas ang lahat ng sakit. Pinagtutulungan ng lahat na mailigtas ang walang malay na si Jelor. Kahit gaano pa siya kagalit dito. Kahit na nagsinungaling man ito sa kanya. Hindi niya pa rin kakayaning makita ito sa ganoong sitwasyon lalo't higit ang mawala ito ng tuluyan sa kanyang piling. Sa huli ay mahal niya ito. "Mahal na mahal kita Jelor. Lumaban ka!" Nakipagsiksikan siya sa nars at doktor upang makaupo sa tabi nito at mahawakan man lang ang kamay. "Nandito na ako mahal ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD