Chapter 30 "Dalawampung taon na pala ang nakalipas? Ano sa tingin mo ang magaganap? Ano ang ipinakita ng itim na salamin kay Satanas at sa Mahiwagang Babaylan?" Sunud- sunod ang mga katanungan ni Regiena kay Alex habang matimtimang nakatitig sa pulang buwan. "Ang alam ko lang ay malagim. Nakakatakot. Magwawagi ang kasamaan sa kabutihan." Nangilabot siya sa tugon nito. "Bakit hinahayaan mo akong makausap ang Mahiwagang Babaylan? Ninyo nila Angela. Sa tingin ko ay mas kailangan niyong makausap ang Mahiwagang Babaylan." Saka niya napagtanto. "Sa tingin ko ay mabubuti kayong mga nilalang. Napakarami ninyong nalalaman sa mga demonyo. Kinakalaban niyo sila. Hindi ba't dapat niyong unahin na makausap ang Mahiwagang Babaylan? Hindi ako." Tumingin ito sa kanya saka bumuntong- hininga. "May k

