Chapter Six

1874 Words
Chapter Six Humiwalay si Jelor sa pagkakayakap kay Regiena. "Mga bwisit! Pera na nawala pa! Ngayon alam mong may boyfriend ka naman pala Regiena. Pwede ka ng umalis. Hindi man lang kasi kita mapapakinabangan eh. Para saan pa't palalamunin kita. Tsaka si Jomel yun uy! Mabuting umalis na kayo rito bago pa kung ano ang magawa sa inyo non! Hindi basta-basta nagpapatalo ang hayup nay un!" Dire-diretsong sama ng loob ni Jecka ang ipinarating nito pagpasok sa loob. Kinuha naman ni Regiena ang kamay ng babae. "Maraming salamat sa tulong mo sa akin Jecka. Tatanawin ko iyong malaking utang na loob." Nakita naman niya ang kakaibang ngiti kay Jecka. Kahit na gaano pa man ito kasama ay alam niyang may kabutihan pa rin sa loob nito. Siya nalang ang nakakalaam na dating anghel de la guardia ng babae si Regiena. "Maraming salamat sa pag-aalaga kahit sandali sa girlfriend ko. Sana ay hindi mo na uliting mambugaw ng iba. Lalo't higit ikaw, wag mo nang ibenta ang iyong katawan. May isang tao ka lang na dapat paglaanan niyan. Buksan mo lang ang iyong mga mata. Mamahalin ka niya. Alam kong gagawin niya ang lahat maihangon ka lang dito. May pag-asa pa." Pinaghalong pangangaral, payo at pasaring na rin ang ginawa ni Jelor. Hindi naman na nakaimik pa si Jecka. Saka niya hinarap ang kapapasok lang din na si Roland pero mukhang narinig ang mga sinabi niya dahil nag-aabang lang ito. "Ikaw naman Roland. Alam mo na ang gagawin bilang lalaki. Wag kang magbabago sa ate mo at sa babaeng mahal mo. Ipaglaban mo sila at hanguin sa lugar na ito. Alam kong gagabayan ka ng langit." Saad niya sa lalaki. "S-salamat kuya." Tila nahiya naman si Roland dahil napayuko ito. Nilingon pa naman ito Jecka na parang nahihiya rin na hindi karaniwan dito. "Aalis na kami. Tara na Regiena." Inalok niya rito ang kaliwang palad. Marahan naman nitong kinuha iyon. Sa muling pagtatama ng kanilang mga mata at pagsasama ng kanilang mga balat ay may kung anong enerhiya ang dumaloy sa kanya. Enerhiyang marahil mga tao lamang ang nakadadama. Nagdulot iyon para puminta ang ngiti sa kanyang mga labi. Napangiti niya rin naman ang babae. "Ingat kuya!" Pagpapaalam pa ni Roland habang palabas sila. "Hoy Roland ano yun ha? Umamin ka nga sa akin!" Narinig nyang pagkompronta ni Jecka sa lalaki ng makalabas sila. Ang hiling niya lang ay maayos na ang buhay nila Jecka at Roland tulad ng plano nila noong mga anghel pa sila. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Regiena. "S-sa atin." Nauutal niyang tugon. Ang totoo'y hindi niya alam kung saan sila pupunta. Wala siyang alam na pwede nilang matirahan. Napagtanto niyang mali yata ang desisyon niya. Gabi na. Dapat sana'y nakituloy muna sila kina Rosa. "Gusto kong malaman ang lahat sa akin. Alam kong dapat kitang pagkatiwalaan kahit na meron akong mga alinlangan." Wala na itong alam sa nakaraan nito. Hindi na niya pwedeng sabihing fallen angel ito at ang dati nitong katauhan. Hindi kasinungalingan para sa kanya na bumuo na lamang siya ng mga kwento na pwedeng sabihing dating buhay ni Regiena bilang isa ng tao. Para hindi na rin ito maguluhan. "Oo naman. Sasabihin ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Nagka-amnesia ka kasi. Wala ka talagang matandaan sa iyong nakaraan. Ganon ang sakit na yon." Patuloy lang sila sa paglakad. Bigla naman nitong binawi ang kamay sa pagkakahawak niya. "Sinungaling ka. Nagsisinungaling ka." Sambit nito. Pumatak din ang mga luha sa mga mata ng babae. Naguguluhan siya sa reaksyon nito. Paano nito nalaman na nagsisinungaling siya? "Yan pre. Yan ang gagong sumapak sa akin! Hindi yata kilala kung sino ako!" Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng pamilyar na boses ng lalaki. Paparating sa kanilang direksyon sina Jomel at lima pang mga kalalakihan na handang makipagbasag-ulo. Tila siya ang punterya. Agad niyang pinunasana ang luha sa mga mata ni Regiena. "Tumabi ka na muna. Poprotektahan kita kahit na anong mangyari. Tandaan mo yan. Ikaw ang misyon ko." Sinserong sambit niya rito. Tumabi naman ito at hinarap niya ang mga lalaki. "Akala mo ba ganon nalang yon?" Nanggagalaiting sambit ni Jomel habang sinusuntok ang palad. "Patay ka sa amin ngayon tukmol ka!" "Duwag ka pala talaga. Kailangan mo pa talagang tumawag ng tropa? Sa atin lang dapat to di ba?" Pabalang nyang sagot. Sa tagal na niyang anghel de la guardia ay alam na niya ang maraming bagay sa daigdig. Kabisado na niya ang hilatsa ng mga katulad ni Jomel. "Oo nga. Pero ayoko eh para siguradong mapasakin si Regiena angel ko. Para matikman ko na siya." Nagpantig ang kanyang tainga sa narinig. "Una, hindi siya pagkain. Pangalawa, nobyo na niya ako." "Alam na! Buburahin ka nalang namin para una makain ko na siya. Pangalawa, maging ako na ang syota niya." Pang-aasar pa nito na labis niyang hindi nagustuhan. Saka siya pinalibutan ng mga tropa nito. Umaatikabong basagan ng bungo ang sumunod na naganap. Isa-isa niyang napatumba ang mga ito. Pero pinagkaisahan pa rin siya. Hinawakan siya sa magkabilang braso saka pinagbubugbog. "Papatayin kita!" "Duwag!" Kahit bugbog-sarado na ay naandoon pa rin ang tapang kay Jelor. "Jelor!" Dinig niyang sigaw ni Regiena sa kanyang ngalan. "Tumakbo ka na! U-umalis ka na!" Buong lakas niyang tugon dito ng pasigaw habang kaliwa't kanan ang sumusuntok sa kanya. Nagkalat na ang dugo sa kanyang mukha. ..... Hindi makapagpigil na mapangiti ni Regiena dahil kay Jelor, ang kanyang nagpakilalang nobyo. Sa sandaling naghawak ang kanilang mga kamay ay alam niyang protektado siya. May kung anong nagsiliparan sa kanyang tiyan. Ngiti palang nito. Isama pa ang kabayanihan nito para sa kanya. Hindi mahirap kumbinsihin ang kanyang sarili na nobyo niya na ito dahil pakiramdam niya ay madali siyang mahuhulog dito. Kung magkataon ay ang tanging lalaking paglalaanan niya ng kanyang katawan lalo't higit ng kanyang puso. Kasamang bubuo ng mga bagong alaala at ipapalit sa mga hindi na niya matandaan. "Gusto kong malaman ang lahat sa akin. Alam kong dapat kitang pagkatiwalaan kahit na meron akong mga alinlangan." Tanong niya rito. Iyon ang sa tingin niya’y magpapawala sa kanyang mga pag-aalinlangan. Dapat ay alam nitong anghel siya. O kaya naman ay dapat ay masabi nito ang tunay nyang pagkatao. "Oo naman. Sasabihin ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Nagka-amnesia ka kasi. Wala ka talagang matandaan sa iyong nakaraan. Ganon ang sakit na yon." Tugon nito na nagpabigat sa kanyang dibdib. Binawi niya ang kanyang kamay dito. "Sinungaling ka. Nagsisinungaling ka." Saka pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Kahit puno na ng luha ang kanyang mga mata ay napansin pa rin niya ang pagtataka sa mga mata nito dahil marahil sa kanyang naging reaksyon. Dumating naman sina Jomel na tila gaganti kay Jelor. Kasama nito ang ilan pang kalalakihan na sa hilatsa palang ng mga mukha ay hindi na gagawa ng mabuti. "Tumabi ka na muna. Poprotektahan kita kahit na anong mangyari. Tandaan mo yan. Ikaw ang misyon ko." Sinunod niya ito at pinatunayan ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. Kitang-kita niya kung paano ito pagtulungan. Handa nitong ibigay ang buhay para sa kanya. "Paano kung nagsasabi siya ng totoo? Baka hindi naman ako anghel. Siya yung taong dapat kong pagkatiwalaan. Hindi ko lang yan nararamdaman. Pinapatunayan niya pa. Sino ba naman kasi ang Jecoba Rubia na iyon? Baka namalik-mata lang ako. Totoo ba yon?" Naguguluhan na siya lalo pa't siya ang nasasaktan sa bawat suntok na tinatamo ni Jelor. "Regiena Nicolle!" Muling lumitaw si Jecoba ngunit tila siya lamang ang nakakakita rito. Nang lingunin niya kasi ang mga lalaking bumubugbog kay Jelor ay nagpapatuloy lamang ang mga ito sa pagbugbog dito. Kahit gaano pa kaliwanag ang anghel ay hindi nila ito napansin. "Nagsisinungaling ka. Bakit ba kita nakikita? Hindi ako anghel. Tao ako. Ang lalaking yon ang nobyo ko." Bulalas niya. "Paniwalaan mo ang nais mong paniwalaan. Paniwalaan mo siya. Basta ako babalik ako sa tamang panahon kapag nakuha ko na ang magpapabalik sa iyong alaala. Payo lang, kahit hindi ka na pumatol pa sa ibang mga lalaki. Sapat ng punuin mo ng kahalayan ang utak ng lalaking yon. Sapat na kasalanan na yon at kabayaran para maging epektibo ang pagbabalik ng iyong alaala. Bwahahahaha!" Bigla itong naglaho. Sa lahat ng mga anghel ay ito ang may kakaibang tawa. Tawa ng isang demonyo. Pagbalik niya sa atensyon kina Jelor ay nanghihina na ito ng lubusan. "Jelor!" Sigaw niya. "Tumakbo ka na! U-umalis ka na!" Nakuha pa nitong sumigaw para palayuin siya. Hindi na niya mapigilan pa ang pagpatak ng kanyang mga luha. Lubos na awa ang kanyang nadarama. Nagdadalawang isip siya kung aalis ba siya at iiwan ito. "Walang kikilos ng masama! Arestado kayo sa kasong panggugulo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot!" Bigla namang dumating ang mga pulis. Nagtangka pa sanang tumakas sina Jomel pero sila naman ang napapaligiran ng mga pulis. Dinakip ang mga ito. Dagli naman siyang tumakbo papunta kay Jelor. "Jelor! Jelor gumising ka!" Wala siyang pakialam sa dugo. Hindi ito pwedeng mawala sa kanya. Hindi lang para sa kanyang mga alaala pero dahil ayaw niyang may mangyaring masama rito. Ipinagtanggol siya nito. Hindi nito alintana kung ilan o gaano kalakas ang mga kalaban basta maipagtanggol lang siya. "B-buhay pa ako. Aalagaan pa kita." Napangiti siya habang patuloy sa pagluha. Kahit sugatan na ito ay iyon pa rin ang bukang-bibig ng lalaki. "Tara na't dalin natin siya sa bahay." Isang babaeng nakasuot ng maluwag na t-shirt na panlalaki ang dumating. Kasama ng babae sina Jecka at Roland. "Ako si Rosa. Kapatid ni Roland at kaibigan ni Jelor. Doon na muna natin siya dalin sa amin. Doon na natin siya gamutin." ..... Nang nasa bahay na nila Rosa ay ang babae na ang gumamot sa mga sugat nito. May malay na rin si Jelor. Hindi naman mapakali si Regiena. Nagpapasalamat naman siya sa ginawang pagtulong at pagsalba sa kanila ni Rosa pero may iba siyang nararamdaman sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang dalawa. "Ang tatag mo naman sa bugbog. Akalain mo hindi ka pa rin napuruhan." Si Rosa kay Jelor. "Ako pa ba?" pabirong tugon ng lalaki. "Hahaha! Ikaw na!" Pinagmamasdan niya ang pagbibiruan ng dalawa. Naiinis siya habang pinapanuod ang mga ito. Nagseselos siya. Oo. Gusto niyang siya ang gumamot dito. "Sinundan ko kayo ni Roland kanina. Doon na ako kinutuban. Si Jomel yon eh. Kaya ayun sinundan kita. Pagkakita ko palapit na sila sayo. Tumawag na agad ako sa pulis. Sakto naman, may operasyon sila talaga dito at sila Jomel ang target. Kalaban na pulis sa kabilang distrito ng tatay ni Jomel ang mga pumunta rito. Sana talaga mabulok na sa kulungan ang mga yon. Pero if ever na makalabas ang mga yon dapat makaalis na kami dito baka gumanti pa yon. Malaki ang chance na mangyari yon at matinding gulo yon kapag nagkataon." "Una sa lahat maraming salamat Rosa. Umalis na rin kayo sa lugar na ito. Magsimula na kayo ng bagong buhay." Lalo pa siyang nagselos sa mas malalim na pag-uusap ng dalawa. Minabuti niyang lumabas nalang ng bahay. Nang gabi ring iyon ay sina Regiena, Jelor at Roland lang ang naiwan sa bahay nila Rosa. Si Rosa ay may inangkat na bagong produkto sa Las Pinas. Doble kayod na talaga ang babae. Sa lugar ding iyon nito balak lumipat ng tirahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD