Chapter 32 "Tatanungin ko na siya tapos kapag nakuha ko na ang lahat ng sagot. Pagtalikod ko ay buburahin niya ang alaala ko at may chance pa akong mamatay? Tama ba?" Pag- uulit ni Regiena sa mga ipinaliwanag ni Angela sa huli niyang dapat paghandaan. "Tama Regiena. Hindi niya hahayaang may makaalis na nalaman ang lahat. Dahil sa mga nangyari sa buhay niya noon ay naging malupit na ang Mahiwagang Babaylan. Siya lang ang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa mundo, sa impyerno, purgatoryo at langit. Isa na itong babala Regiena. Alam kong kailangan namin ng tulong ng isang mortal ngayon ngunit bibigyan pa kita ng pagkakataon upang umatras." Matimang nakatitig sa kanya si Angela. Napalunok siya. Tumulo ang malamig na pawis mula sa kanyang noo. "Itutuloy ko ito. This is our only shot. My onl

