Chapter Four

2181 Words
Chapter Four "Makakarami na naman ako sayo Jecka." "Tang na dalian mo nalang para matapos na to at mabayaran mo ako." Ang sumunod ay mga impit na ungol ang narinig ni Regiena. Sinilip nya ang pinakaloob ng bahay na napasok niya. Napatakip siya ng bibig at saka dumagundong ang kanyang dibdib sa kanyang nakita. Isang matandang lalaki ang nakaibabaw sa isang may kabataan pang babae kung kanyang susuriin ang edad nito. Ligtas na siya sa mga lasing na humahabol sa kanya. Sumandal nalang siya sa pader saka tinakpan ang kanyang mga tainga. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Lalabas siya kapag sumikat na ang araw. Sa ngayon ay titiisin na muna nya ang kaganapan sa loob. "Oh ayan ang bayad ko. Doble na yan sa dati ah!" "Umalis ka nalang!" "Wala man lang bang kiss?" "Kiss-kiss-in mo mukha mo kagawad." Narinig niyang nagtatalo na ang dalawa. Nakita nyang dire-diretsong lumabas ang lalaki na hindi siya napapansin. "Napuyat na naman ako. Madaling araw na may kliyente pa. Nakakainis! Pero mabuti nalang at doble ang binayad sa akin." Saka lumabas ang babae sa loob ng kwarto nito. Nakatayo ito sa gilid niya. Ngumiti siya upang ihanda ang sarili kapag nakita siya nito. Dahan-dahan nga itong lumingon sa kanya at napasigaw. "Aaaaaaahhhhh!" "Pssssh... wag kang maingay. Hindi ako masamang nilalang. May tinataguan lang akong masasamang loob." Bulong niya rito. Tinangka pa niyang hawakan ang mga kamay nito ngunit umiwas ito at pumasok pa sa kwarto. Sinundan naman niya ito. "Wag kang lalapit! Sisigaw ako. Hinahabol ka kamo ng mga masasamang loob? Wag mo akong lolokohin uy! Lahat ng tao dito ay halang ang bituka! Normal nalang yon!" "Wag kang sisigaw parang awa mo na. Malalaman nilang nandito ako. Wala akong alam rito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Hindi ko alam ang pangalan ko. Wala akong alam sa pagkatao ko." Pakiusap niya rito. Halos maluha na siya. Sumasakit na ang kanyang ulo sa paghalungkat sa mga pwede niyang maalala. "Alam mo mukhang alam ko na kung saan ka nanggaling?" humalukipkip ito. "Saan?!" sabik niyang tanong. "Sa mental hospital! Tumakas ka no?" bulalas nito. "M-mental hospital? Ano yon?" Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito. "Ewan ko sayo." Saka na ito lumapit sa kanya. Pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. "Alam mo mukha ka namang mapagkakatiwalaan. Baka may amnesia ka lang." "A-amnesia?" "Nuh ba yan! Lahat nalang di alam! Amnesia yung wala kang matandaan." Iritableng tugon nito. Wala siyang ideya sa mga sinasabi nito. "Ganon ba? Paano na ako ngayon?" Tanong niya rito. Hindi niya alam ang gagawin. "Pwede namang dito ka nalang muna sa akin. Matutulungan kita. Napakaganda mo kaya. Ang amo ng mukha mo." Hinagod nito ang kanyang pisngi. "Matutulungan mo ako para kumita. Makipag-cooperate ka lang." Saka ito ngumisi. "Lahat gagawin ko basta tulungan mo lang ako." "Okay sige. Mamimili lang ako ng pagkain. Tapos pwede kang manuod ng tv maghapon. Kung minsan kasi tanghali palang may kliyente na ako. Kadalasan naman kasi sa ibang lugar kami. Iyong kanina eh may asawa lang yon kaya dito kami sa amin." "Ano ba ang trabaho mo?" Bigla niyang naitanong dito. "Hahahaha!" Humagalpak naman ito sa tawa. "Puta. Nagbebenta ako ng laman, ng ligaya, ng sarap. Soon tutulungan mo ako te ah." "Ha?" tila may mali sa mga sinabi nito. "Basta sabi mo gagawin mo lahat. Pero wag mo na munang intindihin yon. Magpahinga ka lang. Tsaka magpalit ka nga ng damit. Tingnan mo yang suot mo. All white lakas maka-carnival te? Model ka ba ng ariel o ng tide? Gusto mo rin mag-ayos ka ng bahay. Chillax lang te. Teka nga." Nagkamot ito ng ulo. "Ano bang itatawag ko sayo." "Wala. Hindi ko alam ang pangalan ko." "Eh kung wala nalang. Ay hindi, Wela nalang. Wela na muna ang pangalan mo. Okay ba yon Wela? Ako naman si Jecka." "Salamat Jecka. Sige Wela na muna ang pangalan ko." ..... Maghapong sinubukan ni Regiena na isipin kung sino siya at kung saan siya nanggaling. Ngunit kahit isang alaala ay walang pumasok sa kanyang gunita. Nag-iwan ng pagkain si Jecka para sa kanya. Nakapag-ayos na rin siya ng mga gamit nito. Napakialaman na rin niya ang tv at nakapanuod siya. Sisilim na ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. Nahiga na muna siya. Napabangon siya ng magliwanag ang buong kwarto. Isang babae na nagliliwanag at napakaganda nito ang lumitaw. "S-sino ka? A-ano ka?" Bulalas niya. "Huminahon ka Regiena. Ako'y isang kaibigan." Malambing na tugon nito. "Regiena?" "Oo. Regiena Nicolle ang iyong pangalan." "Kung gayon ay kilala mo ako. Sabihin mo sa akin kung sino ako at saan ako nanggaling. Bakit ako nandito?" Gusto niyang malaman ang lahat. "Maupo ka na muna. Kumalma ka." Sinunod naman niya ang utos nito. "Isa kang anghel Regiena. Dating anghel ngunit ngayon ay fallen angel ka na. Pinatay ka kasi ng isa pang anghel." "A-anghel?" Pagtataka niya. "Oo!" Saka lumitaw ang puting pakpak ng babae. Namangha siya sa kanyang nakita."Tulad ko ay may pakpak ka rin noon. Ngunit ngayon ay tao ka na. Pero alam kong may pagdududa pa rin sa iyong isipan. Kapag pinatay ang isang anghel ay mabubuhay siya bilang isang tao kung ano ang edad niya bilang anghel. Ngunit mawawalan siya ng alaala. Alam ko kung paano mababalik ang alaala mo." Isang importanteng bagay ang sinambit nito na lalong nagpatuon sa kanyang atensyon. "Maniniwala lang ako kapag bumalik na ang mga alaala ko. Kaya sabihin mo kung paano iyon babalik?" "Simple lang. Tumulad ka kay Jecka. Maging babaeng bayaran ka. Ibigay mo ang iyong katawan sa kahit na sinong lalaki. Sa ika-tatlumpung araw ay babalik na ang iyong alaala." Pag-udyok nito. Matamis ang ngiti nito. Makahulugan. "Ano ka mo? M-masama ang ginagawa niya. Gusto ko siyang tulungan. Pero hindi ko yata ang mga ginagawa niya." Pagtanggi niya. "Pinagbabawal na maibalik ang alaala ng isang anghel na naging tao. Bawal yon kaya sa bawal na paraan mo lang iyon mababalik. Hindi naman kita pipilitin na gawin mo iyon. Nag-aalala lang ako sayo dahil magkaibigan talaga tayo noon pa man. Natatakot lang akong baka pati rito sa lupa ay patayin ka." "A-ano? Sino ang papatay sa akin dito?" Nakaramdam siya ng takot at pangamba. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Gagawing fallen angel ang anghel na gumawa sayo niyan. Sigurado iyon bilang kaparusahan sa kanya. Susundan ka niya upang patayin." "Sino siya?! Kung magiging fallen angel siya dapat wala rin siyang maaalala hindi ba?" bulala niya. "May mga espesyal na mga anghel Regiena. Hayaan mong bumalik ang iyong alaala. Makikilala mo rin siya. Ikaw ang bahala. Desisyon mo na iyan. Pag-isipan mong mabuti." Lumapit pa ito sa kanya. "Wag na wag mong sasabihin ang mga sinabi ko sayo. Hindi kita pwedeng tulungan pero ginagawa ko pa rin. Maging ako ay mapaparusahan kapag may nakaalam nito. At sino ba naman ang maniniwala sayo na nakakita ka ng anghel at isa kang dating anghel. Baliw ang magiging tingin nila sa iyo. Paalam na muna Regiena. Nawa'y maisip mo ang tamang desisyon." Saka siya nito tinalikuran. "Sandali lang!" Pagpigil niya rito. Lumingon naman ito. "Ano ang pangalan mo?" "Ako si Jecoba Rubia. Ang iyong matalik na kaibigan. Jessica nalang ang itawag mo sa akin. Paalam Regiena." Binigyan lang siya nito ng ngiti at maninang kinampay ang mga pakpak saka tuluyang naglaho. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Hindi sya nananaginip. Totoo ang lahat ng mga nakita niya. Totoo ang mga pangyayaring iyon. Ngayon ang kailangan nya ay magdesisyon. "Wela? Wela?" Inayos niya ang kanyang sarili dahil dumating na si Jecka. "Jecka." Sagot niya rito. May kasama itong lalaki na moreno at maamo ang mukha. "Si Roland nga pala kaibigan ko. Roland siya si Wela yung babaeng sinasabi ko sayo na walang matandaan." Tiningnan naman siya ng lalaki. "Safe ka ba sa kanya?" Tanong ng lalaki. "Mala-anghel oh! Syempre safe!" agad na tugon ni Jecka. "Naaalala ko na ang pangalan ko. Regiena ang pangalan ko." Pagtatapat niya sa mga ito ngunit nilihim pa rin niya kung paano niya nalaman ang kanyang tunay na pangalan. "Talaga ba? Regiena? Eh yung iba pa sa buhay mo? May naaalala ka na ba? Anak ka ba ng mayamang tao? Kapatid ka ba ng artisa? Tapos naligaw ka, may nangyaring masama, naaksidente, nagka-amnesia? Ganon ba?" Tila mas sabik pa sa kanya si Jecka na malaman ang lahat ng tungkol sa kanyang pagkatao. "Iyon lang ang matandaan ko." Napayuko nalang siya. "Anak ng... akala ko pa naman. Pero alam mo kung ako ang nasa lugar mo. Lahat ng pwedeng paraan para bumalik ang alaala ko ay gagawin ko. Ako yun eh. Parang hindi ako mabubuo kung wala yon. Pero syempre alangan naman na iuntog mo ang ulo mo dyan! Kaya habang nandito ka sa akin. Tulungan mo nalang ako di ba?" "Ah o-oo." Hindi na naman siya nakahindi rito. Pero napaisip din siya sa sinabi nito. May anghel na nagpakita sa kanya. Nagsabi iyon ng paraan upang bumalik ang kanyang mga alaala. Kung iyon nalang talaga ang paraan ay tatanggi pa ba siya? Isa pa wala siyang alam sa mundong ito. Kailangan niyang makipagtulungan. ..... "Nandito na tayo sa lupa Jelor. Handa ka na ba talaga?" Paniniguro ni Omar sa kanya. Tiningnan niya ito saka niya nakita ang lungkot din sa mga mata nito. "Handa na ako Omar. Tatanggapin ko ang kaparusahan ng langit." "Kung gayon ay tumalikod ka na. Bubunutin ko na ang iyong mga pakpak." Sinunod naman niya ang sinabi nito. Naramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang pakpak. "Mag-iingat ka parati sa lupa Jelor. Nawa'y madala mo ang iyong kabutihan kahit na ikaw ay maging tao na." "Maraming salamat Omar. Gawin mo na ang dapat mong gawin." "Oo." Napalunok siya at nakaramdam ng kaba. Humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga pakpak. Hanggang sa padiin ng padiin. "Aaaaaaaahhhhhh!" Nabunot na nito ang kanyang mga pakpak. Tuluyan na siyang magiging tao. Makakalimutan na niya ang kanyang dating buhay. Isang lugar na marumi, mabaho at pugad ng kasamaan ang kanyang tinutuntungan. Madaling araw kaya hindi ganon kadami ang mga tao. Ayaw pa sana niyang maglakad. Naguguluhan siya. Sumasakit ang kanyang ulo. Maraming pumapasok sa kanyang isipan. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mga lasing na tila may binabastos na babae. Sinundan niya ang direksyon ng mga boses upang ipagtanggol sana ang babae. "Teka saan ka pupunta?" Ngunit isang babae mula sa mga eskenita ang humarang sa kanya. "Bigyan mo ako ng daan. May narinig akong mga lasing. Mukhang may babastusin silang mga babae. Kailangan kong iligtas ang babae. Kung alam lang ni Jelor, si Regiena ang babaeng iyon. "Alam mo baka pagkamalan ka lang nila na siraulo. Tingnan mo nga yang suot mo. Gwapo ka nga. Macho. Mukhang anghel at maamo. Pero mukha ka ring tanga. Galing lang sa costume party? Magiging ayos yung babae. Hayaan mo na yun. Mukhang ikaw ang wala sa ayos eh." Wala na siyang nagawa nang hilain siya ng babae papasok sa bahay nito. Nagpalit siya ng suot na damit na akma sa mga tao. Halos silipan naman siya ng babaeng nagpatuloy sa kanya. "Grabe naman ang alaga mo. Masyadong malaki. Pwede bang maging asawa nalang kita? No boyfriend since birth kasi ako. Nagtitinda ako dito sa wet market sa squatter. Nagsusumikap ako para mapatapos ang kapatid kong lalaki. Kaga-graduate niya nga lang eh ng two-year course. Sana maialis na niya ako sa lugar na ito tulad ng pangarap ng mga magulang ko noong bago sila mabaril sa raid na naganap dito sa lugar namin tatlong taon na ang nakararaan. Mga hayup kasi ang mga tao rito. Pero yung kapatid ko mukhang sa puta pa mahuhumaling. Sorry. Andami kong sinabi." Pinakinggan niya ang litanya nito. "Tama lang na nagsumikap ka. Matutupad mo ang inyong mga pangarap basta kabutihan ang manaig sa inyong mga puso. Gumawa kayo ng tama. Makikita Niya ang lahat ng iyan." Payo niya rito. Tumayo ito at pumalakpak. "Taray! Pari pa yata ang bisita ko ah!" "Hindi naman pero iyon ang katotohanan." "Ate naman. Ang aga pero ang ingay mo." May isang lalaking bagong gising na nagkakamot pa ng ulo. "Oh sino to? May boyfriend ka na ba ate?" "Roland." Sambit ni Jelor. "Kilala niya ako?" tanong ng lalaki. "Kilala mo ang kapatid ko?" "Ah hindi. Nabanggit mo lang ang pangalan niya kanina." Mabilis niyang tugon. "Talaga ba? Nabanggit ko na ba ang pangalan niya? Siya nga pala ako si Rosa Bella." "Hindi mo siya kilala ate?" "Hindi. Nakita ko siya paglabas ko para umigib sana. Eh nakakaloka ang suot. Alam mo naman ako matulungin. Pero plus factor na gwapo siya kaya kahit hindi sya nagsabi tinulungan ko siya." Napalingon siya sa isang basag na salamin. Nakita niya ang kanyang sarili. Kadalasan ay hindi nila iyon ginagawa noong anghel pa siya. Matangkad siya. Maganda ang katawan. Matangos ang ilong at may nangungusap na mga mata. Ngunit hindi mahalaga para sa kanya ang mga iyon. "Teka nga. Ikaw ano'ng pangalan mo? Bakit naka-costume ka kanina?" tanong ni Rosa. "Jelor. Jelor ang pangalan ko." Author's Note: Pareho na silang nasa lupa.... Gusto ko sanang malaman ang kung ano na ang nabubuo sa inyong mga isipan na pwedeng mangyari? :) 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD