bc

A New Beginning with a Heartless Ex

book_age4+
3.8K
FOLLOW
37.8K
READ
second chance
goodgirl
boss
hollywood
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Iniwan ni Rea ang karangyaan para sa lalaking minamahal, ngunit nauwi lamang ito sa pasakit at kabiguan. Sa nagdaang panahon ay kinalimutan niya ang nakaraan at nagsimulang mag-isa, ngunit muling magbabalik ang taong pilit niyang kinalimutan at muling guguluhin ang bagong buhay na nasimulan. Sa pagbabalik nito sa buhay niya ay mauulit lamang ang nakaraan ngunit sa ibang anggulo siya nakalugar…

chap-preview
Free preview
Chapter 1 The Begin
Chapter 1 The Begin Aurea Shin Valdez's POV "GOOD morning Sir," pagbati ko sa lalaking kaharap ko. “Miss, can I get a room for my family?" sabi ng may edad na ama sa pamilya matapos akong tanguhan pangbati pabalik. “Yes Sir, of course," tugon ko nang may ngiti. Binigay ko ang lahat ng kailangan nila para makakuha ng room para sa pamilya nila dito sa Alvarez Hotel. Receptionist ako dito sa hotel na 'to, at bilang receptionist ay ako ang nandito sa counter para salubungin at ayusin ang requirements for check-in. “Wait Miss, parang kilala kita?" Saglit akong napahinto sa ginagawa kong pagta-type para sa reservation nang biglang nagsalita uli ang mister. Yumuko ako nang kaunti para matakpan kahit papaano ang mukha ko at hindi niya makita ang kabuoan niyon. 'Yan ang mahirap sa trabaho ko. Receptionist ako kaya ako ang sumasalubong sa mga taong pumapasok dito,  malamang marami ang mga taong pwedeng makakilala sa 'kin dahil karamihan ng nag-che-check-in dito sa hotel ay puro mayayaman at negosiyante. Muli ulit nagsalita ang mister. Oh God... “Teka, hindi ako sure pero parang ikaw 'yong nag-iisang babaeng apo ng Valdez, tama ba?" bahagyyang akayuko pa rin ako habang nakapikit at nakakagat-labi. Muli akong nag-angat ng noo dahil baka sabihin nila ay wala akong manners. Tangkang tatanggi na 'ko pero naunahan ako ng asawa ng mister. “No, Hon, mayaman 'yon, kung siya talaga ang nag-iisang babaeng apo ng Valdez, well, hindi dapat siya magiging kasing baba lang ng receptionist," ang asawa ni Sir na tiningnan pa 'ko mula sa taas pababa  na akala mo ay sinusuri niya kung mukha ba 'kong tao. Aba teka nga lang ha, alam kong hindi pangmayaman na trabaho 'tong napasukan ko, pero marangal to 'no, baka nga mas marangal pa 'to kaysa sa trabaho nito na pwedeng may naargabyado na bilang negosyente. Pero kami, ito nagtatrabaho nang marangal at maayos nang walang inaabuso tsk. Kung p'wede lang sabihin 'yon. Pasalamat siya dahil mahal ko ang trabaho ko, kung hindi naku, mababastos 'to sa 'kin. “Pero kasi kamukha niya talaga," si Sir uli. Umiling ako, “Hindi po ako Valdez, Sir." Nag 'Aaah' na lang siya sa sinabi ko pero mukhang hindi naniniwala? Aba mukha ba 'kong nag-sisinungaling? Sabagay sinungaling nga naman ako nang sabihin kong hindi ako Valdez dahil ako si Aurea Shin Valdez, ang 22 years old na apo ng Valdez, na matagal na ring hindi nagpapakita. Napatingin kami pare-pareho sa cellphone ni Sir nang nag-ring 'yon at do'n na nalaan ang atensyon nito at mukhang dahil do'n ay umalis na 'yong mag-asawa pati na rin ang mga anak ata nila, dala ang mga gamit at susi, hinatid na sila ng isa pang staff ng hotel sa room nila. Pinuno ko na lang ng hangin ang bibig ko. “Oy Shin, muntik ka nanaman do'n ah," si Belle na kaibigan at katrabaho ko na taga-kusina naman talaga pero dito ang tambayan kapag 'di pa oras ng trabaho niya. “Oo nga, pero sanay na naman ako..." saad ko naman sa sinabi ni Belle. Siya lang ang nakakaalam ng totoo kong pagkatao, Best friend ko 'yan, e. Totoo ang pagkakakilala sa 'kin ng mister kanina, ako nga ang nag-iisang apo na babae ng Valdez family, Isa sa mga kilalang mayaman na pamilya dito sa Pilipinas. Ang lolo ko rin ang isa sa kilalang pinakamagaling na negosiyante dito passed years. Maraming negosyo ang pamilya 'ko, lahat sila sikat, kaya nga hindi na ako nagtataka kung lahat ng sasalubungin kong tao bilang receptionist ay makikilala ako. At kung bakit ako naging receptionist ng isang Hotel? Uhm let say na ... Na-in-love ako sa isang frog na inakala kong prince frog, pero hindi pala, dahil kahit ano'ng gawin ko ay isa pa rin siyang palaka! Dahil ang isang magandang prinsesang kagaya ko ay hindi pwedeng ma-in-love sa palaka, pinalayas ako ng lolo ko. Naintindihan n'yo ba? “Bakit hindi ka na lang kasi bumalik sa pamilya mo, tutal tapos na naman kayo ni Ja-" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang pahintuin ko siya, “Oh please 'wag mo nang banggitin ang pangalan niya, please lang." “Grabe, ganiyan mo ka-hate 'yang ex mo?" natatawang komento ni Belle habang inaayos 'yong mga papers na hindi niya naman trabaho bilang chef. Ganiyan ako kamahal ni Belle, pati trabaho ko ginagawa. “I know what's your thinking, inutusan lang po ako ni Sir Ken saglit na kunin 'tong iniwan niyang folder sa 'yo na list ng mga putaheng pinapaluto, okay?" biglang sabi ni Belle habang nakatingin sa 'kin nang masama. Ngumuso naman ako nang parang bata. “Akala ko pa naman mahal mo 'ko." “Heh asa ka! Diyan ka na nga." Sabi niya habang hawak na 'yong mga papel. Napailing na lang siya at umalis na, pero bago siya makalayo nilingon niya muna 'ko at sumigaw. “I love you Aurea Shin Valde-" Bago pa niya matapos 'yong sasabihin niya ay sineniyasan ko na siya na 'wag siyang maingay, saka ako lumingon-lingon para tingnan kung may nakarinig. Nakahinga lang ako nang maluwang nang makita kong wala naman pumansin. Inambaan ko ng batok si Belle kahit malayo, pero binelatan niya lang ako at tinawanan. Hindi ko pinapaalam sa iba na Valdez ako, at iba ang gamit kong apelyido. Ayaw ko naman kasing may magtanong pa sa 'kin kung bakit ako nagtatrabaho nang ganito kung dapat ngayon ay tumutulong na ako sa pagma-manage ng company ng family ko kung graduated na ako ng BI. Umiiwas lang ako sa maraming tanong. Napakiusapan ko naman 'yong boss ko, sa resume ko lang naman nakasulat ang Valdez, pero sa iba pang impormasyon na kailangang ipag-kalat ay pumayag naman s'yang ibahin ang pangalan, kagaya na lang sa name tags ko, or ID. Kaya ang pagkakakilala sa 'kin ng karamihan ay si Aurea Shin Marguez, Ang apelyido ng papa ko ang Marguez. Hindi ako naka-registered sa pangalan ng papa ko, dahil sa hindi pa sila kasal nang ipanganak ako, kaya naman ang Valdez na apelyido ng mama ko ang pagkakakilala sa akin ng lahat ng nakakakilala sa 'kin, noon. “ATTENTION GUYS!" Nawala ako sa iniisip ko at napaangat ng tingin sa boss namin nang bigla nitong agawin ang atensyon namin. Bakit kaya? kadalasan lang na tinatawag niya kaming lahat kapag may announcement, ano naman kaya 'yon? Pinapunta niya kami sa isang parte ng hotel kung saan karaniwan niyang kinakausap lahat ng employees, may isa lang naiwan sa reception counter para magbantay. “May sasabihin ako sa in'yo, 'wag sana kayong mabibigla at mag-panic... alam nin'yo naman 'yong tungkol sa pag-alis namin ng bansa 'di ba?" Si Sir Ken. Nagsitanguhan naman kaming mga employees niya. ”Yes, Sir," sagot ng karamihan. Balak na ngang mag-migrate ng pamilya ni Sir Ken sa ibang bansa for good. Parang bigla akong kinabahan, parang alam ko na ang mangyayari. “Sa pag-alis namin, kailangan naming ibenta ang hotel and actually nagkapirmahan na kami." Naibenta na? Biglang  nabuo ang kaba sa dibdib ko na mukhang nadama rin ng iba. “Eh Sir, paano po ang trabaho namin? Wala na po kaming trabaho?" tanong ko. “Don't worry napag-usapan na namin 'yan, pababayaan ba naman namin kayo? of course not. Napag-usapan na namin na iha-handle rin nila kayo, sa kanila na kayo magtatrabaho at hindi kayo tatanggalin dito." Nakahinga naman ako nang maluwag doon, akala ko mawawalan na kami ng trabaho. “Sir sino na po ang magiging boss namin?" si Belle na hindi ko napansin na bumalik na pala rito. "Bukas n'yo makikilala ang magiging bago n'yong boss okay? " “Sir, pwede po bang malaman ang pangalan??" Habol kong tanong. Baka kasi ka-business pa ng lolo ko at makilala ko. “Sure ...Si Mr. Winters ..." Winters... Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Oh god! 'Wag naman po sana, pero hindi naman mayaman 'yon ah? tama, kapangalan n'ya lang 'yon, kapangalan lang 'yon ng walang-hiya kong ex boyfriend, Si Jace Allen Winters. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Payment of Debt

read
88.2K
bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook