Chapter 26 Guilt and Pain Shin's POV "Aurea, anak sumama ka na kaya sa 'kin sa ibang bansa," sabi ni Papa habang nakahawak sa kamay kong nakapatong sa mesa. Nandito kami ngayon ni Papa sa isang coffee shop na malapit sa construction site. Nakipag kita siya sa 'kin dahil may sasabihin daw siya sa akin. Babalik na raw siya sa States at gusto niya akong isama. "Papa, alam mo naman ang sitwasyon 'di ba? Ayokong iwan si Jace." Gustuhin ko mang sumama kay Papa para magkasama na kami ay hindi ko pa rin kaya. Gagawa nanaman ba ako ng dahilan para magkalayo nanaman kami ni Jace? Ayoko na ulit. Napabuntong hininga si Papa. "Okay. " "I'm sorry, 'Pa." Tumango siya. "Its okay. Kasal na ba kasunod niyan?" tanong niya habang umiinom sa kape. "Siguro? Hindi ko rin po alam." Napabuntong hin

