CHAPTER 22 what a surprise Shin's POV Nakatingin lang ako sa daan na tinatahak namin ni Jace papasok ng venue. Ayaw niya pa rin sa 'kin sabihin kung anong surpresa niya. Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa kamay ko at humiwalay. "Huwag kang aalis, dito ka lang, hintayin mo lang ako." Tumango lang ako hanggang sa naglakad na siya palayo pagtapos akong daplisan ng halik sa labi, at sinundan ko lang siya ng tingin paalis. "Aurea!" napalingon ako sa lalaking tumawag sa 'kin, si Robi. "Yes?" Nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang pilyo niyang ngiti nang makalapit siya sa akin. "Ano iyong nakita ko kanina?" tinaas taas niya ang kilay niya sa 'kin kaya tinaasan ko siya rin ng kilay. "Alin iyon?" tanong ko kahit alam ko naman talaga ang tinutukoy niya. Tinapiktapik niya ang bali

