Chapter 12 Reasons and Fix

1772 Words

Chapter 12 Reason and Fix Shin's POV Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina sa elevator, hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan. Ayaw ko nang magalit, sinabi ko na iyan sa sarili ko noon, pero bakit parang ang sakit pa rin? Bakit ba kasi napakahirap pigilan ng sakit? Bakit ba kasi napakahirap lumimot? Bakit parang ang hirap magpatawad?. Siguro kung madali lang ang lahat nang iyon ay okay na 'ko ngayon. Pero kung tutuusin madali lang naman iyon, kung wala na ang sakit, kung wala na ang sakit na pinagpatong na sa puso ko, ang pagkawala ng anak ko at ang panloloko sa 'kin ni Jace. Pinunasan ko ang luha ko. Kanina pa ako nasabahay, hinihinay si Belle na umuwi. Nauna kong umuwi dahil magkaiba na schedule namin. Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong bumukas ang pinto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD