Chapter 14 "I wish so..." Shin's POV Kanina pa 'ko paikot-ikot dito sa kusina, kanina pa rin ako naghahabap ng makakain. Tanghali na pero hindi pa 'ko nakakapagluto. May pasok pa naman kami ni Belle. Tulog pa si Belle, ewan ko ba kung bakit puyat 'yon, 'di ba dapat ako ang puyat dahil ako ang natulog ng gabing-gabi na. Anong oras na kasi nang matapos kaming mag-usap ni Jace. Ayos na kami ngayon at mas gumaan na rin ang pakiramdam ko. Ang sarap pala talagang walang kaaway, at walang kinamumuhian. *ding dong* Napalingon ako sa doorway nang may narinig akong nag-doorbell. "SANDALI!" sigaw ko habang papunta sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Maaga pa, sino naman kaya ito? "Sino-" natigilan ako nang makilala ko ang nasaharap ng pinto. "Good morning," ngiti niyang bati. Si Pet

