Chapter 28 "What is it?" Shin's POV "Ano nang balak mo? Nagtatrabaho ka kaya kay Jace," sabi ni Belle habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Magre-resign, 'yon na lang naman ang pwede kong gawin, " sagot ko habang nakasalong-baba. Nakabalik na 'ko dito, kahapon lang. Hindi ko na hinintay si Jace at hindi na rin ako nagpaalam. Nasabi ko na rin kay Belle lahat ng nangyari sa amin sa Tagaytay. Hindi naman niya ako kinagalitan, pinagsabihan niya lang ako. Hindi rin niya ako hinusgahan. Siguro kaya komportable akong magsabi kay Belle, dahil hindi naman siya iyong tipo ng taong mapanghusga. Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang mag-beep iyon. . Kinuha ko yun at tiningnan kung sino ang nag-text. Kusang kumunot ang noo ko nang makita kong unregistered ang number ng nag-text. Binuks

