25

1675 Words

“SA PALAGAY mo, may magbabago kaya kung nagkaroon kayo ng anak?” Hindi inasahan ni Pippa ang tanong na iyon mula kay Ike. Pauwi na sila. Katatapos lang nilang makatawid sa tulay. Nakatingin siya sa langit. Alas-kuwatro pa lang ngunit nagdidilim na ang kalangitan. Tila babagsak ang malakas na ulan. “What?” tugon niya imbes na sagutin nang deretso ang tanong ng binata. Nagulat kasi siyang talaga. Narinig at kaagad naman niyang naintindihan ang sinabi nito, kailangan lang niya ng kaunting panahon upang iproseso ng kanyang isipin ang kanyang magiging sagot. Walang anumang inulit ni Ike ang tanong. Tumikhim siya, hindi pa rin malaman kung ano ang dapat na isagot. “Hindi ko alam. Siguro.” Napaisip din tuloy siya. Kung nabigyan niya ng anak si Heith, magiging ganoon ba kadali ang pagsuko nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD