28

2261 Words

“DO YOU really have to put those?” Napangiti si Pippa sa sinabi ni Ike. “Opo. Bilin ni Lola Faustina. At kailangan na kailangan talaga dahil nababad ka sa tubig. Hindi ka dapat mabasa dahil kahihilot lang sa `yo. Lalong sisigid ang lamig sa katawan mo.” Itinapal niya ang dahon ng atsuete sa balakang nito. Kasalukuyan silang nasa silid ni Ike. Nakadapa ang binata sa kama at walang suot na baro. Paglabas ni Pippa ng silid nito kanina ay dumeretso siya sa kanyang silid at dali-daling nagbihis. Naupo siya sa kama at sandaling natulala. Dumapyo ang malamig na hangin at napalinga siya sa gawi ng malaking bintana. Lumapit siya roon at akmang isasara nang matanaw ang puno ng atsuete. Kaagad niyang naalala ang bilin ni Lola Faustina. Dali-dali siyang lumabas at nanguha ng mga dahon. Kinuha niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD