Dumating ang araw kung saan ang nakatalagang flight namin ni Renz at gaya ng plano nito ay heto ako ngayon, isang pasada ng tingin sa salamin ang ginawa ko bago binitbit ang isang bag back saka lumabas na ng kwarto. Hindi ko talaga in-expect na ganito kami kaaga magba-biyahe dahil hindi pa ako handa. Kailan lang nang malaman kong may mga magulang pa pala ako ngunit hindi ko naman hinangad na makilala pa sila. Masaya na ako sa kung anong buhay ang mayroon ako ngayon. Ayoko nang guluhin pa pero dahil may sariling desisyon si Renz ay wala na akong nagawa. Halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko ngayon sa sahig dahil para akong namanhid sa sobrang kaba. What more kung nagkita na nga talaga kami? Baka mahimatay ako bigla sa halu-halong emosyon. Kagabi lang din nang magkagulo sa mansion nila

