"How is she?" Dinig kong boses ni Renz na siyang umalingawngaw sa paligid. "She's fine, Third," anang babae saka pa malakas na bumuntong hininga. Nang mahimatay ako kanina ay hindi ko alam kung saan nila ako dinala, pero alam kong nandito pa rin ako sa Hospital at kahit gising na ay nananatili akong nakapikit. I don't wanna see her face, saka na siguro kapag tanggap ko na ang lahat sa kaniya. For f*****g six years, nandito lang pala siya sa Pilipinas pero hindi man lang ito nag-abalang hanapin ako. O baka nga hindi lang six years ang inilagi niya rito, iyong tipong nagagawa niyang mag-alaga ng mga pasyente pero ang sariling anak niya? Baka nga rin ay hindi man lang sumagi sa utak nitong may anak pala siya na kailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang tunay na magulang. Bakit ba awang-a

