Chapter 6

1563 Words
Nang matapos kami sa pagkain ni Reece ay dumating ulit si Manang Fe, marahil nabanggit na rin sa kaniya ni France na magkikita kami. Grabe talaga ang taong iyon, hindi ko rin mawari sa sarili kung bakit ako ganito. Kaya ngayon ay halos kapusin ako ng hininga habang mabagal na tinatahak ang daan papuntang lounge area. Doon ay kaagad ko siyang nakita, talagang inaabangan ang pagdating ko. Gaya kagabi ay nakapormal pa rin ito, bihis panlalaki at nakapormado ang clean cut nitong buhok. Kung titingnan mabuti ay hindi mo aakalain silahis siya kung hindi mo pa maririnig ang boses o ang pananalita niya. "Esperanza..." banggit niya sa pangalan ko nang tuluyan na akong makalapit. Maagap na dumako ang atensyon nito sa papel na hawak ko kaya inilapag ko iyon sa lamesang katapat niya. "Nakapirma na ako," labas sa ilong na wika ko, wala ring emosyon ang parehong mata ko. Pinanatili ko ang malamig kong pakikitungo rito, blanko lang ang mukha kong tinitigan siya. Marahan itong tumango at pinasadahan ng tingin ang dalawang piraso ng papel. "Naintindihan mo naman ba ang mga nakasulat dito?" aniya at muling bumaling sa akin. Binasa ko lang pero wala akong naintindihan. Hindi dahil sa hindi ko ma-gets, iyon ay dahil hindi ko lang masikmura ang mga nakasulat doon. Nang mapansin nitong wala akong balak na umupo ay siya na ang nag-adjust at tumayo ito dahilan para tingalain ko siya, hindi ako ganoon katangkad dahil 5'5" lang naman ang height ko. Kumpara sa kaniya na hanggang chin niya lang ako. "So, ang kontratang ito ay good for one year, it's actually better than other contracts since ito ay exclusive lang for all our VIP clients which means, isa kang high ranked escort. In other terms, elite hookers," maarte nitong paliwanag habang iwinawasiwas pa ang mga daliri sa hangin. Kahit ano pa mang sabihin o gawing pantapal, sa madaling salita ay isa akong pokpok. Marahan akong tumango, kahit hindi pa rin tanggap ng katawang lupa ko ang nangyayari ay paninindigan ko na 'to. Wala naman na akong magagawa, nakapirma na ako ng kontrata. Kaysa makulong ako dahil sa pag-back out ay tanggapin na lang din. Isa pa, para naman ito sa anak ko. Pikit-mata ko na lang gagawin habang iniisip na balang-araw ay makakaahon din kami sa hirap. Sa oras na mangyari 'yon ay talagang aalis na ako rito sa mala-impyernong trabahong 'to. Paalis sa mapang-abusong buhay na mayroon ako. "Mas maintindihan mo pa ang kalakalan dito kapag sumama ka sa 'kin. Halika..." Bago pa man ako makapag-react ay hinila na nito ang kamay ko. Gustuhin ko mang magsalita ay masyado na akong nawala sa ulirat, tila wala pang lakas kaya nagpatangay na lang ako sa kaniya hanggang sa huminto kami sa isang pintuan. Nandito pa rin kami sa lounge area, ngayon ko lang napansing may ilang mga tao ang naroon nakaupo, na purong mga kababaihan na natitiyak kong na-recruit din o baka iyong iba ay dati ng hookers dito. Binuksan ni France ang pintuan saka tumambad sa amin ang hagdan pababa sa kung saan. Nalingunan ko pa ito ngunit nginitian niya lamang ako at muling hinila. Nang tuluyang makababa ay doon bumungad sa paningin ko ang ilang mga high technology na nakapaligid, sa kabilang banda ay naroon ang malaking screen. "Ito ang tinatawag naming ground area, dito madalas nagaganap ang bidding at iyong virtual meeting kay Madame X na nangyari nga kanina, hindi mo lang naabutan kasi hindi ka kaagad pumayag," paliwanag nito sabay kibit ng balikat. Dinala ako nito sa kabilang dulo at doon naman ay nakita ko ang ilang mga kababaihan, ang iba sa kanila ay nakaayos at nakabihis ng magagarang gowns, nagmistulang dadalo sa isang party. "Sila ang ilan sa mga hookers ng Rampage Society, depende pala sa kontrata mo kung anong rank mo rito. So for examples, a day to one week contract, sila iyong escort for guest or foreigns." Sa narinig ay kumunot ang noo ko. May pagpipilian pala pero ang binigay sa akin ni France ay iyong one year contract. Nang mapansin nito ang pag-iiba ko ng mood ay dumukwang siya palapit sa tainga ko. "Nadedepende rin kasi sa ganda 'yan. Katulad mo, mala-glamorosa ang iyong kagandahan kaya inilagay kita as elite hookers. Ang bongga 'di ba? Isa pa, mas maraming pera roon," pahayag niya saka pa pumilantik ang daliri sa hangin. Mahina akong natawa, isang pagak at pekeng tawa ang pinakawalan ko. Kalaunan ay tumango-tango na lamang ako. "Hello, girls! This is Esperanza, our new elite hooker," pagpapakilala sa akin ni France dahilan para kumaway ang ilan sa kanila. Ang iba ay napalingon pa sa gawi namin na siyang abala sa pagme-make up at pag-aayos sa sarili. Kumaway ako saka sinuklian lamang sila ng maliit na ngiti. "Halika, maupo tayo ro'n at may ipapakita pa ako sa 'yo," anyaya niya at nauna nang naglakad palapit sa center table. Pahabang lamesa iyon habang napapalibutan ng mga swivel chair at katapat no'n ay ang malaking screen na sa tingin ko ay for project presentation. Naupo ito saka binuksan ang isang laptop. "Maupo ka rito," utos niya na sinunod ko kaagad at naupo sa katabi nitong swivel chair. Tahimik ko lang pinapanood ang ginagawa nito sa laptop, may in-open itong site kung saan may logo ng Rampage Society sa bandang itaas. Ilang beses pa siyang nagpipindot doon hanggang mapunta ito sa profiles, kung saan sa tingin ko ay list ng mga hookers nila. "Sa dami nila ay hindi ko na sila isa-isahin pang ipakilala sa 'yo. Bale ang gagawin ko ay pipili ako ng mga available hookers ngayon, maximum of ten lang. So ayan, tapos..." Isang pindot sa “enter” button ang ginawa niya dahilan para lumitaw ang loading template at ilang saglit pa ay nag-iba naman ang settings sa laptop. Ang mga napili niyang sampung hookers ay naroon nakahilera sa taas, naroon ang kani-kanilang codename sa ibaba ng kanilang mukha. At nagulat pa ako nang makita ko ang sarili ko roon. "Ba—bakit nandiyan kaagad ako?" bulalas ko saka pa itinuro ang picture ko na hindi ko malaman kung saan nila kinuha. "Chillax, girl, this is just an example," Sandali itong tumigil at nilingon ako, "Not really an example though, pero gusto ko lang ipakita sa 'yo kung paano nagaganap ang bidding session." "Kaya nga, bakit nandiyan ako? Agad-agad talaga?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, marahil ay hindi pa ako handa. Mamaya niyan ay mapili ako at mapunta pa sa isang matandang lalaki. "One out of ten lang ang pipiliin nila, kung sino ang may pinakamaraming boto sa inyo ay siya ang pag-aagawan ng mga clients. Kaya 50/50 ka pa, girl. Relax lang!" Iyon nga ang nangyari, sa isang iglap at wala pa nga yatang isang minuto nang nag-pop out ang mukha ko sa screen, kasabay nito ay ang malakas na pagtili ni France sa tabi ko. "Nako, girl! Ang benta mo, ikaw kaagad ang napili nila!" pagtili niya at parang uod na kinikiliti. Ako naman ay halos mawala na sa sarili. Jesus! Halos magwala ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog no'n. Ramdam ko rin ang pawis sa noo ko kaya mabilis ko iyong pinunasan. "Paano 'yan?" tila nanghihina kong sambit. "Eh, 'di gumora ka na! Pagkakataon mo na 'to, huwag mo nang hayaang mawala pa sa 'yo. Isa pa, malay mo ay dito mo makita ang forever mo." Tumawa ito nang malakas dahilan para mairapan ko ito. Forever? Dati naniniwala pa ako riyan, pero ngayon? Mukhang malabo na at saka si Reece na lang ang maituturing kong ka-forever ko. Sabay na napabaling kami ni France sa laptop nang magsimula ang bidding ng ilang mga client ng Rampage Society. Ngunit hindi katulad sa aming mga babae kanina na lantad ang mukha sa monitor, sila naman ay plain avatar lang na madalas kong makita sa f*******:. Sa ilalim nito ay ang kanilang codename, sa mas ibaba naman ay iyong mga numerong nagpapalit-palit at pataas nang pataas. Napanganga ako nang makita ko ang bidding amount ng isang client na nagkakahalaga ng kalahating milyon, siya na ang pinakamatas sa oras na 'yon hanggang sa may nag-one million. "Embrace yourself, girl. Maliit pa lang 'yan sa kanila." Rinig kong sambit ni France. Halos kapusin ako ng hininga habang titig na titig sa monitor, napukaw lang ang atensyon ko roon sa isang avatar na may codename na Third, na-stock na kasi ang bidding amount niya sa half million at hindi na gumalaw pa. Wala sa sariling napangisi ako, hindi niya siguro kinaya iyong bid no'ng isa na nagkakahalaga ng two million. Tumaas pa iyon nang tumaas hanggang sa magulantang na lang kami ni France nang mag-offer ng five million pesos iyong si Third, na naging dahilan para mag-back out na ang ibang client. "Hala!" Sabay na bulalas namin ni France sa sobrang gulat. Tinodo talaga sa five million? s**t, why me? Doon ay mas lalo akong kinabahan, I am lost with my own words. f**k! "So, ngayon... titingnan natin kung kailan ang schedule ninyong dalawa. Siya ang magde-decide kung kailan kayo magkikita." Maagap na naikasa ni France ang deal nang walang pag-aalinlangan saka mabilis nitong inilipat iyon sa isang chat room kung saan may iniwan na palang mensahe iyong si Third. “I want her. Tonight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD