"Renz!" impit kong sigaw nang hilahin ako nito papasok sa bahay ni Lola Sireng. Wala si Lola ngayon dahil namalengke ito sa bayan para sa pang-isahang linggo naming kakainin at ang magaling na si Renz ay laging saktuhan ang dating, na para bang sinasadya niya ito. "Maaabutan tayo ni Lola. Ano ba, Renz? Doon na lang tayo sa ilog, kung gusto mong mag-usap tayo," mahinang sambit ko habang pinipigilan ito ngunit mas malakas siya kumpara sa akin. Nang makapasok sa loob ay mabilis nitong sinarado ang pinto ng bahay and before I could move backward, he suddenly crushed his lips on mine without further ado. Natigilan ako. Gulat pa akong napatitig sa nakapikit nitong mga mata na halos ikaduling ko. Hindi nagtagal nang gumalaw ito. He used his right arm to cup my face down to my neck, gently car

