Sakay ng kotse ni Renz ay tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa Coffee Shop na siyang ibinigay sa amin ni Storm for meet up. Kanina pa lang nang mag-text ito ay abot-abot na ang kaba ko, na para akong nalulula at naglalakad sa kawalan. Hindi rin nagtagal nang narating namin iyon, matapos ihinto ni Renz ang kotse sa parking area ay siya na mismo ang nagtanggal ng seat belt ko sa sobrang lutang ko, nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan iyon ni Renz. "Just calm down, Espee. I'm here..." malumanay na pahayag ni Renz saka pinisil ang kamay ko. Napabuntong hininga ako. Oo nga pala, bakit ba ako kinakabahan? Ako ba ang nang-iwan? Tch. Makailang beses akong nagpakawala ng mabibigat na paghinga. Ano mang gawin kong pagmamatapang ay kinakabahan talaga ako. Oo at hindi pa ako sigurado kung

