Ang bilis lang ng panahon, kailan lang noong pinalayas ako ni Aling Nena, but look at me now... "Luna," pagtawag sa akin ni Renz na hindi ko namalayang naroon na pala sa likuran ko. May anino ng isang ngisi ang naroon sa labi nito so obviously, kanina pa niya ako pinagmamasdan. Dahan-dahan ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kaniya habang taas ang noo. "How is it?" sambit ko saka pa umikot para makita ni Renz ang suot kong gown. It's a long v-neck black dress na hapit na hapit sa katawan ko, mayroon pang mahabang slit sa kanang hita ko dahilan para ma-exposed iyon at doon kaagad ang bagsak ng mata ni Renz. Unti-unti ay lumapit ito mula sa kinatatayuan ko, masaya ang naging ngiti nito sa akin at humarap sa isang whole body mirror na naroon sa loob ng kwarto namin— ito na 'yun

