Sa sobrang hectic ng schedule ni Mama ay hindi kami agad nakapunta sa lamay ni Don Glavio, pati si Renz na pilit hinahabol ang nakatokang deadline para sa kaniyang leave. Gusto kong matawa sa isiping kung bakit pa kasi ito nagbigay ng special holiday, ayan tuloy at siya itong gahol sa oras. Huling araw ng lamay na kami nakarating sa mansion ng mga Romero, kahit nag-aalangan ay isinama ko si Mama. Afterall, isa pa rin naman itong Galvez. Hindi na rin niya sinabi sa asawa niyang si Sir Albert na ngayon ay nananatili sa Switzerland for some umderground businesess. Kaming apat lang ang pumunta dahil si Ruby ang naiwan sa Miller's Wine Industry— ang company ni Renz para tapusin ang mga hindi niya natapos. Nang makapasok ang van sa mansion ay doon ko nakita ang napakaraming tao sa loob. Hirap d

