Chapter 44

1594 Words

"Talagang ayaw mo magpatalo, ano?" angil ko rito nang makasakay kami sa loob ng kotse niya. Sa sinabi ko ay tumawa si Renz, sandali pa niya akong nilingon bago tuluyang pinausad ang sasakyan. Kung saan ang tungo namin ay hindi ko rin alam. Prente pa niyang isinandal ang likod at ulo sa head rest ng kinauupuan. "Of course. Kung may ibang paraan naman ay bakit ako magpapatalo?" balik pagtatanong nito sa akin. "Madaya ka," mahinang sambit ko, kapagkuwan ay nakisabay na rin sa kaniyang pagtawa. Nakakabaliw lang talaga ang isang Terrence Miller. Aminado rin naman akong baliw na baliw ako sa kaniya. "Nasunod ang gusto mo. Pwes ay gusto ko ring masunod ang gusto ko." Muli siyang tumawa na nagmistulan pang musika iyon sa pandinig ko. Wala sa sariling nailing ako sa katotohanang nababaliw na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD