WARNING: Mature Content | R18 Apat na buwan ang lumipas simula nang maganap ang nangyari sa pagitan namin ni Doc. Ortega. Mabuti nga ay hindi na naulit iyon at mukhang natauhan na siya na ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Alam ko namang nagiging harsh na ako pero hindi ko mapigilan, iyon kasi ang nararamdaman ko. Ayokong makipag-plastikan o baka siguro, dala lang 'to ng maselan kong pagbubuntis. Kaya nga ang sabi ko kay Renz, ngayon lang 'to at hayaan niya muna ako. Handa akong magpatawad pero huwag muna ngayon. Wala pa sa tama ang utak ko at isa pa, mas priority ko ngayon ang pagbubuntis ko. Natapos na rin three months leave ni Renz sa trabago kaya ngayon ay narito ako sa labas ng office niya at sa ilang araw na pagbisita ko rito, ngayon ko lang din natanto na sobrang liit pala tal

