Kinabukasan nang magising ako sa init na pakiramdam mula sa kabuuan ko kaya dahan-dahan ay nagmulat ako. Nilingon ko pa ang paligid at nakitang wala si Renz, marahil ay nasa baba na iyon. Marahan akong umahon mula sa pagkakahiga at sandaling nag-unat ng dalawang kamay, doon ay nakita ko sa daliri ko ang isang singsing. Kumunot ang noo ko nang matantong bago iyon at mukhang kalalagay lang. It was a simple ring na may full diamond infinity na naka-attached sa gitna. So, si Renz ang naglagay nito? Para saan? Muli akong napapikit nang maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa unti-unting nahihinuha, kasabay ng pagragasa ng mga alaala namin kagabi. “I love you... Luna.” Sinabi iyon ni Renz right after niyang makatulog sa tabi ko at dahil sa antok ay hindi ko na napagtuunan ng pansin. At

