Kung anong bigat ng nararamdaman ko kanina ay siya namang gaan ng katawang lupa ko ngayon, para akong hinihele sa ulap, ni hindi ko nga naramdamang nakahiga pala ako kung hindi ko pa iminulat ang mga mata. Nabungaran ko ang purong puti sa paligid, saglit pa akong pumikit at muling nagdilat, only to find out na narito ako ngayon sa Hospital. Sa sobrang bigat ng talukap ko ay hirap akong lingunin ang paligid kaya tanging pagkakatulala na lang muna ang nagawa ko. Tahimik kong pinakiramdaman ang sarili, kung may masakit ba sa akin, maliban sa sobrang gaan ng katawan ko ngayon ay wala na talaga akong maramdaman. Tinurukan ba ako ng anesthesia? Bakit masyado akong namanhid? Ano bang nangyari? Mayamaya pa nang halos bumigat ang puso ko nang unti-unting rumagasa sa memorya ko ang kaninang nangyar

