Chantal’s POV Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kita sa mga mata niya ang pagkaseryoso. Is this guy even serious? Tutulungan niya ako na makaganti? For what reason? Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa akin. “Never mind.” Doon ako mas lalong nagtaka dahil sa sinasabi niya. Ano ba ang trip ng lalaking ito. Una pinalitan niya ang damit ko, pangalawa inalam niya buhay ko and now this? Agad siyang tumayo at lumayo sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at napansin ko ang katahimikan niya. “Don’t mind what I said, after mong kumain, bumalik ka na sa pagtulog. Maaga pa tayo bukas.” Seryoso niyang sabi. Agad na siyang lumabas at iniwan na ako sa loob. Seryoso na ba talaga na ito na talaga ang boss ko? Like wala na ba talagang bawian ito? Tinapos ko na lang ang pagkain ko

