Chapter 01 — Meeting the Cold Beast
Chantal’s POV
“Sigurado ka na ba talaga na papasok ka sa company na iyan?” tanong ni Thalia habang nakatingin kami sa mataas na building. Napalunok naman ako dahil dama ko ang kaba sa dibdib ko. Sa mga oras na iyon mas pinili ko na ang pumasok sa isang company kesa sa kumendeng kendeng sa bar.
“Dapat ba akong mag back-out? Ano sa tingin mo? Mag suggest ka naman.” Pangungulit ko sa kaniya habang hinahatak ang kaniyang kamay.
“Bakla, ba’t naman ako ang nag decide, alam mong maayos tayong nagtatrabaho sa bar. Napakadami mo ngang customer sa bar ni madam, hindi ka na nga pinapahawak ng mga customer dahil sabi mo ayaw mo ng kaemehan dahil sa jowa mo, tapos ngayon tatanungin mo ako kung ano ang ganap mo rito sa company na ito?”
“Alam mo naman na meron akong natapos, sadyang ayaw lang sa akin ng tadhana kaya mas pinili ko na lang gumiling. Pero kasi naman si Mark naman kasi, ayaw niya akong ipakilala sa parents niya.” Hinarap naman ako ni Thalia sabay dinuro.
“Chantal, alam mo naman hindi ba? Kapag ang lalaki nahihiya na ipakilala ka, ibig sabihin no’n hindi siya proud sa ‘yo. Maayos naman trabaho mo sa bar, doon ka naman niya kilala tapos ang gusto niya magbago ka? Apaka labo naman ng lalaking iyan.”
“Tama ka na nga, samahan mo na lang ako sa loob, okay?” wika ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak papasok sa loob ng company.
Sa oras na iyon para kaming naging mother and child relationship dahil sa takot ko na harapin ang corporate world.
Kita pa lang sa mga tao na nandito parang hindi ko na kakayanin na pumasok dito. Pero para kay Mark I will do it.
“Lia maayos ba ako?” Kabado na tanong ko sa kaniya. Agad naman niya akong hinarap sa kaniya
“Patingin nga,” tinignan niya ako simula sa ulo hanggang paa ko. Nakasuot kasi ako ng white long sleeves at black na palda na para akong isang secretary.
“May mali,” wika niya sabay bukas ng butones dahilan para makita ang aking cleavage. “Mhh bongga, ang sarap mo na mah bagay na maging actress sa onlyfa–” agad ko namang hinarangan ang bibig niya dahil hindi siya mapigil.
“Bakla ka, tantanan mo nga yung walang preno mong bibig, magpaka virgin ka naman!” bulong ko sa kaniya.
“Gaga paano ko gagawin iyon eh hindi naman na tayo virgin, tantanan mo nga ako, Chantal. Akala mo naman talaga hindi ka sumasakay sa tit* ni Mark.” Napapikit naman ako at napahawak na lang sa aking noo. “Remember, before si Mark, malakas booking mo. Bading ka mas pakawala ka sa akin tantanan mo ako.”
“Pag ako talaga hindi nakapasok dito, ikaw ang magbabayad ng monthly salary ko ah!” wika ko sa kaniya.
“Nako malaki naman kasi kita mo sa bar, sadyang gusto mo lang talaga magpasikat sa soon to be biyenan mo. Na akala mo talaga napakalinis din nila. Mayaman lang sila pero may baho rin ang mga ‘yon.”
“O tama na, hindi ko pa nga nakikilala na bash mo na ng malala. Alam mo naman kasi hindi ba, mahal ko talaga si Mark kaya nga—AHH!” hindi ko namalayan na nabangga na ako at natumba dahil sa lakas ng pagkakabangga.
“Chantal o my gosh!” gulat na sabi ni Thalia.
Nagulat na lang ako nang nasa ibabaw na lang ako ng isang lalaki. Napatingin ako sa kaniya at kita ko ang seryoso ng tingin niya sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad na umayos ng upo. Doon ako nagulat na nakita ko na natapunan siya ng kape sa damit niya hanggang sa crotch niya.
“Shocks sorry po talaga,” wika ko. Dahil sa taranta ko ay agad kong kinuha ang panyo ko at agad na pinunasan ang dibdib niya pababa sa kaniyang tiyan hanggang sa hindi ko namalayan na nakahawak na ako sa pribadong parte niya. Doon ay nararamdaman ko ang unti-unti no’ng pagtigas dahil sa paulit-ulit na punas na gjnawa ko.
“Fvck!” Agad akong napabitaw doon at napatayo dahil sa kahihiyan. “Are you dumb?”
“S–sorry po,” wika ko sabay yuko.
“Sir Dark, okay lang ba kayo?” tanong ng isang babae.
“Mukha ba akong okay?” Masungit na sabi niya. “Sino ba kasi nagpapasok sa mga ito rito? Palabasin ninyo nga, nakakaperwisyo, tanga!” diin na sabi niya. Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Siya ba yung boss dito? Hindi pwede, kailangan maging maganda ang image ko.
Agad ko siyang hinabol sabay lumuhod sa harapan niya. “Sir sorry po, hindi ko po sinasadya, I need a work… please.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. Napatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin sa akin sa baba.
Napalunok naman ako at napatingin sa gilid ko, parang that moment napakapangit ng posisyon namin dahil saktong-sakto sa mukha ko ang pribadong parte niya na para bang papunta na sa ibang ganap.
“Fvck~” bulong niya. Agad naman akong napatayo at napatingin sa kaniya. Pero hindi siya sa mukha ko nakatingin kung hindi sa…
“Close those buttons you idiot.” Diin na sabi niya. Agad siyang naglakad papalayo sa akin at iniwan ako doon. Napatingin naman ako sa dibdib ko at nakita ko ang nakabukas na butones na pasimuni ni Thalia, kaya agad kong hinarang ang kamay ko roon at napatingin kay Thalia. Sinenyasan ko siya na umalis na kami sa lugar na iyon gawa ng hiya.
“Bakla ka ng taon, first meet up pero hawak tit* agad ang ginawa mo.”
“Lia naman!” pagmamakaawa ko na tantanan na niya ang kakapaalala no’n. Hindi ko naman intensyon iyon. Nagulat lang ako dahil sa kaba ko.
“Wala na, hindi na ako makakahanap mg trabaho. Sa area na ito, wala namang tumanggap sa akin. Ito na yung last resort natin. Pero kahit ata nasa kanila na ang resume ko ay hindi na ako kukunin.”
“Pero gwapo yung Dark, grabe ang appeal. Ang hotness niya talagang lumalabas, kahit may damit, feeling ko wala. Grabe Chantal, feeling ko I’m getting we–”
“Lia! Tantanan mo nga ang lib*g mo, laro ka naman. Galit na nga sa akin yung boss tapos nagawa mo pa talagang i-fantasize.”
“Sus hindi mo pinagnasaan? Eme ka, ganon mga tipo mo eh.”
“Pwede ba, hindi ngayon ang time para mag biro. Ano na ang sasabihin ko kay Mark ngayon? Sige nga?” wika ko sa kaniya. “Kung bakit ba kasi katangahan ang dinala ko ngayon.”
“Ano… edi bumalik ka na lang sa bar tapos sabihin mo natanggap ka sa corporate.”
“Gusto mo akong magsinungalin? Ayaw ko naman no’n. Pinagkakatiwalaan ako nung tao tapos gaganunin ko lang.”
“Mag-iipon ka lang naman hanggang sa makahanap ka na ng trabaho. Ewan ko ba sa Mark na iyan kung bakit pine-pressure ka kaagad. Since wala ka namang tumanggap sa ‘yo edi iyon muna ang gawin mo.” napahinga na lang ako nang malalim sabay napahawak sa aking noo.
“Ako na lang ang bahala. Maiintindihan naman ako ni Mark, mahal niya ako eh.”