Chantal’s POV
“Love!” Agad ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit. “Kumusta, nakakapagod ba yung trabaho?” hindi siya sumagot sa akin. Sa halip ay napaupo na lang siya sa tabi ko at napasandal sa sandalan ng upuan. Kita sa mukha niya ang pagod dahil sa trabaho niya.
Hindi ako mapalagay sa nangyayari sa kaniya. Alam ko na pagod siya dahil sa trabaho niya sa office nila. Pero hindi siya ganito dati, kahit na alam kong pagod siya kaya niya pa rin ako kausapin.
“Mukhang ang dami ng pinapagawa sa ‘yo sa company ninyo kaya pagod na pagod ka,” wika ko sa kaniya.
“Ikaw may nahanap ka na bang trabaho?” pagod na tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napakamot sa ulo ko. “Dapat meron ka ng trabaho before Saturday para kapag naipakilala kita kila mom walang problema. Alam mo naman na dapat hindi niya malaman na nagtatrabaho ka sa bar.” Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi ako nakahanap ng trabaho?
“Uhm love ano kasi eh…” napalunok ako at napahawak sa aking kamay. “Pwede bang sabihin natin sa kanila na nagtatrabaho na ako sa corporate, pero yung totoo nasa bar pa ako ngayon?” Bigla naman siyang napaupo ng maayos at napatingin sa akin ng seryoso.
“Sa bar ka pa rin magtatrabaho? Chantal pinag-usapan na natin ang bagay na ito hindi ba?”
“Oo nga Mark, pero kasi, hinalughog ko na yung lahat ng corporate na malapit dito… pero hindi naman ako natanggap.” wika ko sa kaniya. “Hindi naman ako pwedeng umalis sa trabaho ko alam mo iyan kailangan ako ng pamilya ko, kaya naisip ko na magpatuloy na magtrabaho sa bar habang naghahanap ako ng corporate na malilipatan,” wika ko sa kaniya.
Napahinga naman siya nang malalim sabay napahawak sa kaniyang ulo. “Paano na iyan?” tanong niya sa akin. Napakagat naman ako sa aking kamay at napatingin sa kaniya.
“Kaya nga huwag natin sabihin sa mom mo para hindi sila magtaka.” Napatayo naman siya at kita ang galit sa kaniyang mukha.
“Alam mo naman na alam ni mom ang mga corporate na pasikot-sikot dito hindi ba?” wika niya sa akin. “Kahit na magsinungaling tayo, mahuhuli at mahuhuli niya pa rin tayo. Tapos hinndi ka pa rin umaalis sa bar?” wika niya sa akin. Napatayo naman ako at napatingin sa kaniya ng seryoso.
“Pag-aawayan pa ba natin ang bagay na ito? Alam mo ang pangangailangan ko, kailangan ko ng pera para matulungan ko ang parents ko. Hindi ba ang sabi ko naman sa ‘yo na ipasok mo na lang ako sa corporate ninyo?”
“Alam mong hindi pwede iyon, baka isipin ng iba na dahil sa akin kaya nakapasok ka. Na meron kang backer kahit sila pahirapan na makapasok. Our company imposes a fair and square treatment for everyone kaya hindi ko pwedeng gawin ang sinasabi mo.” Napatigil naman ako dahil sa sinasabi niya.
“So ibig sabihin ba nito na hindi mo ako maipapasok sa inyo, kasi hindi ako magaling? Na kailangan pa kita para lang matanggap ako doon ganon ba?” tanong ko sa kaniya. “Bakit pinipilit mo pa ako na magtrabaho sa corporate na kung ikaw mismo ay hindi mo nakikitaan na makakapasok talaga ko doon?” pagkukwestiyon ko sa kaniya.
“Dahil kailangan mong magbago, kaya ka nila hindi nakikita na fit sa work nila dahil nakikitaan pa rin nila na para kang pakawalang babae!” napatigil ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang nakita si Mark na naging ganito sa akin. Sa loob ng dalawang taon na pagsasama namin ngayon lang niya ako nasabihan ng masasakit sa salita.
“Tama ba yung pagkakarinig ko, na tinawag mo akong pakawalang babae?” tanong ko sa kaniya. “Mark nagkakilala tayo sa bar, ikaw mismo ang lumapit sa akin at inaya ako. Then suddenly you wanted me to change just for me to fit in into your life?” wika ko sa kaniya.
“Dalawang taon mo akong tinago sa mga magulang mo, pero tiniis ko ang lahat ng bagay na iyon. Bago mo ako nakilala, nagtatrabaho na ako sa bar at iyon na ang tumutustos sa pamilya ko tapos ang gusto mo, umalis ako doon at magbago para lang maging maganda ang image ko sa mom mo?” tanong ko sa kaniya. “Sabihin mo nga sa akin, kinakahiya mo ba ako sa kanila?” Hindi naman siya nakasagot dahil sa sinabi ko. Alam ko kapag ganito sasabihan na niya ako ng mga salita na magpapagaan ng loob ko. Pero ngayon, hindi niya ginagawa iyon.
“I just realize, na malayo tayo sa isa’t isa. Yung buhay natin ay hindi nagtutugma. I’m trying my best para isama ka sa buhay na meron ako. Pero ikaw mismo yung humahatak sa sarili mo pabalik jan sa pinanggalingan mo.” Na-offend ako dahil sa mga sinabi niya.
“What? Pinanggalingan ko? Ito ang bumuhay sa akin, dito mo ako nakilala and suddenly gagawin mo siyang insulto sa akin, what the f**k Mark.” diin na sabi ko.
“Lagi na tayong ganito Chantal, people will never like the thought of us… let’s end this.” diin na sabi niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit biglang ganon ang naging pasya niya. Pero tapusin namin ito? Bakit?
“What, hindi kita ma-gets Mark, dahil lang dito sa buhay na hindi naman tayo magkapareho, gusto mo na akong iwan, ganon ba?” diin na sabi ko sa kaniya. “Hindi ba sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap, na sabay nating paplanuhin ang magandang bukas para sa ‘ting dalawa, bakit parang iniiwan mo ako sa dusa?” tanong ko sa kaniya.
“I just realize na kahit ano’ng gawin ko hindi enough ang mga bagay na ito para maging maayos tayong dalawa. Hindi na maayos ito, Chantal. Masyado akong nagpabulag sa mga pagkakataon na akala ko ay makakayanan nating dalawa na malagpasan ito, pero nagkamali ako. Mom’s right, hindi tayo magkapareho.” wika niya sa akin. “Magligpit ka na ng gamit, dapat pagbalik ko wala ka na sa condo ko.”
Wala na siyang ibang sinabi pa at iniwan na lang akong mag-isa. Napapigil ako sa pag-iyak dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan, dalawang taon kaming nagkasama, dalawang taon namin nilaban ang lahat ng hirap at sakit tapos sa huli ganito lang ang mangyayari? T*ngina!
Matapos kong makuha ang lahat ng gamit ko ay tumungo ako kay Thalia, kahit na ayaw kong umalis pa, but he texted me na parating na ang mom niya at ayaw niya na magkasalubong kami ng mom niya dahil masasakit sa salita lang ang matatanggap ko sa nanay niya.
“Chantal, what are you doing here, at tsaka ano yung mga maleta?” tanong niya sa akin.
“Pwede bang dito muna ako, Lia? Hindi naman ako magtatagal. Kailangan ko lang ng masisilungan ngayon hanggang sa makahanap ako ng malilipatan ko,” wika ko sa kaniya. Hindi naman na siya nagsalita at agad na tinulungan akong ipasok ang mga gamit ko sa bahay nila.
“Gabi na bakit andito ka pa rin, akala ko ba maayos kayo ni Mark?” tanong niya sa akin.
“We broke up…” napatigil naman siya dahil sa gulat. “Sabi niya, hindi raw kami para sa isa’t isa. Na kahit ano’ng gawin namin ay hindi magtatagpo ang mga buhay namin. Na patuloy raw siyang umaangat habang ako nanatili lang sa ganito,” naiiyak kong sabi sa kaniya.
“T*ngina talaga ng lalaking iyon akala mo naman napakalaki ng tit* kung makaasta talaga.” Napalunok na lang ako habang pilit pinapakalma ang sarili ko. “Ano’ng gagawin mo, alam na ba nila tita?”
“Hindi, hindi ko masabi kasi alam nila na magkasama kami ni Mark. Yung buong sahod ko napupunta naman agad sa kanila dahil ang hirap ng buhay doon sa amin. Wala naman akong natira rito dahil hindi ko naman akalain na aalis ako sa condo ni Mark.” wika ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay kinalamay ang loob ko.
“Okay lang iyan, at least nalaman mo na rin ang tunay na ugali ng lalaking iyon. Kung talagang lalaki talaga ang dapat itawag sa gag*ng iyon. Don’t worry, bukas ang bahay na ito para sa ‘yo. Pero ano bang balak mo?”
“Siguro sa bar tapos magdo-double job na lang ako para kahit papaano sapat ang maipadala ko sa kanila tapos sapat rin sa bayad sa bahay na lilipatan ko.” napahinga naman siya nang malalim dahil sa sinabi ko.
“Don’t worry makakahanap ka rin ng trabaho.” Napalunok naman ako sabay napangiti sa kaniya.
Hindi nagtagal ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at tinignan ko ang notification. Nagulat naman ako ng makita ko ang email sa akin.
“Ano iyan?” tanong ni Lia sa akin.
“Lia, pinapatawag ako sa office nung Dark, para raw sa interview bukas.” kinakabahan ko na sabi. Hindi ko alam kung blessing ba ito o takot dahil makakaharap ko yung lalaking natapunan ko ng kape kanina.