Chapter 03 – Alila mo?

1816 Words
Chantal’s POV Kinakabahan akong pumasok sa loob ng office niya. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako natanggap dito. Akala ko ba hindi na ako matatanggap after what happened? Bakit nila ako pinapatawag? Paparusahan ba ako dahil sa ginawa ko? Ganon ba kalala yung ginawa ko para parusahan nila ako? Napahinga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Napatingin ako sa buong building at napadasal. “Wala kang kasalanan Chantal, oo tanga ka lang minsan pero hindi naman pagkakasala iyon. Don’t be afraid, Chantal.” Pagkalamay ko sa kalooban ko. Kung pwede ko lang talaga tawagin si Thalia ngayon para samahan ako ay gagawin ko, pero meron din siyang trabaho kaya mahihirapan akong isama siya. Pumasok ako sa loob ng building at tumungo sa HR nila para sa interview na sinasabi nila. Napahinga naman ako nang malalim at napapikit, hindi ko naman aakalain na matapos makipaghiwalay ni Mark sa akin ito agad ang gagawin ko. “Miss Chantal Monique Theres?” tawag sa pangalan ko. Napalunok naman ako at napatayo dahil sa pagtawag niya sa akin. Hindi ko naman akalain na tatawagin niya ang buong pangalan ko, parang nanay ko lang kapag tinatawag ako sa tuwing nagkakamali ako. “Yes…” pilit na ngiti kong sambit sa kaniya. “Pinapatawag ka ni sir Montero,” wika niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sino na naman ba yung Montero na iyon. Bakit napakadaming humahanap sa akin, ganon ba kalaki ang ginawa kong kasalanan doon sa Dark na iyon para ipatawag niya kung sino-sinong bigating mga tao na kilala niya? “Sino po iyon?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin yung babae na para bang meron akong ginawang mali. “Mag-a-apply ka rito pero hindi mo kilala kung sino ang magiging boss mo?” napalunok naman ako dahil sa kaba ko sa mga oras an iyon. Kasalanan ko ba na hindi ako nakapag-background check? Hindi ko naman na kasi inaasahan yung trabaho dito dahil sa ginawa ko doon sa lalaki kahapon. “Sir Dark Kyle Montero.” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. So yung lalaking iyon ang mag-i-interview sa akin? Napapikit naman ako sabay napadasal. “Lord alam ko po na napakarami kong nagawang kasalanan sa buong buhay ko. Minsan hindi po ako nakakapag-repent sa mga mistakes ko. Pero kung ito na po yung last day ko, please naman po gawin ninyong memorable…” dasal ko ng mataimtim. Dahil literal na damang-dama ko ang takot sa mga oras na iyon. Hindi ko kayang pekein ang nararamdaman ko. . Nung nakita ko pa lang siya kahapon tapos yung galit niyang itsura, alam kong nakakatakot na talaga siya. Paano na lang kung kainin niya ako ng buhay? Gusto kong tumakbo palabas sa building sa mga oras na iyon, pero kasi sayang yung trabaho na ito. Andito na ako, ngayon pa ba ako mag-iinarte? Malay mo ito na rin naman yung trabaho na hinahanap ko? Malay mo naman ito na rin yung magiging sampal ko kay Mark dahil sa pangmamaliit niya sa akin. Napahinto ang babae sa harapan ng isang pintuan. Agad naman siyang kumatok sabay sumilip. Matapos no’n at tinignan ako sabay binuksan ang pintuan dahilan para makita ko doon si Dark na nakaupo sa kaniyang upuan at seryoso na nakatingin sa akin. Ngayon pa lang ay dama ko na ang paninindig ng balahibo ko na siyang naglakbay sa buong katawan ko. Mga tingin pa lang niya damang-dama ko na talaga na meron siyang gagawing masama sa akin. “Pumasok ka na sa loob, ano pa ang hinihintay mo?” galit na sabi ng babae. Napatingin naman ako sa kaniya ng nagmamakaawa. Pero inirapan lang niya ako. ‘Sinasabi ko talaga sa ‘yo ate, once na hindi ako nakalabas dito, ikaw ang una kong mumultuhin!’ Agad niyang sinarado ang pintuan dahilan para tumahimik ang buong paligid. Walang nagsalita sa aming dalawa, kaya ultimo paghinga namin ay naririnig namin. Napalunok naman ako at dahan-dahan na napatingin sa kaniya. Nakita ko ang seryosong pagtingin niya sa akin habang nakahawak sa salamin niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon, pakiramdam ko parang hinuhusgahan na niya ako simula sa ulo hanggang sa paa ko. ‘May mali ba sa akin? Sa kasuotan ko, meron bang mali?’ Napatingin ako sa sarili ko at tinignan din ang sarili ko, Nakasuot ako ng puting polo na croptop. Pero meron akong black na damit sa panloob ko and naka palda ako. Hindi ko alam kung formal attire ba ito o ano, pero dahil sa kaba ko, hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong isuot. “What are you wearing, are you trying to seduce someone here, kaya ganiyan ang suot mo?” seryoso niyang tanong sa akin. Napalunok naman ako sabay napahawak sa batok ko. “Uhm… sorry po, kinakabahan po kasi ako kanina. Hindi ko po alam ang gagawin ko.” napapikit naman ako nang bigla niyang ihampas ang kaniyang kamay sa lamesa niya sabay napatayo. Kinuha niya ang folder sabay naglakad papunta sa harapan ng table at doon isinandal ang sarili sabay napatinginsa akin. Napalunok naman ako sabay napaiwas ng tingin sa kaniya. Ngayon ko lang nalaman na ang tangkad pala niya, siguro kung isusukat sa akin na 5 ft 6 inches, parang ang height niya ay naglalaro sa 6 ft 2 inches or 3 inches. Ang lapad din ng balikat niya, tapos yung white na long sleeves niya sa bandang chest area parang puputok na. Hindi ko alam kung maliit ang suot niyang long sleeves or sadyang malaki lang talaga ang dibdib niya. Higit sa lahat hindi rin papahuli yung braso niya. Hindi ganon kakita dahil sa kapal ng harang, pero alam kong malaki iyon. Pero kapag hindi siya galit, makikita mo na may cute side pala siya lalo na dahil sa salamin niya. Para tuloy isa siyang wolf na nagbabalat kayo as sheep dahil sa aura niya. Pero for sure, sa itsura niya, yung tingin niya. Babaero itong lalaking ito. Feeling ko kaya akong ibalibag nito sa kam— Napailing-iling naman ako dahil yung utak ko ay kung saan-saan na ako dinadala. Seryoso ba talaga, para lang mawala ang takot ko ganitong coping mechanism ang ginagawa ko? “So wala kang experience sa trabaho sa corporate?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako dahil sa tanong niya pa lang. Hindi ba ang unang tanong ay ‘can you tell me about yourself?’ “Uhm… wala po…” “So ano’ng trabaho mo before ka pumunta dito sa corporate?” napalunok naman ako dahil sa tanong niya. Hindi ba siya naniniwala sa mga nilagay ko? Alangan namang ilagay ko sa resume ko na sumasayaw ako sa bar. Hindi ba pwedeng i-consider na wala? “Imposible na wala kang trabaho, 26 ka na.” napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na judgemental din talaga ang isang ito. Malay naman niya ayaw ko magtrabaho at naisipan ko na lang magtrabaho ulit. “Uhm… isa po akong ano… dancer sa bar…” nahihiya kong sabi. Napatingin naman ako sa kaniya at kita ko ang sandaling pause niya sabay hinga niya nang malalim. Napahawak siya sa ilalim ng kaniyang labi sabay napatingin sa folder. “So isa kang prostitute?” tanong niya agad sa akin. Napalunok naman ako at napatingin sa kaniya. “Porket sumasayaw lang sa bar, prostitute na agad?” bigla ko namang tanong sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napangiti. “Bakit, hindi ba? You’re wearing only underwear. Sumasayaw ka in front of men, in short you're seducing them. Impossible na hindi makaramdam ng init sa katawan nila dahil sa ginagawa mo.” pang-iinsulto niya. Pero hindi naman siya mali sa bagay na iyon dahil meron na akong ganong cases, pero hindi naman dapat dini-disclose ang bagay na iyon! Besides doon ako kumikita. Doon ko natulungan ang pamilya ko, kaya ano naman sa kaniya? “Hindi ka makasagot? Ibig sabihin totoo nga na merong nangyayari sa inyo ng mga customers mo.” seryoso niyang sabi sa akin. “Ano naman sa ‘yo?” diretso kong tanong sa kaniya. “So what if meron ngang nangyayari sa amin, hindi naman na ako bata and that’s my free will. Iyon ang bagay na bumuhay sa akin, kaya bakit hindi ko gagawin.” diin na sabi ko sa kaniya. Napahinga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko habang siya naman ay seryoso na nakatingin sa akin. “So kaya ganyan ang suot mo dahil sinusubukan mo akong i-seduce para matanggap ka sa trabahong ito, ganon ba iyon?” napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Sine-seduce ko siya? What the f**k. “Hoy mister Dark!” sigaw ko sa kaniya. “Pumunta ako dito dahil sinabi ninyo. After ng nangyari kahapon, hindi naman na ako nage-expect na makukuha ako sa trabahong ito ‘no!” diin na sabi ko sa kaniya. “Pero lumuhod ka sa harapan ko at nagmakaawa na kailangan mo ng trabaho. Kaya nga nagkaroon pa ako ng awa, tapos ngayon, sisigawan mo ako?” panunumbat niya. Napayukom naman ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakapagpigil at agad na nilapitan siya sabay hinatak ang kaniyang necktie papalapit sa akin. “Kaya lang naman ako nagmakaawa dahil sa boyfriend ko an si Mark, dahil gusto niya maging presentable ako sa harapan ng pamilya niya. Pero dahil hiniwalayan na niya ako, hindi ko na kakailanganin itong bwisit na trabaho na ito!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang bagay na iyon kahit ang unnecessary naman sabihin. “Mark Sanchez?” tanong niya sa akin. Napatigil ako dahil alam niya kung sino si Mark. “Kilala mo siya?” napatawa naman siya sabay hinawakan ang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa necktie niya. “Interesting…” wika niya sa akin. “So kaya ka nandito dahil sa pamilya niya, yet nakipaghiwalay siya sa ‘yo. How sad,” pang-aasar niya. Napatingin naman ako ng masama sa kaniya dahil sa sinabi niya. “Well, then starting tomorrow, pumunta ka dito as my assistant. Pero dahil hindi mo pa naman alam ang gagawin, you’ll be an intern. Gusto ko sa loob ng isang buwan, malaman mo lahat ng gusto at ayaw ko. Dapat malaman mo kung paano ako magtrabaho, dapat lahat kalkulado mo.” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Naglakad naman siya papunta sa upuan niya at umupo. “Paano ko naman gagawin iyon, sandali lang naman tayo magkakasama dito.” “Ikaw bahala kung paano mo gagawin ang bagay na iyon. If gusto mong puntahan ako sa bahay ko, then go. Puntahan ako bago ako gumising? Then gawin mo, basta magawa mo ang lahat ng iyon sa isang buwan. Kung hindi, magba-backfire lahat ng ito sa mga Sanchez, naiintindihan mo ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD