Chapter 04 – Under His Shadow

1824 Words
Chantal’s POV “Ano? Nababaliw na ba siya?” tanong sa akin ni Thalia. Hindi ko naman alam ang ire-react ko sa mga oras na iyon. Wala na akong time para mag-react.. Andoon na ako sa point ng buhay ko na tinanggap ko na lang ang mga gusto niyang gawin. “Ewan ko rin Lia, siguro ito na talaga yung balik sa akin dahil sa mga nagawa ko sa kaniya. Malay mo, ito na rin yung sampal ko sa sinabi ni Mark na hindi ko kayang makapasok sa corporate world dahil hindi ko kaya at kilang pa ang effort ko, hindi ba?” napahinga naman si Thalia ng malalaim sabay tinapik ang likod ko. “Well if iyon naman talaga ang makakatulong sa ‘yo then go for it,” wika niya sa akin. Alam ko na galit din si Thalia dahil sa nangyari sa amin ni Mark. Madami na siyang sinasabi about kay Mark, pero hindi naman ako nakikinig sa kaniya. Now that this happened alam ko na gusto niyang sabihin na tama siya sa mga sinasabi niya, pero nanahimik siya. Mali rin naman ako, kasi akala ko talaga ganon na kami katatag ni Mark, akala ko malalampasan na namin yung ganitong bagay, pero hindi pa pala. Akala ko okay na yung future naming dalawa, sadyang kailangan ko lang na magbago for him, pero kung iisipin hindi naman na kailangan. Kasi kung mahal niya ako, hindi ko kailangan magbago, dahil dapat kaya niya akong mahalin at kaya niya akong ipaglaban despite kung ano’ng meron ako sa buhay ko. KINABUKASAN… Para magpakitang gilas kay sir Dark, inagahan kong pumunta sa bahay niya. Hindi ko nga alam kung ano ang oras ng gising niya, basta 6 am pa lang andito na ako. “Sino po sila?” tanong ng maid niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napangiti. “Ako po si Chantal, bagong assistant ni sir Dark. Inutusan niya po kasi akong pumunta dito,” wika ko sa kaniya. Medjo nagtataka naman ang maid sa akin dahil sa sinabi ko. Dahil kahit ako ay magtataka rin, sino ba naman kasing nakaisip na merong isang assistant na pupunta sa bahay niya at inunahan pa ang araw na sumikat? Walang-wala sa working hours talaga itong ginagawa ko. Masyado ba akong people pleaser kaya ginagawa ko ang bagay na ito? “Ah kayo po ba iyon, sige po pumasok na po kayo,” wika niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay pumasok sa loob ng bahay ni sir Dark. Hindi ako makapaniwala dahil ang ganda at ang linis ng bahay niya. Pagpasok mo pa lang ay makikita mo na agad ang isang buong malawak na bahay, kita mo agad ang kusina niya sa may north side. Sa may west side, merong hagdan na maliliit na hakbang lang at andoon na ang living room niya. Sa may kusina banda, isa siyang glass wall kaya kita mo doon ang garden area niya. Kapag naglakad ka, doon mo makikita na sa gitna ng kusina at ng living room, meron doon papasok na parang hallway and I think andoon ang room niya. Hindi siya ganon kalakihan pero makikita mo na malinis at talagang mamahalin ang mga gamit at lalo na ang nakatira dito. “Si sir Dark lang po ba ang nakatira dito?” tanong ko sa kaniya. Kita ko na nagulat siya dahil sa tanong ko. “Sorry po, need ko po kasi talaga makilala si sir Dark, kailangan po kasi eh,” wika ko sa kaniya. Mukha namang mabait ang kasambahay niya rito dahil napangiti lang siya sa akin dahil sa sinabi ko. “Oo mag-isa lang si sir Dark dito, yung mga magulang niya at kapatid niya ay nakatira sa ibang bahay,” wika niya sa akin. Napangiti naman ako sabay napatango-tango. “Ano po yung hilig niya?” tanong ko sa kaniya. “Like mga pagkain po?” “Hindi ko alam eh, minsan iba-iba ang mga kinakain ni sir Dark kaya hindi ko alam kung ano ang gusto niya.” napalunok naman ako dahil sa pagkadismaya. What if itanong niya sa akin iyon tapos hindi ko alam? “Uhm, ano naman pong oras siya nagigising?” tanong ko sa kaniya. “6:30 am, hindi siya mabilis magising kaya kailangan ninyo pong gumawa ng effort kung gigisingin ninyo siya.” “Paano ninyo po siya ginigising?” tanong ko sa kaniya. “Hindi po ako ang gumigising sa kaniya, kaya late yan sa trabaho niya. Dahil siya naman ang CEO wala na siyang paki doon. Pero lately, maaga naman na siyang nagigising.” napangiti naman ako sabay napatango-tango. May pagkatamad din naman pala itong si Dark na ito, akala ko naman kung ano ang special dito. “Ano pong ginagawa niya pagkagising?” tanong ko sa kaniya. “Kapag maaga pa siya nagigising minsan tatambog iyan sa swimming pool at iyon ang exercise na gagawin niya. Tapos after kakain na siya then magbabanlaw tapos aalis.” tinandaan ko ang lahat ng sinabi niya dahil baka magamit ko soon na tinanong niya ako. “Seryoso ka ba talagang assistant ka ni sir Dark o jowa niya. Parang lahat ng gusto niya inaalam mo.” Nanlaki naman ang mata ko sabay napailing-iling. “Ah hindi niya po ako girlfriend, assistant niya po ako. Ang utos niya kasi sa akin na dapat daw malaman ko lahat ng gusto niya sa loob ng isang buwan. Kaya ni-suggest din niya na pumunta ako sa bahay niya para makilala ko siya fully,” pagdedepensa ko. Napatango-tango naman siya pero kita na parang hindi convincing ang sinasabi ko. Ako magkakagusto sa cold-hearted na matapobreng lalaking iyon? Never ‘no! Matapos niya akong maliitin kahapon, no, hindi talaga! Babalik na lang ako sa pagiging prostitute kesa ibigin ko ang isang iyan! Hindi na magbabago ang ugali niyan! “Tara samahan kita sa paglilibot sa bahay niya.” sabi naman niya. Agad kaming nagalakad at itinuro sa akin ang mga nakita ko kanina pagpasok ko. “Dito sa may hallway, dito yung mga kuwarto ng guest andito rin yung movie room niya.” Nanlaki naman ang maya ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na meron siyang movie room dito. Sumunod ay tumungo kami sa living room, now I understand bakit mababa ang living room dahil siya pala yung dungawan ng second floor. Doon mo kasi makikita yung parang terrace ng second floor niya so kapag sumilit siya iyon agad living room ang makikita niya. “Sa taas andito yung mga billiards niya, yung darts, and mini bar station.” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na meron siyang bar station dito. “Sino naman po madalas na uminom dito?” tanong ko sa kaniya. “Siya rin, meron ditong butler na magaling mag mix, kaya meron siyang ganiyan.” hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. I can’t believe na merong ganitong bahay na lahat ng puntahan ng mga walwalera ay nandito na. “And ito ang room ni sir Dark. Ayaw na ayaw niya na may pumapasok sa loob, pero meron ka namang free pass kapag gigisingin mo siya o inutusan ka niyang pumasok sa loob.” Napatango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. “Mukhang mahihirapan ka nga gisingin si sir, mukhang uminom kagabi.” Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. “Matanong ko lang po, meron po bang girlfriend si sir Dark?” tanong ko. “Nako sinasabi ko na nga ba, may gusto ka kay sir Dark ‘no?” napailing-iling naman ako dahil sa sinabi niya. “Nako wala po, kayo naman, nagtatanong lang naman po ako, tamang hinala rin kayo,” sambit ko sa kaniya. “Walang girlfriend iyan,” sambit niya sa akin. Napatango-tango naman ulit ako dahil sa sinabi niya. Well base sa ugali niya wala naman talagang babae ang magtatagal. Kahit ako kapag siya yung magbabayad sa akin for one night? Hindi ko talaga sisiputin iyan kahit na malaki ang bayad, mukhang nanakit din sa kama. Pass sa mga ganiyang lalaki. “Well 6:30 na, gisingin mo na si sir.” nanlaki naman ang mata ko dahil wala man lang paabiso. Agad niyang binuksan ang pintuan dahilan para makita ko ang malaking kuwarto niya. Halata mo talaga sa ugali niya na masama ang ugali niya. Isipin mo ba naman ang design ng kuwarto ay white and black? “Pumasok ka na, bago pa siya magalit sa ‘yo,” sambit ng kasambahay sa akin. Kahit na hindi ko kaya na harapin siya ngayon, pero dahil trabaho ko ito wala akong choice. Pumasok ako sa loob ng kuwarto niya, dama ko ang nginig sa buong katawan ko dahil sa gagawin ko. “Galingan mo.” wika niya sabay sarado ng pintuan. Agad naman akong tumungo doon sa pinto para buksan pero hindi ko mabuksan iyon. “Fvck, did she just lock the door?” bulong ko. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil nabitag niya ako doon. Bakit ba ang bilis ko maniwala, baka hindi totoo ang mga sinasabi niya, t*ngina paano ako lalabas dito? Napatingin ako sa kama at nakita ko doon na mahimbing na natutulog si sir Dark. Napahinga na lang ako nang malalim at naglakad palapit sa kaniya, tama 6:30 na rin naman, better na gisingin ko siya para siya na mismo ang magbukas ng pintuan. “Yari talaga sa akin iyang si ate, ni-lock pa ako dito.” Doon ko nakita ang mahimbing na pagtulog ni sir Dark. Wala siyang damit pang-itaas dahil ang kumot ay nakatakip sa kaniyang bewang pababa. Hindi ko naman akalain na masisilayan ko agad ang katawan ni sir Dark. Tama nga si Thalia, ito nga yung mga tipo kong lalaki. Yung braso niya ang laki-laki kahit na hindi pa siya nag pa pump. Tapos yung chest part niya kitang-kita mo yung buong-buo at ang pinkish niyang n!pple. Tapos yung toned abs niya. Talagang maglalaway ka na lang. For sure talaga babaero itong lalaking ito, napakadali maghatak ng babae sa ganitong itsura. “Grabe… sayang ka talaga sir Dark, yummy ka naman pero masama ugali mo. Kung ipagtatabi kita sa mga lalaking nakita ko na rin ang mga katawan, ikaw talaga ang nasa top.” bulong ko. Napahinga ako nang malalim at tinapik siya. Dama ko ang init ng katawan niya kaya napabawi agad ako sa kamay ko. “Sir Dark gising na po–AHH!” nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay hinatak papalapit sa kaniya dahilan para mapahiga ako sa kama. “What are you doing here?” sambit niya sa ibabaw ko. Napatigil naman ako ng maramdaman ko na parang merong tumutusok sa tiyan ko. Pagtingin ko sa baba doon ko nakita ang nagagalit niyang alaga. “AHH!! May malaking sawa!” sambit ko sabay takip ng mata ko. “Fvck!” agad naman siyang kumuha ng unan at agad na hinarangan iyon. “Ano ba kasing ginagawa mo rito you idiot!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD