Hindi ko na naabutan pa si Gael sa kuwarto paglabas ko ng bathroom. Wala rin akong maisip na puwede niyang puntahan. Mag-aalas siete pa lang ng gabi at kung tama ako ng tantya ay mga late ng eight sa gabi nagdi-dinner sa bahay na ito. Inalis ko ang nakabalunbon na tuwalya sa aking ulo at hinayaan na ang buhok ko na lumapat sa aking balikat at likod. Nakakapanibago na naiiwan kong basa ang aking buhok. Taon na rin ang lumipas mula nung unang beses akong matutong mag-blow dry ng aking buhok pagkatapos kong maligo at simula noon ay hindi ko na ulit hinayaan na air dry na lang ang aking buhok. Regardless kung late at sobrang nagmamadali ay parati kong naigagawang isingit na makapagpatuyo ako ng buhok. Wala sa sarili akong nagmuni-muni na lang sa silid. Plano ko na bumaba at magpakita na

