bc

Dirty Little Secret

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.7K
READ
billionaire
one-night stand
dominant
confident
CEO
billionairess
sweet
bxg
city
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

The famous gymnast of Philippines' Magilas Team: Lilou Therese Mallari shares a dirty little secret with the country's hottest and sought after businessman, Carlos Gael De Castelleon. As much as they're not ready to share that secret to the nation. The whole nation is not yet ready to hear it too.

chap-preview
Free preview
Simula
"Shit." Mariin kong sinarado ang aking mga mata. Kulang na lang ay iuntog ko na sa pinto ng locker ang aking ulo. Malakas-lakas na puwersa ang kailangan sa binabalak kong gawin. Iyong tipong sa sobrang lakas ay mako-coma ako ng ilang taon at magigising na wala ng naalala. How I wish that's possible. "Lilou." Boses ni Coach Sanches ang nagpabalik sa 'kin sa mundong ibabaw mula sa pagkakalugmok ko sa samu't saring emosyonal na pagdurusa. Two months ago my mother filed for divorce. Dahil american citizen siya at sa Denver, Colorado sila kinasal ni Daddy ay naging possible ang diborsyo para sa kaso nilang dalawa kahit na hindi 'yon pinapayagan dito sa Pilipinas. Ngayon araw lumabas na ang desisyong nagbibigay legal sa paghihiwalay nilang dalawa. December 1st 2020, ito ang araw na hindi ko malilimutan. I was about to do a jump with bent legs to handstand when Coach Sanches said, "Maiintindihan naman namin kung hindi mo muna tatapusin ang training ngayon. Nakita na namin sa balita yung tungkol sa parents mo." Wala sa sarili akong napatingin dito. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong mahiya sa kaniya o kung mas tama na sundin ko ang sinasabi niya na umuwi na lang muna ako. Kapag umalis ako sa studio. Hindi ko alam kung saan ako didiretso, sa bahay ba namin o sa condo ko. "Sa La Azul po tayo," sabi ko sa driver pagpasok sa taxi na si Coach Sanches pa mismo ang pumara para sa 'kin. I wanted to stay in the studio but she insisted that I need a break, at least today. Nang nagtanong 'to kanina kung saan ako uuwi ngayong araw ay nagsinungaling pa 'ko. Ang alam niya sa Forbes Park ako didiretso. Naisip ko kasing mas makakampante siya kung iyon ang alam niya. She's worried about both my physical and mental health. Marami nang iniisip si Coach at ayaw ko nang dumagdag. "Parang pamilyar ka," biglang sinabi ng taxi driver dahilan para mapatingin ako rito. May ideya na ako kung saan niya 'ko maaring nakita para masabi niya ang mga 'yon ngunit mas pinili kong kusa niya 'yong maalala. "Ikaw yung nasa commercial at pabalat ng isang chocolate drink... milo hindi ba?" I smiled at that. Hindi na bago sa 'kin ang ganito. May mga tao talagang nakakapansin sa 'kin bilang model ng Milo kung 'di sila aware na bukod sa pagmomodelo ko ay isa rin akong gymnast ng Team Magilas. "Ikaw 'yon, tama ako?" natatawang paninigurado nito. "Opo. Ako nga po 'yon." "Galing. Ikukuwento ko 'to sa anak ko mamaya pag-uwi ko ng bahay. Hahanga 'yon." Bakas ang pananabik sa mukha nito na magawa niya na ang planong 'yon. Sandali akong natigilan at napaisip. Si Daddy o si Mommy kaya naiisip din iyong ganoon? Na-e-excite silang umuwi kasi mayroong nangyari sa buong maghapon nila na gusto nilang i-share sa 'kin? I'm all ears for exciting and fun stories but the thing is they don't have one for me. "Thank you." Hindi ko na napansin ang ginawa kong pagkaway para magpaalam sa taxi driver na para bang close kami. Ang dami kasing i-shinare na kuwento ni Kuya kaya naging komportable ako sa kaniya. Sana makasakay o makita ko siya ulit. "Miss Lilou?" awtomatik na tumigil ang mga paa ko sa tapat ng receptionist. "Galing po si Mr. Mallari sa unit niyo kanina. Hindi raw siya nakapasok kasi pinalitan niyo yung passcode," sabi nito habang dahan-dahang nilalagay sa taas ng table ang isang box ng macaroon galing sa Macarose. I smiled to her then take the macaroons at the same time. Pagpasok sa unit. Nilapag ko na muna yung box sa may accent table ilang hakbang mula sa pinto. Gamit ang aking paa ay inabot ko ang puting plush fleece slipper sabay gilid ng sneakers na ginamit pagkasuot ng pambahay na tsinelas. Nang maitabi ko na ang keycard dumiretso ako sa kusina para kumuha nang maiinom. Habang sinasalin ang orange juice sa aking baso. Nag-vibrate ang cellphone ko. Mayroon na akong ideya kung sino ang maaring nag-text sa akin at sa totoo lang ay ayaw ko muna iyong mabasa. Ayaw ko munang makarinig ng kahit na ano mula sa mga magulang ko. Pagbalik ng pitchel sa lamesa at ng baso sa lababo. Umakyat na 'ko sa taas para magbabad sa bath tub. That's the only relaxation I could give to myself. Kung hindi ko kaya payapain ang aking isipan, at least iyong katawan ko'y kalmado. Ganoon na lamang ang pagkairita ko nang mamalayan na mayroong kung sino sa baba ang parang gusto ng sumira sa doorbell ng unit. There's no way that's one of my parents. I hope. Kung sila kasi baka may masabi akong hindi maganda lalo na't hindi maganda ang panlasa ko sa mga oras na 'to para sa kanila. Wala akong oras para estimahin sila. Mabilis na nangunot ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na lalaki sa screen. He's too fashionable and good-looking to be a delivery boy of something. Wala naman sigurong nagdi-deliver na naka-Brioni suit. Pinindot ko ang intercom. "Sino po sila? Anong kailangan niyo?" "What?" pumuputok at bakas na bakas ang accent ng lalaki. That confirms it. There's no way he's a delivery boy or something. Pinakawalan ng daliri ko ang button ng intercom saka dumiretso sa pinto at binuksan 'to. "Hoy sino ka ba?" natatarantang sigaw ko nang bigla na lang siyang pumasok na para bang mayroon 'tong hinahanap. "Nasaan si Kohen?" mas lalo pang nangunot ang noo ko sa tinuran niya. "Sino?" "Si Kohen. Iyong kapatid ko?" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na hablutin ang nectie ng lalaki para hilahin siyang palabas. "What the f**k?!" he snarled "I beg your pardon?" I exclaimed. I sighed heavily and close my eyes for a moment. "Hindi ko alam kung sino ka at wala rin akong kilalang Kohen. This is my unit, Mister. Baka nagkamali ka ng floor or unit number na pinuntahan," sabi ko sa kalmadong boses. Natameme ang estranghero sa mga sinabi ko. Sandali nitong ipinilig ang kaniyang ulo saka umiigting ang pangang tumalikod sa 'kin saka naglakad paalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.8K
bc

NINONG II

read
619.2K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
502.0K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.4K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook