Kabanata 1

1049 Words
Suot ang kulay puti at asul na may burda ng perperktong araw sa likuran na jacket. Taas-noong naupo ako sa sentro ng lamesa kung saan naka-puwesto ang ilang microphone galing sa iba't ibang tv network dito sa bansa. Tatlong araw pa lang nang matapos ang summer olympics sa Brazil at ilang oras pa lang ako narito sa Pinas pero heto at ilang one on one interview at conference na ang kailangan kong harapin. "Anong pakiramdam na ikaw ang unang babaeng gymnast na nakapag-uwi ng gintong medalya para sa 'ting bansa?" hindi ko na mabilang pa ang tanong naibato sa 'kin at sa tingin ko'y nabigyan ko naman nang maayos na sagot. Nakangiting itinapat ko ang mga mata sa camera. "Honestly..." I trailed off. "I'm still overwhelm. Halo-halo pa yung nararamdaman ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na lahat ng hirap namin sa training nasuklian nito." Iniangat ko ang gold medal na mas lalong nagpalapad sa ngiti ng mga taong nasa kuwarto. "Simula nang napunta 'to sa 'kin. Kapag nakikita ko siya halos magpakurot ako kay Coach Sanches para lang makumpirma na hindi po ako nagdi-daydream." Nang matapos ako sa pagsasalita. Pumirmi na agad ang ngiti sa aking labi. "Everyone all over the world who witness both your greatness and beauty in the Rio de Janeiro summer olympics are smitten. Sigurado akong maraming curious kung single ka pa, Ms. Lilou?" the genuine smile on my lips froze. Unti-unti na iyong natutunaw nang mamalayan kong kinukuha nang muli ng reporter na 'yon ang atensyon ko. Napabaling ako sa 'king Coach na nasa tabi ko lang din. Palihim na pinisil ni Coach Sanches ang kamay ko sabay ngiti. "Still single... but it's not my priority," I said that earned different reaction. Isang pang-komersyong ngiti na lang ang ginanti ko sa kanila. "Why would they bring up about my parent's divorce? Mag-aanim na buwan na nang mangyari 'yon. Wala ngang kinalaman 'yon sa katatapos lang na summer olympics at sa gold medal." Hindi ko na napigilan pang ilabas ang sama ng loob ko. I find it disrespectful. Kung bakit ba kasi may mga reporter na hindi marunong manantya at makiramdam. Basta magagawan nila ng kuwento ay sisige kahit na malaki ang tyansang nalalabag na nila ang privacy ng isang tao. "Lilou naman," pagsisimulang sabi ni Coach. "Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nagsi-sink in sa 'yo na simula nang maging parte ka ng Team Magilas, ng National team ay isa ka ng public figure. Kasama ang mga bagay na nangyari kanina sa marami pang bagay na kailangan mong makasanayan dahil sigurado ako... simula ngayon ay mas dadami na ang matang nakamasid sa 'yo." May point si Coach. Malinaw kong nauunawaan 'yon. Sadyang nakaka-badtrip lang talaga. "Did you invite them to my birthday bash?" Alam na kaagad ni Coach na ang mga magulang ko ang aking tinutukoy. She tore her eyes off her phone and nodded. Inis akong napadaing. Ngumiti lang naman 'to sa 'kin. "Inimbitahan ko sila roon para makaiwas sa kung anong issue. Baka kasi mapansin ng mga tao na wala sila roon. After all, malawak iyong bar na pagdarausan ng party. You have all the right to spend the rest of the night away from them after a couple of family pictures," she teased. Paghatid sa 'kin nina Coach sa unit ay sinigurado na rin nitong naka-set ang alarm ko ng six pm. Mamayang eight ng gabi ang birthday bash ko kaya malamang ang dalawang oras bago 'yon ay allowance para sa pag-aayos ko at biyahe papunta sa bar. Iyong damit naman na isusuot ko'y nakahanda na raw sa walk-in closet sabi niya. Hindi na ako nag-abala pang i-check 'yon sapagkat bumabagsak na talaga ang talukap ng mga mata ko. Kulang na kulang ang anim na oras na nakuha kong tulog. Kahit na nakaramdam ako ng gutom nang maalimpungatan ako ng bandang alas-tres ng hapon ay hindi pa rin ako bumangon at nang mag-ring na nga ang alarm clock sa ikatlong pagkakataon pagkatapos ko 'tong paulit-ulit na i-snooze ay wala na 'kong choice kung 'di bumanggon at mag-asikaso. Out of all the four outfits prepared in the rack. I decided to show up in my party wearing the most daring out of all the four pieces. A versace satin, plunging neckline dress. "You're late. Dapat saktong eight nagsimula itong party." Pagpapagalit sa 'kin ni Vienne pagdating ko sa Elexir. I held her hand and leans closer to her ear. "I overslept. Natagal din ako sa pagpili ng damit na isusuot tapos traffic from Makati to Quezon City." Habang nag-e-explain ako sa 'king bestfriend ay hinila niya ako paakyat sa vip section. Halos ngiti na lang nga ang maisukli ko sa mga nadaraanang guests na bumabati sa 'kin. "Si Mama ba o Papa nakita mo na?" Bumagal nang kaonti ang paglakad namin ni Vienne. Nakita ko pa 'tong sandaling lumingon sa paligid bago ako hinarap. "Pumunta ba sila? Hindi ko naman kasi sila ininvite kasi sabi mo nga---" "In-invite sila ni Coach. Wala naman na 'kong nagawa pa." Pasigaw kong sagot para lang marinig niya. "Hayaan mo na. Malay ba natin kung pupunta ba sila. Baka naman hindi na rin. Alam naman nila na hindi kayo okay ngayon. I'm sure they don't plan to spoil your night," anito. Bago ko pa maitanong kung bakit dinala niya agad ako sa vip section. Nasa tapat ko na ang sagot. "This is Mr. Kohen Thiago de Castelleon and his brother s***h co-owner of DCB Sportswear; Carlos Gael de Castelleon. Gusto ka nilang kuning model ng DCBS!" Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na rin sa wakas kung saan ko nakita iyong Carlos Gael. Siya yung lalaking bigla na lang pumasok sa unit ko at hinahanap iyong si Kohen. "Lilou, may problema ba?" bulong ni Vienne na siyang nagsisilbing manager ko sa pagmo-model. Umiling ako rito sabay naglahad ng kamay sa dalawang lalaking kaharap. "Hi! I'm Lilou Therese Mallari." Tinanggap ni Kohen ang kamay ko. "Everyone in the country knows you. It's a pleasure to meet you, Lilou." Nang iyong Carlos Gael na ang nakahawak ko ng kamay at nakahinang ng mga mata ay parang bigla na lang nanlamig ang buong katawan ko. He breaks the thin line on his lips with a fake smile. "It's good to see you again, Lilou Therese."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD