SAVI’S POV Pigil ang hininga ko habang pinagmamasdan ang mga maskuladong lalaki na nakasuot ng itim. May mga hawak silang mga armalite at mga dekalibreng baril na nakalagay sa kanilang mga gilid. Lima silang nakabantay sa harapan ng mismong gate na dapat ay papasukan ko. No choice ako kundi ang patumbahin sila isa isa. Dahil baka bigla silang dumami kapag hinagisan ko sila ng granada. It's either dadami ang mga katawan nila o dadagsa pa ang mga kasamahan nila na nasa loob para sumugod. Aish! Walang ingay akong naglakad palapit sa isang bantay na saktong nakatalikod sa pwesto ko. Bueno, bueno. Kahit sa sobrang laki niya ay nagawa ko pa rin siyang hatakin palapit sa‘kin at bago pa siya makagawa ng ingay ay diniinan ko ng aking daliri ang leeg niya para patulugin siya. Napangisi ako n

